Chapter 19

9 6 0
                                    

Si Spade nga. Dali-dali kong kinapkap ang cellphone ko sa purse na dala at tinawagan si Spade. Nakita ko namang nagexcuse siya sa kausap at kinuha ang telepono bago sinagot. 

"Asan ka?" bungad ko. 

"I'm at a party," sagot niya habang sumisipsip sa inumin na hawak. 

"Frederick's?" 

"Huh? How did you know?" 

"I'm here." 

"What? Where?" luminga linga siya sa paligid, sasagot na sana ako kung nasaan ako nang natagpuan ako ng tingin niya. 

"Here," saka ko tinaas ang kamay. Binaba niya ang tawag at naglakad palapit sa akin. Tumingin ako kay daddy pero napatigil din. Wala na sila rito. Luminga ako sa paligid. Asan sila nagpunta? Iniwan nila ako dito! 

"Hi," napatingin ako sa tumawag sa akin pero napasimangot din, akala ko si Spade, si Liam pala iyon, "look, I just want to say I'm sorry dahil kanina," tinignan ko siya. 

"Love," naestatwa ako sa kinatatayuan nang may braso na pumulupot sa beywang ko. 

"Spade!" masaya kong sabi bago siya niyakap, "I missed you, hindi tayo nagkita kahapon," nakanguso na sabi ko. 

"I miss you too," binalik niya ang tingin kay Liam, oo nga pala, nandito pala to, "who is he?" 

"Anak ni Frederick," tipid na sabi ko, "Una na kami, Liam," paalam ko bago hinila si Spade paalis doon. 

"You didn’t tell me na dito ka din pupunta," pinulupot niya ang mga braso sa beywang ko, pinulupot ko naman ang akin sa batok niya. 

"Hindi mo rin naman sinabi ah," ngumuso ako. Totoo naman. Tumawa siya. 

"Spade," napatingin ako sa tumawag sa kaniya. Oh? Kuya to ni Carol ah? Ibig sabihin nandito rin si Carol? Kinalas ko ang braso kay Spade, he did the same, pero nagpaiwan ang kamay sa likuran ko, tumango siya sa akin bilang pagbati kaya ngumiti ako sa kanya."Have you seen Heart?" 

"Yeah, kasama niya yung Willa kanina," sagot ni Spade. 

"Bakit niya kasama 'yon?" may inis sa boses ni Cloud. 

"Woah, easy, pati ba babae pinagseselosan mo?" tumawa si Spade.

"Hindi, it's just..." pinakalma niya ang sarili, mukhang galit siya. Tumawa si Spade.

"You should stop being a jealous kid, baka maumay yun sayo, alam mo na," ngumisi si Spade, sinamaan siya ni Cloud ng tingin.

"Look who's talking," si Cloud, bumaling siya sa akin, "Tell me, nagseselos ba yang gago na yan?"

Napaisip ako. Siguro? Sinabi niya dati na nagseselos siya kay Cloud kung tama ang pagkakaalala ko. "Oo? Dati yun eh, bago naging kami."

"Pft," pinigilan ni Cloud ang matawa, "Kadiri," natawa ako, tinaasan siya ni Spade ng kilay.

"Anong kadiri? Eh wagas ka nga na magselos kay Heart," tumawa ng malakas si Spade. Napatahimik din di Cloud. "Oh, she's here," bigla silang nagseryoso kaya nagtaka ako.

Napatingin ako sa babaeng tinignan nila. Nakasuot siya ng black na gown at nakatali ang buhok sa eleganteng paraan. Sobrang ganda niya. Lahat ng dinadaanan niya ay napapatingin, babae man o lalake. Nang makalapit siya sa amin ay napatulala ako sa kaniya. Not because she's too pretty, but because of her eyes. They looked very familiar. Sa kawalan nito ng buhay, at sa kulay nito. Gray. 

"Looking for me?" kinapos ako ng hininga nang magsalita siya. Hindi lamang sa pagiging malamig nito, kundi pati ang kasiguradohan ko, na siya nga iyon. 

"Yeah, kailangan na natin magsimula." 

Tumango ang babae, kung hindi ako tinawag ni Spade ay mananatili pa rin ang titig ko sa kaniya. 

"Love," si Spade. 

"Huh?" nagtataka kong tanong sa kaniya. 

"We have to go," nakatingin lamang siya sa akin. 

"O-okay." 

"By the way, let me introduce you to each other, si Cloud, you already know him, and she's Heart, my friend," halos matumba ako ng tumitig si Heart sa akin, "Heart, she's February, my girlfriend," patuloy pa rin sa pagpapakilala si Spade pero ang tanging laman ng isip ko ay si Heart. 

"February? Girlfriend?" si Heart. 

"Yeah, so aalis na ba tayo?" si Spade. 

"Oo," si Cloud. 

"Okay," Spade turned to me kaya napatingin ako sa kaniya, "Aalis na kami, bye," hinalikan niya ang noo ko. 

"Yes, bye," sagot ko. Naglakad na sila paalis. Narinig ko naman ang boses ni mommy na tinatawag ako, pero hindi natanggal ang tingin ko kay Spade at Heart. Silang dalawa na lamang ang magkasama dahil si Cloud ay lumiko sa ibang daan.

Habang naglalakad sila at pinapanood ko sila ay lumingon si Heart sa akin. Nanlaki ang mata ko. Kasabay ng pagngisi niya ay ang pagkamatay ng ilaw at sigawan ng mga tao. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now