Lascivious Casanova 01

126K 1.3K 158
                                    

READ THE WARNING!
READ THE WARNING!
READ THE WARNING!
________________________________________

This is a work of fiction, products of the Author's imagination. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental.
_________________________________________

It contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, spelling, and typos.

I write offensive plots. If you are easily offended or not ready for mature or offensive contents, my stories are not suitable for you.

MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
__________________________________________

(LC) Chapter 01

Dismayado akong nagbuntong hininga ng madaanan ko ang grupo na nag-iinuman. Nasa loob kami ng eskwelahan at hindi sila nahihiya na ipangalandakan ang ginagawa nila!

Ano ba ang nakukuha nila diyan sa alak at hindi nila matigilan?!

"Tawagin mo sila Harry, sabihin mo may mga nag-iinuman nanaman."

"Eh, ayoko.. baka ako ang pagdiskitahan ni Jaxsen kapag nalaman na nagsumbong ako.."

Inilingan ko si Irene na pinaglalaruan ang ilalim ng uniform niya. Nakababa ang tingin dahil ayaw akong sundin.

"Ako na!" Sabi ko at umikot para bumalik sa kwarto na nilabasan namin.

Nakasunod si Irene sa akin, kapag nililingon ko naman ay umiiwas ng tingin. Alam ko na gusto niya akong pigilan, hindi dahil sa ayaw niyang pagdiskitahan siya ni Jax kundi dahil alam ko na malaki ang pagkagusto niya dito.

"Ano ba ang nakikita niyo sa lalaki na iyon? Ang daming bisyo at basagulero.."

"Ang ilap niya kasi sa babae! Parang ang laking premyo kapag napansin ka.." kinikilig na sabi niya sa huli.

Umiling ako at ngumiwi sakanya.

"Hindi mo ba nakita ang ginagawa niya?" Turo ko sa nilagpasan namin kung nasaan ang mga nag-iinuman.

Napanguso siya at umiwas ulit ng tingin. Namumula ang pisngi at parang nagpipigil ng hagikgik.

"Nag-iinuman sila at ang narinig ko kahapon lang nakipag basag-ulo nanaman sa labas." Dagdag ko pa.

Tinitigan ko siya na parang nababaliw na siya ng humagikgik siya.

"Ano ka ba, Clem! Ang hot nga niya eh!" Tili niya, namumula at humawak pa sa magkabilang pisngi.

"He's not hot.. he's a bad guy."

Tinulak ko pabukas ang pinto at nakita na nag-uusap ang mga estudyante na inatasang magpaayos ng mga panuntunan sa paaralan.

"May mga nag-iinuman sa dating pwesto."

Nagkatinginan kami ni Harry. Lumapit siya at hinawi ang buhok ko na nasa balikat.

"Dating grupo ba?"

Tumango ako at nagkibit balikat. Wala pa kasi sa kalahati ng taon ay ilan beses na yun nababalita na nag-iinom at nakikipag-away. Madalas may band aid sa mukha at amoy alak.

"Sasama ka?" Tanong ni Harry, ang kababata ko at kapitbahay.

"Oo. Sana mahuli niyo na ngayon. Palagi nalang nakakatakas sa inyo."

Tumawa siya at inakbayan ako para lumabas kasama ang mga estudyanteng opisyal ng eskwelahan.

Palapit palang kami kung nasaan ang mga nag-iinom ay naririnig na namin ang mga ingay nila.

Natatakpan sila ng mataas na talahib mula dito pero konting lakad pa namin ay natanaw na namin sila, nasa damuhan ang ilan sa mga lalaki na kasama niya't mayroon mga kasama na babae habang si Jax ay nakaupo sa batong upuan na pahaba. Nasa tabi ang alak at ilang pagkain na pulutan nila. Naka-dekwatro at mayroon hinihithit na sigarilyo.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now