Chapter 25

20 5 0
                                    

"Let her go!" sigaw ni Mila, bakit sila magkasama? Tinanggal niya ang kamay ni Spade sa braso ni Heart. Namumula na iyon pero mukhang hindi naman nasasaktan si Heart. "Are you okay, Ate?" nag-aalalang tanong ni Mila kay Heart. 

Ate? Magkapatid ba sila? Kaya sinabi ni Heart iyon sa akin? Dahil kapatid niya si Mila? Umiling ako, hindi, sinabi niya iyon kasi iyon ang totoo. 

"Hindi mo alam kung ano ang ginawa niya, Mila!" si Spade, hindi pa pala siya tapos. 

Mila glared at him. 

"Why would you hurt her?!" si Mila. Nakatingin lamang ako sa kanila habang nagsasagutan sila. 

"Nakikialam siya!" 

"It's the truth, Spade. Why would you feed her with lies? What happened to you? Ito ang usapan, Spade. You got what you want, the truth and Mila, so why do you care?" si Heart. Usapan? Anong usapan? Wala siyang nabanggit na usapan kanina. 

"No! Hindi 'yan totoo! Ariyal,'wag kang maniwala sa kaniya," pagkausap ni Spade sa akin. Namuo ang luha sa mata ko, hindi nagpapaalam na naglakad ako palabas sa EC, namataan ko na ang sasakyan namin pero bago ako makalapit doon ay may humawak sa kamay ko. Tumulo ang luha ko. 

"Spade, bitawan mo'ko, please…" pakiusap ko sa kanya. Umiling siya. 

"No…. Don't believe her, Love, wala siyang alam…. Gusto niya lang na magkabalikan kami ni Mila, please.. Don't believe her," namuo na rin ang luha sa mata niya. 

"Sabihin mo ang totoo, Spade, minahal mo ba talaga ako?" 

"Of course! Mahal kita… Maniwala ka, mahal na mahal kita…" umiiyak na kaming dalawa ngayon. 

"A-ano yung usapan?" 

"Hindi…. Hindi ko na tinuloy yun, please.. Believe me, Ariyal…"

"Ano ang usapan?" paguulit ko, "sabihin mo ang totoo Spade."

"I-I…" lumunok siya at tumulo ang luha niya, "Kailangan kong masiguro na ikaw nga ang niligtas na bata kay Leo noon, ilang taon na ang nakalipas.." napasinghap ako. Hindi ko na mapigilan ang mapaghagulhol. 

"G-ginawa mo nga?" 

"I.. I was so desperate to get Mila back, siya ang k-kapalit kapag ginawa ko iyon, kaya g-ginawa ko, pero nagsisi ako, bleieve me, lahat ng pinakakita ko sayo, totoo," nagpahagulhol ako. Ang sakit. Hindi ako makapaniwala, na magagawa nila iyon. 

"Bitawan, moko, Spade…" sabi ko dahil nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Hinigpitan niya ang hawak sa akin at umiling. 

"No… No, no, no… Maniwala ka sakin, Ariyal, please…" umiling siya. Pinipilit ko na tanggalin ang kamay niya, pero hindi ko magawa, kaya lalo akong napahagulhol. 

"Bitawan moko! Kapag hindi mo ako binitawan, I'll break up with you," napatigil siya at nagdalawang isip pa kung gagawin ba ang gusto ko pero sa huli ay ginawa rin naman. Agad akong tumakbo papunta sa sasakyan at napahagulhol nang makapasok. 

"Hala, miss, okay ka lang?" tanong ng driver namin. Tumango ako. 

"U-umuwi na tayo, k-kuya.." saka ako nagpatuloy sa pagiyak. 

Hindi ko alam kung sino ang dapat na paniniwalaan ko, si Heart o si Spade. Kung tutuusin, dapat pa akong magpasalamat kay Heart, dahil sinabi niya ang totoo sa akin, sigurado akong walang balak si Spade na ipaalam sa akin ang usapan nila. Kung hindi dahil kay Heart, para akong tangang naniniwala pa rin kay Spade hanggang ngayon. 

At ang kay Leo, isa nga iyong patunay na isa si Heart sa nagligtas sa akin noon dahil may alam siya. Ibig sabihin ay may alam din si Spade doon, pero bakit? 

Nagpahagulhol ako lalo. Ang daya, siya, alam niya ang lahat sa akin, pati na rin ang nakaraan ko na nais kong limutin, samantalang ako, walang kaalam alam sa kaniya, kung ano at sino nga ba siya. Ang sakit, pakiramdam ko, wala akong kwenta. 

"He pities you." 

Sumakit ang dibdib ko habang iniisip ang sinabi ni Heart sa akin kanina. Siguro nga tama siya, na naaawa lamang si Spade sa akin. Lalo na dahil may alam siya sa nangyari dati. Pati ako, nakakaramdam na rin ng awa para sa sarili. Napakahina ko. 

Pinahid ko ang luha pero walang silbi pa rin iyon dahil patuloy ang mga ito sa pagtulo. Bakit ganon? Isa lang naman ang gusto ko, ang makalimot. Sa nangyari dati. Ang daya daya, imbes na makalimot, ay pinapaalala pa ito ng tadhana. Bakit? Hindi naman ako masamang tao para parusahan ng ganito. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko at nakakaramdam ako ng ganitong sakit. 

Napatigil ako sa paghikbi nang tumunog ang telepono ko, kinuha ko ito. Si Carol. Pinahid ko ang luha at tumikhim, hindi pwedeng mahalata niya na umiiyak ako. Ayoko na malaman nila.

"Hey…" kinagat ko ang labi ko at inayos ang boses bago sumagot.

"Yes? Carol? Bakit?" sagot ko.

"Ano… Sinabi ni Spade ang nangyari…" right, magkakilala sila ni Carol. Naalala ko na sinabi niya nung unang kita namin na inakala niya lang na schoolmates kami ni Carol, at tama siya. I wonder if totoo rin yun, o alam na niya kung saan ako nag aaral at sinabi niya lang iyon? Tumikhim ako.

"Hmm, okay lang ako," I'm tired. Pagod na akong sabihin palagi na okay lang ako, kahit hindi. Hindi ko alam na nakakapagod din pala ang pagsisinungaling.

"Are you sure?"

"Yup!" I tried to sound happy, at halos maiyak ako dahil alam ko na hindi.

"Pupuntahan kita, asan ka?"

"No! I'm fine, kaya ko naman."

Yung totoo, hindi ko rin sigurado kung kaya ko nga ba. Pero kakayanin ko.

"Pero kasi-"

"Carol… Please, I'm okay," I convinced her, but it was more like I convinced myself.

"S-sige."

Binaba ko ang tawag bago ako maiyak at magbago ang isip. I didn't want to be a bother to anyone. Hindi ko gusto na naaawa sila sa akin. Napaiyak na naman ako.

'You can get through this, Feb.'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now