CHAPTER 4

828 32 0
                                    

CHISHELLE’S POV

Pagkarating sa school nakita ko si Kimberly na may dalang libro. Sinalubong ko sya at tinanong kung para sa’n ‘yon. Ang sabi nya ay nag-a-advance reading daw sya para sa susunod ay hindi daw sya mahuli sa recitation na ibibigay kung sakali. Buti na lang at nag-advance reading din ako. Nang makapasok sa room ay nakita kong kanya-kanyang grupings ang mga classmates namin. May nakapabilog, may nasa lamesa nakaupo, may naggi-gitara tapos kumakanta. Iyong iba naman ay nagkukuwentuhan tungkol sa mga g’wapo dito sa loob ng campus. Iba ang presensya ng Crimpson University kesa sa Villa. Med’yo kasi mapagmataas ang mga tao sa Villa, unlike dito, parang wala at pare-pareho lang ang tingin nila.

Sakto naman na dumating na ang professor namin. Buong klase akong lutan at med’yo malalim ang iniisip sa hindi ko malamang dahilan. Buti na lang at walang recitation at isa lang ang subject ko ngayon. Pumunta ako ng market ara bumili ng milk for cat. Naubos na rin kasi ‘yong gatas nila Sun and Moon. Bibilhan ko na rin si Fuji para kapagpupunta sya ng bahay ay may nakakain sya. Saktong pagkuha ko ng isang milk ay nagtama ang kamay namin. Napatingin ako sa lalakeng kukunin rin sana ‘yon at napatingin rin ito sa ‘kin. Bigla ay binitawan ko ‘yon at saka alinlangan na ngumiti.

“P-pasensya na. Ano... sige, iyo na.” Aalis na sana ako kaso bigla nyang binigay ‘yong cat milk sa ‘kin.

“It’s ok, mero’n pa naman ako,” sabi nya saka umalis.

Kinabahan ako dahil sa kanya. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya at halos sundan ko na rin ito. Pero nagulat ako ng may kamay na humapit sa braso ko at nang mapalingon ko ay nakita ko si Aziel. Seryoso ang mukha at tila hindi maganda ang mood. Maitim ang aura at parang papatay ng tao.

“A-Aziel,” nauutal kong tawag sa pangalan nya.

Bigla ay binitawan nito ako saka ako umayos at gano’n din sya. Sa hindi ko malamang dahilan kinuha nito ang cart saka sya ang nagtulak. Napakunot ako ng noo at nagulat dahil kung ano-ano ang nilalagay nya na hindi ko naman kakailanganin. Agad akong lumapit upang pahintuin sya at hindi naman ako nabigo ro’n.

“What?”

“Kasi ano... hindi ko naman kakailanganin ang iba d’yan.”

“It’s mine.”

“Eh?”

“This is all mine.”

“Pero cart ko ‘yan.”

“Iyong mga kinuha ko ay akin. Hindi itong cart.”

“Huh?”

Hindi ko gets. Bigla nyang pinitik ang ilong ko at napahawak ako ro’n. “C’mon,” sabi nya sa ‘kin at sumunod naman ako.

Tumingin ako sa paligid at nagbabakasakaling makita ko ulit ang lalake kanina. G’wapo sya, maganda ang pangagatawan at may salamin sya pero bagay sa kanya. Sa sobrang pagpapantasya ko ay may pumitik sa noo ko na ikinagulat ko.

“Auch! Kanina ka pa,” inis na sabi ko.

“Stop thinking of nonsense!” Nakanguso nyang sabi saka ulit nauna.

“Problema ba no’n?” Nakangusong tanong ko sa sarili ko.

Malapit na mag-december. Second semester ng taon ay buti na lang nakalipat pa ako ng school. Sinundan ko nalang si Aziel saka nito binayaran ang mga kinuha nya. Nang makapagbayad ay nagulat ako ng makita itong lahat. Sobrang dami no’n at hindi ko alam lung sa’n nya ilalagay.

“Marami ba kayong nasa condo mo?”

“Nope.”

“Eh, bakit ang dami nyang binili mo?” takang tanong ko habang nakaturo sa cart.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now