Chapter 4

41 26 4
                                    

Biglang namatay ang ilaw at nagsigawan ang mga tao. "Wala akong makita! San kayo?!" rinig ko na tanong ni Jah sa amin.

"Wag kayong umalis sa kung saan kayo!" sigaw ni Carol.

Mula dito sa aking lugar ay narinig ko ang iyak ni France dahil kami ang magkatabi kaya balak ko sanang lumapit sa kanya. "France?" tawag ko sakanya.

"F-feb..." iyak niya

Winawagayway ko ang kamay ko hanggang sa mahawakan ko ang mga nanlalamig na kamay ni France. Naalala kong may nyctophobia siya kaya hihilain ko sana siya payakap sa akin nang may humawak sa braso ko kaya napasigaw ako at nabitawan ang kamay ni France na napasigaw din.

"Feb?! France?! " sigaw ni Jah "Okay lang kayo?! Bat kayo sumigaw?!"

"Anong nangyari?!" dagdag ni Carol. "Asan ba kasi yung bag ko, nandoon yung phone ko bwiset!"

Sasagot sana ako ng may nagtakip ng bibig ko na kung sino at binuhat ako na parang sako ng bigas. Tumakbo ang may buhat sa akin na hula ko ay isang lalaki dahil sa malaking katawan niya. Nakaramdam na ako ng konting pagkahilo at pagbukas ng ilaw ay siyang paglabas namin at pagpikit ng mata ko.

****************************

Bigla akong napadilat at namalayan kong nakahiga ako sa isang malamig na sahig. Suot ko parin ang gown na ginamit ko sa party kanina. Nakita kong nasa isang kwarto ako na sobrang dilim. Ang tanging nagbibigay ng ilaw ay ang maliwanag na buwan lamang. Nilibot ko ang aking tingin at nakitang walang ibang gamit sa loob ng silid kundi ang isang upuan.

May isang malaking rebulto ng katawan ang nakaupo sa upuan na hindi masyadong malayo sa kinauupuan ko pero hindi ko maaninag ang kanyang mukha. "S-sino ka? Bakit a-ako nandito? Ibalik m-mo ako kila daddy at mommy," utal utal na sinabi ko iyon sa tao.

Tumawa lang siya at halos manlamig ako ng tumayo siya.

"Bata, tingin mo ibabalik ka pa namin? Hindi na..." tumawa siya ng malakas na siya namang nagpaiyak sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang panga ko, hindi ko nagawang pumiglas dahil sa higpit ng hawak niya at nakatali rin ang mga kamay ko. "Papatayin kana namin..." ngumisi siya.

Mas lalo akong naiyak ng marinig ang sinabi niya. "P-please ibalik m-mo na a-ako.." nagmamakaawa kong sabi sa kanya "Pe-pera ba ang g-gusto mo pwe---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sampalin niya ako.

"Ganyan talaga kayong mga mayayaman ano? Tingin niyo pera ang solusyon sa lahat? Pwes sasabihin ko sa iyo na hindi!" sigaw niya sa pagmumukha ko. May nalasahan na akong dugo sa labi ko.

Biglang bumukas ang pintuan at may pumasok doon na dalawang lalaki. "Boss, may tumatawag, " pag imporma ng isang lalaking mataba sa lalaking nasa harap ko. Naaaninag ko na ngayon ang mukha niya. Kalbo siya at may peklat siya sa mukha niya na mukhang nasugatan ng matalim na bagay gaya ng kutsilyo.

Tumingin muna siya sa akin at ngumisi bago naglakad palapit sa dalawang alagad niya. Napatingin din ang mga iyon sa akin "Anong gagawin dyan, boss?" tanong ng lalaking payat.

"Wag na kayong makialam. Ako na ang bahala diyan, may atraso yung tatay sakin." pagsagot niya at tuluyan na silang lumabas.

Habang nag-iisa ako sa silid ay iniisip ko ang posibleng naging kasalanan ni Daddy sa kanya.

Hindi ba siya tinanggap ni daddy sa kompanya? Pwede ko namang sabihan si daddy na iapply sya doon huwag lang akong patayin.

Tinanggal ba siya sa trabaho? Pwede ko rin sabihan si daddy na bigyan sya ulit ng trabaho huwag lang akong patayin.

Lahat ng posibleng kasalanan ni Daddy sa kanya ay pwede kong gawan ng paraan huwag niya lang akong patayin.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag isip dahil bumukas ang pintuan at pumasok iyong mataba na lalaki na may dalang tray. Nilapag niya iyon sa harap ko at may nakita akong kanin at tuyo na nakalagay doon. "Kumain ka daw," sabi niya sa akin. Tinignan ko lang siya at kumunot naman ang noo niya "Anong tinitingin tingin mo dyan kumain kana!" sigaw nya.

"Hindi ako makakain, " mahina na sabi ko sa kanya.

"Ano?!" tanong niya at ginalaw ko naman ang kamay ko na nakatali. Mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong mangyari dahil padabog siyang lumapit sa akin at kinalas ang tali. "Subukan mong tumakas ako mismo papatay sayo, " tumango ako sa kanya at tinignan ang kamay ko. May marka na iyon dulot ng tali at kahit na masakit ay tiniis ko lang iyon dahil sa gutom ako.

Agad kong kinuha ang kutsara at nagsimula nang kumain. Ramdam ko ang labis na pagkagutom dahil simula pa kanina sa party ay hindi ako nakakain hanggang ngayon. Hindi na ako nagreklamo sa tuyo dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakakain ako nito. Noong nakatira pa ako sa mga kamag-anak ng totoo kong ina ay iyon lang lagi ang pinapakain nila sa akin.

Nang matapos akong kumain ay agad siyang lumapit sa akin. Pero bago pa niya igapos muli ang mga kamay ko ay sinipa ko ang kaniyang alaga. Agad siyang napaluhod sa sahig at namilipit sa sakit. Ginawa ko namang pagkakataon iyon para makatakas at mabilis na tumakbo sa pintuan.

Laking tuwa ko nang bumukas ito pero ganoon nalang ang naramdaman kong magkahalong gulat at takot nang may humarang sa akin.

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now