Chapter 23

7 5 0
                                    

"Where are you going?" si Daddy. Ngayon ang appointment ko kay Dra. Legaspi, at dahil sinabi ni mommy na sasamahan niya ako, sasamahan niya nga ako. 

"We have to buy something important," si mommy. 

"How important?" 

"Very important." 

"I'm coming with you then." 

"No!" mabilis na pagtutol ni mommy. Napatingin naman si daddy sa kanya ng nagtatanong. "I-I mean… You're busy.. Kaya kami nalang." 

"Okay," si Daddy pero naniningkit ang mata niya. 

"'Wag mo kaming subukan na sundan, Alfred, sinasabi ko sayo," tinaasan siya ni mommy ng kilay. 

"Fine, take care," tsaka siya umakyat sa taas. Lumabas na kami at ginamit namin ang sasakyan ni mommy, siya na rin ang nagdrive.

"Mabuti naman at sinabi mo sa mommy mo, Feb," sabi ni Dra. Legaspi. Nandito na kami sa clinic niya. 

"Hindi sana sasabihin, kung hindi ko nahuli na nagsusulat, hindi aamin," si mommy. Kinagat ko ang labi ko, ngumiti naman si Dra. Legaspi. 

"Asan ang pinagawa ko sayo, iha?" dali dali kong kinuha ang notebook sa bag na dala ko at binigay sa kanya. Nagsimula naman siyang basahin iyon, kumunot ang noo niya. "Unisom?" 

"Yes, doc, I use that whenever I'm having a hard time sleeping," sagot ko. 

"I suggest you take prazosin, it can help," sinulat niya iyon sa papel at binigay sa akin. May nakalagay din na dosage doon, "stop taking doxylamine," tumango ako. 

"Yes, po…" huminga siya ng malalim.

"Also, I want you to avoid thinking about your traumatic event, Feb," lumunok ako. I can't help but think about it everytime. She turned to my mother. "Can we talk?" sumlyap siya sa akin, "in private," tumango si mommy at tumayo naman si Dra. Legaspi. Tumingin si mommy sa akin. 

"Saglit lang kami, anak…" tumango ako sa kanya. 

Now that I'm alone, hindi ko na naman mapigilan ang isipin ang dating nangyari. Pinilig ko ang ulo ko, No, kasasabi lamang ni Doktora na hindi ko dapat iyon isipin, kailangan na iwasan ko. Pinikit ko ang mga mata ko ay nag-isip ng mga magandang pangyayari. Sinabayan ko rin ng paghinga ng malalim. 

Pumasok sa isip ko ang mga magulang ko. Si Daddy, hindi niya alam ang nangyayari ngayon, hindi ko rin alam kung gusto ko bang malaman niya o manatili lamang siya na walang alam. Napaisip din ako kay mommy, alam kong gusto niyang sabihin kay daddy ang tungkol dito, pero nagpapasalamat ako na nirerespeto niya ang desisyon ko na hindi muna iyon ipaalam kay daddy. 

Napatigil ako nang nag vibrate ang cellphone ko, hudyat na may mensahe akong natanggap. Kay France iyon. 

'Hey, ngayon pala ang visit mo kay mom, may kasama ka ba? I can come with you' 

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng guilt. Alam kong busy siya dahil sa clerkship niya, pero heto siya at nagtatanong kung may kasama ba ako sa appointment ko sa mommy niya. Gusto ko sana siyang tawagan pero naisip ko na baka maistorbo ko siya kaya nagpasya akong idaan nalang sa text ang sagot ko. 

'Andito na ako. At kasama ko si mommy, thank you, France' reply ko. 

Nagulat ako nang makitang tumatawag si France, nanatili akong nakatitig sa telepono bago nagpasyang sagutin iyon. 

"France.." 

"Hey, how are you?" rinig ko ang pagod sa boses niya, kinagat ko ang labi ko. 

"Ayos lang ako, ikaw dapat ang tanungin ko, France," sagot ko. She chuckled. 

"I'm fine.. It feels weird, you know, ikaw, tinatanong ako kung ayos lang ba ako, when you're not," tumawa siya ng mahina. Natawa rin ako. 

"Ikaw rin naman ah…" 

"It's okay, Feb, siguro, I'm used to it na rin," hindi ko mapigilan ang matawa, kahit sa seryosong usapan, conyo pa rin siya. 

"Ibababa ko na, France, alam kong busy ka."

"Break ko naman, and of course, you're my friend, I'll always have time for you," ngumiti ako. 

"Thank you, love you," I laughed. 

"Ew, don't say that, makes me cringe," nagawa niya pang tumawa. 

"Sige na, bye na," 

"Bye," tsaka ko pinutol ang tawag. I sighed. Sakto naman na bumukas ang pintuan at pumasok si mommy kasama si tita. Tumayo ako para salubungin sila. 

"Feb, that's it for now, remember what I told you earlier, okay? Next week ang sunod nating pagkikita," nakangiting sabi ni Tita. 

"Yes, po, thank you," ngumiti din ako sa kanya. 

"Thank you, Farah," si mommy. Tumango naman si Tita. 

"Of course, aside sa trabaho ko iyon, napamahal na rin si Feb sa akin, gusto kong makatulong," ngumiti siya. 

"Anong pinagusapan niyo mommy?" tanong ko pagkalabas namin ng clinic. Naglalakad kami patungo sa kotse niya. Binuksan niya ang pintuan ng passenger's seat at pinapasok ako. Hinintay ko naman na makaupo rin siya sa driver's seat. 

"Sinabi niya na you should avoid places, activities or people that remind you of the traumatic event," lumunok ako. "She told me na you started having dreams pagkatapos natin pumunta sa hotel.. dahil sa pagkamatay ng ilaw at isa pang dahilan. I want to ask kung sino ang nakita mo, Feb?" 

"Spade's friend, Heart…" I didn't want to hide anything from her after what happened. 

"Spade? Heart?" nakakunot ang noo niya nang tanungin iyon. Tumango ako. Tumango rin siya at pinaandar na ang sasakyan. Tahimik lamang sya buong byahe namin pauwi, mukhang nag-iisip. Hindi na rin ako nagsalita, ayokong makaistorbo sa iniisip niya. Nakaistorbo na nga  ako dahil nagpasama ako sa kanya ngayong araw, dadagdagan ko pa ba iyon? 

Nang makarating kami ay dumiretso si mommy sa library ni daddy habang ako ay dumiretso sa kwarto ko. Hindi pa ako nakapagpapahinga galing sa lakad ay nakatanggap ako ng mensahe.

'Can we talk?'

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now