Prologue

78 33 10
                                    


"Miss Feb malelate na po kayo,"

Napatingin ako sa pinto nang may narinig akong magsalita. Si Eba pala iyon, isa sa mga kasambahay namin. Tumango lang ako bago sumunod sa kanya pababa.

Nang makarating kami sa dining table ay naabutan ko doon si Daddy na nakaupo sa kabisera at si Mommy naman ay katabi niya. Humalik ako sa pisngi nila nang makalapit at ngumiti naman si Mommy sa'kin habang si daddy naman ay patuloy lang na kumakain. Agad akong umupo sa tapat ni mommy at linagyan naman ni Eba ng pagkain ang pinggan at ng juice ang baso na nasa harap ko. Pagkatapos ay tumayo lang siya sa gilid namin.

Tahimik lang kami habang kumakain. Well sanay naman na ako dun kasi hindi naman talaga sila nagsasalita masyado kapag nasa hapag kami. Konti lang ang kinain ko dahil malelate na ako sa school kung magtatagal pa ako kaya pagtapos ko kumain ay nagpaalam ako at umalis na. Habang bumabyahe patungo school ay katext ko ang mga kaibigan ko.

Carol: Hoy @February late ka na! Bilisan mo kaya ano?

Napatawa ako nang makita ang text ni Carol, isa sa mga kaibigan ko. Imbes na magreply ay tumingin nalang ako sa binatana ng kotse at naghintay na makarating sa school na pinapasukan ko. Hindi rin naman nagtagal at nakarating din agad ako kaya bumaba na ako at naglakad patungo kung saan ang unang subject ko ngayong araw.

Pagkapasok ko sa room namin ay nakita kong nandoon na ang prof sa harapan kaya tumungo ako at lumapit na sa upuan ko. Nakita ko naman si Carol na nakaupo na rin sa upuan na katabi ng akin. Tumango ako sa kanya bago umupo.

"Si Jah?" tanong ko.

"Late rin," sagot nya. Tumango ulit ako, hindi na ako nagulat na late na naman siya. Nakinig na rin ako sa prof namin na nagsasalita sa harapan para naman mah matutunan din ako ngayong araw.

Pagkatapos ng ilang oras na nakaupo doon at nakinig, sa wakas ay lunch na. Hindi parin dumadating si Jah kaya siguro nasa cafeteria iyon at naghihintay na matapos ang klase. Tama nga ako dahil nakita ko si Jah at France sa isang table na nakatulala kaya agad na kaming lumapit sa kanya.

"Ayos mukha natin ah," tukso ni Carol kay Jah nang makalapit. Napatawa rin ako dahil ang itim ng eyebags ni Jah at halatang walang tulog kagabi.

"Okay ka lang?" tanong ko at tumango lang sya habang nakapikit ang mata.

"Hey! Wake up! What were you doing last night ba that you're so puyat?" siniko ni France si Jah kaya napadilat si Jah at tumingin ng masama sa kanya.

"Sa ano, Andreas',"

Andreas'? Ilang beses na syang pabalik balik doon ah? Hindi ba sya nagsasawa sa club na 'yon o ganoon niya iyon kagusto at kailangang balik-balikan?

"Hoy baka magkasakit ka nyan! Palagi ka nalang umiinom!" binatukan siya ni Carol at napa 'aray' naman siya.

"Anoba! Ang sakit kaya!" sabi niya habang nakanguso.

"How about we go there later? We dont have classes naman tomorrow," nagkibit balikat si France at napaisip naman ako.

"Sige ba!" sabi ni Jah at sinamaan namin sya ng tingin ni Carol.

"Masakit pa ang ulo mo dahil kagabi tapos iinom ka na naman mamaya?" umirap lang sya sa sinabi ko at ngumuso.

"Huwag ka nang magtaka France kapag naging pasyente mo to balang araw, at kapag nangyari yon, hayaan mo na lang itong mamatay," sabi ni Carol kay France at tumawa naman kami ni France.

"Ano ba?! Keri ko naman, atsaka gustong pumunta ni France ng club, minsan lang kaya to nag-aaya! Pagbigyan na natin," napaisip din ako, oo nga naman, palaging busy si France kaya okay lang naman siguro na pagbigyan ngayon?

"Pero si Feb--"

"Carol," pinutol ko ang sasabihin niya sana. Alam ko na kung saan mapupunta ito kaya uunahan ko na siya "okay lang ako, pagbigyan na natin si France, minsan lang naman."

Natahimik silang tatlo at bumuntong hininga, ngumiti naman ako dahil alam kong papayag na sila. Hindi nga ako nagkamali dahil pumayag nga sila at napagusapan na namin na susunduin na lang kami ni France sa mga sarili naming bahay.

Buong maghapon ay ang lakad namin mamaya ang laman ng isip ko. Hindi naman mamaya ang unang pagkakataon na makakatapak ako sa club. Pinapayagan naman ako ni mommy noon kapag may tiwala siya sa mga kasama ko. Si daddy lang naman ang hindi pumapayag, masyado siyang protective, hindi naman siya ganito ka higpit sa akin noon, pagkatapos lang mangyari iyon.

Pagkarating ko sa bahay ay wala pa ang kotse nila mommy siguro ay mamaya pa sila dadating dahil maaga pa naman, o talagang hindi sila uuwi?

Dumiretso ako sa kwarto ko at nanatili muna doon bago ako bumaba para hanapin si Eba. Nagtagumpay naman ako dahil natagpuan ko siya sa kusina na mukhang nagluluto ng hapunan.

"Eba," tawag ko sa kaniya atmuka pa siyamg nagulat

"Miss Feb, ikaw po pala iyan," ngumiti langa ko sa kaniya.

"Si Mommy at Daddy?"

"Ah, hindi pa po nakauwi, Miss,"

"Anong oras daw sila uuwi?"

"Hindi ko po alam, Miss, pero ang sabi ni Ronie ay mukhang matatagalan sila ngayon," mas lalong lumapad ang ngiti ko.

"Sige, aalis din ako mamaya."

"Hala Miss, nagpaalam ka po ba? Baka ako ang malagot," kumamot siya sa ulo niya. Tumango lang ako at dumiretso na sa taas.

Pagkarating ko sa kwarto ay nagpaalam ako kay mommy at pumayag naman siya kaya naghanda na ako para mamaya at pagkatapos ay bumaba ulit ako para makakain ng hapunan. Hindi rin ako kumain ng matagal at umupo nalang sa sofa habang naghihintay ng text ni France. Hindi naman ako nabigo dahil maya-maya ay nakatanggap nga ako.

'I'm here na sa gate, sasama ka?'

Hindi ko na iyon sinagot at nagpaalam na lang kay Eba bago lumabas. Pagkalabas ko ay nakita ko nga ang puti na subaru ni France kaya naglakad na ako doon.

"Nagpaalam ka ba?" bungad ni Carol pagkapasok ko. Tumango ako at ngumiti at nakita ko namang para silang nakahinga ng maluwag. Agad na nagdrive si France sa Andreas'. Hindi naman ito masyadong malayo sa amin kaya mabilis din kaming nakarating.

Pagkapasok namin ay wala pa masyadong tao siguro dahil maaga pa at wala pa masyadong nalalasing. Agad rin kaming nakahanap ng couch at hinayaan na namin si Jah na mag-order ng alak dahil siya naman ang sanay na dito.

Nakaubos na kami ng dalawang bucket at si France ay mukhang tinatamaan na dahil kulang nalang ay humiga sya sa couch. Siya talaga ang pinakamabilis na malasing sa amin at baliktad naman si Carol, hindi ko pa siya nakitang malasing. Si Carol at Jah ay pstuloy parin sa pag-inom kaya nilibot ko ang paningin ko at napatigil nang may makitang mga pamilyar na mukha.

"Carol! Nandito pala ang kuya mo!" sigaw ko dahil malakas ang music napatigil sila sa pag-inom at si France ay napadilat din at napaayos ng upo.

"Ha?! Asan?!" tanong niya kaya nginuso ko ang anim na tao. Tatlo lamang ang pamilyar sa akin doon, ang dalawang kapatid ni Carol at si Emerald.

"Oh? Your kuya is home na pala?" tanong ni France. Tumango lang si Carol. Napasinghap naman si Jah.

"Kay gwagwapo nga naman! Sayang wala yung mga Rousse at si Heart! Kapag nakita ko siguro sila ng kompleto pwede na akong mamatay!" sigaw ni Jah. Binatukan naman si Carol.

"Baliw!"

"Sini yang mga 'yan?" sabay silang napatingin sa akin nang magsalita ako.

"Jusko teh, saang planeta kaba nakatira?!" si Jah. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"I'm sure kilala mo si Cloud at Cullen," tumango lang ako, tinuro niya si Emerald "that's Emerald Jones," tumango ulit ako, kilala ko siya "Lauren Patria," tinuro niya ang babaeng nakaponytail ang buhok "Summer Silva," tinuro niya ang may maikling buhok "and Spade Silva," turo niya sa isang lalaki.

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now