CHAPTER 16

365 16 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Year 1995 (Before)

Naghanda ang lahat sa muling paggising ni Haring Aziel. Bagamat matagal itong nahimbing ay nagampanan ng hari at reyna ang kanilang tungkulin bilang halili sa kanilang anak na si Aziel. Nang makatulog itong muli matapos ang limang daang taon ay no'n lang nila muli itong masisilayan. Sa pagdating ng priest na si Hiro ay agad na nagsipag pabilog sila sa nahihimbing na si Aziel. Upang bigyan ito ng banal na kaluluwa, upang hindi na sya muling makapanakit pa ng iba ay laging pumaparoon ang priest na si Hiro upang basbasan si Aziel.

"Isang masayang pagbati sa muli mo'ng paggising King Aziel," bungad na bati ni Hiro ng imulat ni Aziel ang kanyang mga mata.

Tumingin sya sa paligid at tila hindi alam kung ano ang unang gagawin. Mula sa mga kawal, agad na sinenyasan ng hari at reyna ito upang hindi makatakas si Aziel. No'n kasi ay kabilugan ng b'wan, kalakasan din ng hari iyon at natitiyak nilang muli itong aalis at hahanapin ang babaeng kanyang kailangan.

"Dugo," ang unang binanggit nito.

Si Aziel ay kilala bilang isang magiting na hari ng Lamia. Kinikilala bilang mabait, mapagmahal sa kanyang nasasakupan. Ngunit sa hindi inaasahan ay lumitaw ang isang hindi kilalang nilalang mula sa kanila. Sinabing magiging isang masamang bampira si Aziel at unti-unting lalamunin ang kanyang kaluluwa ng isang hindi inaasahang sumpa mula sa nakaraan. Si Aziel ay isinumpa ng isang nilalang na hindi nila alam kung sino. Pero ang sumpa na 'yon ay dala-dala nya sa makalipas na isang libong taon. Ang pagiging bampira ay tanyag sa kanya ngunit ang maging isang masamang bampira ay hindi kailan man nya matanggap.

Si Aziel ay kilala bilang isang matapang at tapat na hari ng Lamia. Kung hindi sya maikakasal agad ay maaring mawala sya sa kawalan na parang bula. Malilimutan sya ng lahat ng tao at kung hindi sya mamahalin ng pakakasalan nya ay mababalewala ang lahat. Ang paghihirap at pag-aantay nya ay mauuwi lang sa wala at hindi na sya kailan man makakabalik pa. Mula sa kawalan ay mapaparusahan si Aziel at sa parusa na 'yon ay maaaring habang buhay syang makulong sa isang kawalan na walang ibang makakakita sa kanya bukod sa kanyang sarili.

Binigay nila ang dugo na kailangan ni Aziel at ininom nya iyon. Bumalik ang kanyang lakas at dama nito ang kakaibang init mula sa kanyang katawan. Ngunit sa isang iglap ay tila nawala ito sa kanyang sarili. Biglang nabahala ang lahat at hindi alam kung ano ang gagawin. Mula sa kinatatayuan ng priest ay agad nitong itinapat ang kanyang kamay kay Aziel. Napahinto ito at namimilipit sa sakit na kanyang nadarama.

"You need to choose, Aziel. Find your bride and have a long life to live or die," tanong nito na syang nakapagpabalik sa katinuan nito.

"I-I need m-my b-bride," he whispered.

"Umalis ka. Hanapin mo ang kinakailangan mong hanapin. Hindi ka babalik ng Lamia hangga't wala ang babaeng napili mo bilang iyong mapapangasawa at ang mamahalin ka," sabi ni Hiro.

"P-pero---"

"Kung tanggap mong mawawala ka. Mabuti pang manatili ka na lang."

"Hindi... hindi ako papayag," ani ng Reyna

"Pero ang babaeng pipiliin nya ay dapat mamahalin rin sya. Paano kung hindi?" nag-aalalang tanong ni Fuji.

"Pupunta ako ng simbahan. Ang banal na babae ang syang iyong dapat piliin, Aziel. Sasama ka sa 'kin sa mundo ng mga tao at mamumuhay ka ro'n bilang tao at hindi bampira," matigas na sabi ni Hiro.

Walang nagawa si Aziel kung hindi ang tanggapin ang inaalok ng kanyang kapatid. Si Hiro ay kapatid ni Aziel ngunit piniling manirahan ni Hiro sa mundo ng mga tao at pag-aralan ang pamumuhay ng mga ito. Namuhay sila ro'n, pati si Fuji ay do'n na rin nanirahan upang samahan si Aziel. Ilang daang taon ang nagdaan. Nanatili sa sakit na nararamdaman si Aziel. Ang kanyang puso ay unti-unting dinudurog at ani mo ay pinipiga.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now