Chapter 21

7 5 3
                                    

I decided to visit France' mother. Siya ang therapist ko dati at gusto ko na siya pa rin ngayon. Gusto ko sanang magpasama kina France, Carol at Jah, pero naisip ko na istorbo lang iyon sa kanila, kaya sa huli, pupunta na lang ako doon na mag-isa. Wala ring alam si mommy at daddy tungkol dito. Si Spade.. Hindi ko rin pinagsabihan. 

Speaking of Spade, ngayon ang monthsary namin, kaya nagdesisyon ako na pagkatapos ko sa clinic ni Dra. Legaspi, ay pupunta akong mall para bumili ng regalo. Pinilig ko ang ulo ko nang maalala ko na naman ang panaginip ko kagabi. Hindi na ako pinatulog dahil doon. 

Sinubukan ko siyang tawagan pero gaya ng inaasahan ko, hindi niya ito sinagot. Simula kagabi ay hindi niya sinasagot ang tawag ko. Naiintindihan ko naman, siguro, busy lang siya, kaya hindi na ako nangulit. 

"Excuse me, pwede ko bang makita si Dra. Legaspi?" tanong ko sa babae na desk. 

"Do you have an appointment with Dra. Legaspi, ma'am?" sagot niya. 

"Uh, yes." 

"Name, ma'am?" 

"February Pace," nanlaki ang mata niya at dali daling kinuha ang telepono. 

"Excuse me, Doktora, nandito na po si Miss Pace…Yes, Doktora," saka niya iyon binaba, "Follow me, ma'am," nagsimula siyang maglakad kung saan, kaya sumunod ako sa kanya. Tumigil kami sa isang pinto at yumuko naman siya bago nagpaalam. 

Huminga ako ng malalim, kinakabahan sa gagawin. Ngayong nasa harap na ako ng pintuan ay nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o uuwi sa bahay at magmukmok nalang ulit doon. Napatigil ako sa pag-iisip nang may tumawag sa akin. 

"Excuse me, miss," napalingon ako sa nagsalita. Babae iyon na may dark brown na buhok at maamong mukha. Napatigil ako, parang nakita ko na siya sa kung saan, saka may pumasok na isang pangalan sa isip ko, Spade. 

"Uh, yes?" sagot ko. Ngumiti naman siya, para siyang anghel sa sobrang amo ng mukha niya. 

"May I ask if you know where the restroom is?" nakangiti parin siya. 

"I'm sorry, I don't know," sagot ko. Hindi ko rin alam kung nasaan ang restroom dito dahil matagal na ang huling punta ko. Tumango siya. 

"Okay lang, thank you," ngiti niya bago naglakad paalis. Akala ko hindi siya nakakaintindi ng tagalog dahil mukha syang amerikana. Binaling ko ang tingin sa pinto nang makapagpasya na kung ano ang gagawin ko, kumatok ako bago iyon binuksan. 

Naabutan ko si Dra. Legaspi na nakaupo sa swivel chair niya at may sinusulat. Inangat niya ang tingin at nang makitang ako iyon ay tumayo siya at niyakap ako. 

"I didn't expect na you will visit hija, I'm kinda surprised, How are you?" tanong niya. Nakaupo siya sa harap ko. Ngumiti ako. 

"I'm fine, po, Tita," kinagat ko ang labi ko nang ngumiti siya. 

"Hmm, naikwento nga sa akin ni France na you're not feeling well daw, she's worried kasi, I told her to recommend my husband to you, kaya nagulat ako na ako ang tinawagan mo," tumawa siya. Hindi naman nagsabi si France tungkol doon sa pag-kakaalala ko. Tumawa rin ako. 

"Talaga po? Hindi siya nagsabi eh." 

"I guess she knew, mapagobserba pa naman ang batang iyon," hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin, nakita niya siguro ang kalituhan sa mukha ko dahil ngumiti siya, "I know you're not okay, hija, so tell me honestly, how are you?" nakangiti pa rin siya. 

"I'm n-not okay po…" napalitan ng pag-aalala ang mukha niya. 

"What's bothering you?" 

"I…" she urged me to continue, "I'm having n-nightmares, po, just like before," she looked like she expected it. 

Napahinga ako ng malalim pagkalabas ko sa opisina ni Dra. Legaspi. Napatingin ako sa cellphone nang makatanggap ng tawag. Si Carol iyon. 

"Car--" 

"Where are you?" bungad niya. 

"Wala ako sa bahay eh," kinagat ko ang labi ko. 

"I asked where you are, Feb," kinabahan ako dahil sa seryoso ng boses niya, "I'm with France and Jah." 

"France? Wala ba siya sa ospital?" 

"Don't try to change the fvcking topic, February, where are you?" 

"k-kay Tita Farah," binaba niya ang tawag, pagkarinig nun, naglakad naman ako palabas, nang makalabas ako ay umupo ako sa isa sa mga upuan sa labas. Hihintayin ko na sina Carol, alam kong pupunta sila. 

Napalingon ako nang may umupo sa tabi ko, napalingon din siya sa akin at ngumiti, siya iyong babae kanina! 

"Hi! Ikaw yun kanina, right?" sabi niya. 

"Uh, oo," tipid na sabi ko. 

Napatayo ako nang nay tumigil na sasakyan sa harap namin. Sasakyan ni France! Unang lumabas si Carol na sobrang seryoso ang mukha, nakasunod naman si France na kagat-labi at si Jah na katulad ni Carol ay seryoso rin. Natatakot ako sa kanila kapag ganito sils kaseryoso dahil minsan lamang sila nagseseryoso. 

"Carol?" napatigil si Carol nang nay tumawag sa kaniya. Iyong babae kanina. Nanlaki ang mata niya. 

"M-mila? Andito ka?" gulat na gulat na sabi niya, nagpabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa ng tinawag niyang mila. 

"Yes! Long time no see!" masaya na sabi nung Mila. 

"Sinong kasama mo? Akala ko," kinagat ni Carol ang labi niya at napatingin na naman sa akin. 

"That I got married? Good news! Hindi natuloy!" napatigil sila nang may isa pang kotse na pumarada. Lumabas doon ang isang lalaki, siguro matanda sa amin ng ilang taon. Aaminin ko na gwapo siya, agad lumapit si Mila sa kaniya, ngayong nagtabi sila parang magkapareho sila ng mukha. 

"Mission.." si Carol. Nanlalaki pa rin ang mata niya. Agad akong hinawakan ni Carol sa braso ng mahigpit, kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya. Tumango iyong Mission sa kanya.

"It's nice seeing you, Carol! Let's catch up din if you're available," si Mila. Ramdam ko ang panlalamig ni Carol habang nakatingin sa dalawa. 

"S-sure, M-mila," nauutal pa siya, okay lang ba siya? 

"Bye!" kumaway si Mila bago pumasok sa sasakyan. Pinanood namin ang kotse nila na umalis, ramdam ko naman ang pagkalma ni Carol. 

"Okay ka lang?" tanong ko. 

"Ikaw? Okay ka lang?" tanong niya pabalik. 

"Oo, okay lang," hinila niya ako papasok sa sasakyan. Nakaupo na kaming apat doon nang magsalita si Jah. 

"Hindi ko alam na makikita ko pala si Mission Rousse sa clinic na yun, kung alam ko lang, nag-gown na ako." 

"You know each other pala, Carol?" si France. Kinagat ni Carol ang labi, lumingon si France sa kanya.

"O-oo," para talaga siyang kinakabahan. 

"Bakit?" ako. 

"A-ano, k-kapitbahay ko dati," 

"You should practice more on lying, Carol, you're not good at it," ngumisi si France. Napatingin ako sa kanya, manang mana siya sa mommy niya. 

"Ano, kasi…" 

"Spill, hoy," si Jah. Tumingin si Carol bago yumuko. 

"E-ex ni S-Spade." 

********
Isa lang sana update ngayon, kaso pinilit ako ng friend ko hahaha. Goodnight sa readers ko kung meron man. Love you!

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now