Chapter 24

7 4 1
                                    

Galing iyon kay Spade, he's texting me a lot lately, asking me how I was, but I seldom reply. Medyo matagal na rin ang huling kita namin, kaya hindi naman siguro masamang pumayag na makipag-usap sa kaniya? 

'Sige' reply ko. 

'Eves Café, near Everloom University' 

'okay' 

Pumayag na ako, napatingin ako sa suot ko, nakasuot ako ng mom jeans at loose shirt. Hindi na ako nag-abala na magbihis pa, sakto pagdaan ko sa library ay lumabas din si mommy at daddy. Mukhang aalis sila. 

"Feb, pupunta muna kami sa company," ngumiti si mommy sa akin. 

"Pwede ba akong umalis?" pagpapaalam ko. Kumunot ang noo nilang dalawa. 

"Where to?" si Daddy. 

"Everloom," tanging sabi ko. 

"I thought you don't have class?" si Mommy. 

"Yeah, may kikitain lang…." 

"Sige, magpahatid ka sa driver, umuwi ka rin agad pagkatapos," pagpayag ni mommy. Ngumiti ako at tumango. 

Nang makarating ako ay agad akong sumilip sa loob. Wala pa si Spade, hihintayin ko na lang siya. Habang naghihintay ay umorder na ako ng Iced Coffee para hindi mabagot. Ano kaya ang gustong pag usapan ni Spade? Tungkol ba ito sa mga hindi ko pagsagot sa mga text niya? Napatingin ako sa glass door ng EC nang bumukas iyon. Pero isang hindi inaasahang tao ang pumasok doon. Si Heart. 

Nahigit ko ang hininga ko nang matagpuan ako ng mga mata niya. Lalo na noong naglakad siya palapit sa akin. Napatayo ako nang wala sa oras nang tumigil siya sa harap ko. Pero dumiretso siya ng upo sa kaharap kong upuan kaya napaupo rin ako. 

"Did you wait long?" panimula niya. Napakurap kurap ako. 

"H-huh? U-uh, h-hindi naman," utal utal na sagot ko. Gaya ng dati ay hindi ko pa rin magawang sagutin siya na hindi nauutal, talagang nakakakaba ang aura niya. 

"Do you mind if I take my order first?" blanko ang mukha na tanong niya. 

"I-I don't.." tumango siya bago tinaas ang kamay. Agad naman na may lumapit na waiter sa kanya at binigay niya ang order niya. Pansin ko ang titig ng lalaking waiter sa kanya habang hinihingi ang order niya. Napatitig din tuloy ako kay Heart. Nang umalis na ang lalaki at binaling niya ang malalamig na mata sa akin. Napalunok ako. "S-Si Spade?" Nagtataka rin ako kung bakit siya ang nandito

"I was the one who texted you, I wanted to talk to you," sumipsip ako sa Iced Coffee ko na kasing lamig ko yata ngayon. Bigla akong kinabahan sa kung ano ang gusto niyang pag-usapan namin. 

"Tungkol saan?" sa wakas, nakapagsalita ako ng hindi nauutal. She tucked the strands of her hair behind her ear before answering. 

"About Spade," bumilis ang tibok ng puso ko. 

"B-bakit?" 

"Break up with him," diretsong sabi niya. Napasinghap ako. Kahit inasahan ko na ito ay hindi ko parin maiwasan ang magulat. 

"H-ha?" wala akong ibang masabi kundi iyon. 

"Break up with him," ulit niya, "I don't really like you for Spade, he deserves someone better," she tilted her head, napakagat labi naman ako at namuo ang luha sa mata ko. "Like Mila, his ex," ngumisi siya ng konti, "You know her, right? That she's here. She wants him back, but you're getting in the way, so break up with him." 

"B-bakit? S-si Spade dapat ang s-sabihan mo n-nyan," kinagat ko ang labi ko at yumuko pagkatapos iyon sabihin. 

"I don't need to tell him that, he wants to end his relationship with you, but he can't, and you want to know why? He pities you," hindi ko mapigilan ang mapahikbi, inangat ko ang tingin kay Heart, wala pa ring pagbabago sa mukha niya. "If I were you, I would break up with him, February," iniwas niya ang tingin at ngumisi. 

"M-mahal ko s-siya at m-mahal niya a-ako," pagkukumbinsi ko kay Heart, pati na rin sa sarili ko. 

"You love him? Don't make me laugh, you don't even know the real him, you know nothing, February," napatigil ako. 

"You know nothing," pumasok sa isip ko ang sinabi ni Ella sa akin dati. Na wala akong alam kay Spade. At ngayon naisip ko, na tama nga sila, wala ako masyadong alam kay Spade, maliban sa pangalan at pamilyang kinabibilangan niya. 

"You finally realized that you know nothing, February?" tumawa siya ng mahina. Kahit tawa niya ay walang buhay kaya hindi ko rin sigurado kung tawa nga ba iyon. 

"T-tell me about them, Spade and M-mila.." ako. Tumingin ako sa kaniya, I can now see amusement in her eyes. 

"Wow, you like hurting yourself, huh?" tumigil siya at mukhang nag-isip, bago ngumisi ulit, "They just love each other, very much," napatigil siya sa pagsasalita nang dumating ang order niya na cappuccino. Sumipsip siya ng konti bago nagpatuloy, "Is that enough for you, Feb?" 

"Y-yes," yumuko ako. That's the truth. What she said, was enough for me. Tumulo ang luha ko. Pinunasan ko iyon bago tumingin sa kaniya. Nag-iba ang mukha niya nang mapansin na umiiyak ako. Mula sa pagiging mapaglaro ay bumalik iyon sa normal na ekspresyon niya, malamig.

"What a crybaby," she gritted her teeth. Iniwas niya ang tingin sa akin. Nabaling ang tingin ko sa glass door nang bumukas iyon at may pumasok na tao. Nanlaki ang mata ko. Si Spade! Agad kaming natagpuan ng mata niya at halos mapasigaw ako nang hinila niya patayo si Heart habang nakahawak ng mahigpit sa braso nito. 

"Anong ginagawa mo?!" sigaw niya. Nakakaagaw na sila ng atensyon pero hindi natinag si Spade. Napatingin ako sa braso ni Heart, mahigpit pa rin ang hawak ni Spade doon pero wala pa ring reaksiyon ang mukha ni Heart.

"You don't care."

"Of course I care! You're meddling with my life!" sigaw ni Spade.

"Spade!" napatigil si Spade nang makarinig ng sigaw. Napatingin din ako doon. Si Mila. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now