Chapter 6

31 20 4
                                    

May nararamdaman akong nakahawak sa kamay ko kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko. Ang una kong nakita ay isang puting kisame. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Mommy na nakaupo sa isang upuan katabi ng kamang hinihigaan ko. Agad siyang napatayo nang makitang gising ako at tinawag ang doktor bago muling lumapit sa akin.

"Anak! How are you? Are you okay? May masakit ba sayo?" sobrang dami niyang tanong pero pinili kong manahimik lamang.

Sinubukan kong gumalaw para maupo pero napaigik lang ako sa sakit. Nang makita ni mommy na gusto kong umupo ay tinulungan niya akong maupo. 

"Huwag mong pilitin ang sarili mong igalaw ang iyong katawan dahil mahihirapan ka lang," sabi niya at tumango lang ako. "Gusto mo bang mainom ng tubig, anak?" dagdag niya pero hindi na ako nag abalang sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor kasama ang isang nurse at si Daddy. May tinignan lang ang doktor at lumabas rin siya agad kasama si Daddy, siguro para mag usap. 

"Do you remember what happened to you two days ago, Feb?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko ng marahan. Napakunot ang noo ko at pilit na inalala kung anong nangyari. Bigla kong naalala kung ano ang nangyari sa akin pagkatapos mag isip. 

I remember that I was kidnapped the day we celebrated my birthday at a hotel. May pinaamoy na kung ano ang kidnapper sa akin kaya nawalan ako ng malay at nang magising ako ay nasa isang maliit na silid na ako, nakaupo at nakagapos. 

Napatingin ako sa aking kanan na braso nang maalala na marami akong natamong sugat doon at nakitang naka cast iyon. Kaya pala masakit kanina nung igalaw ko ito. Nakakaramdam din ako ng kaunting sakit sa aking mukha dala ng maraming sampal na natanggap ko galing sa lalaking iyon. 

Napaisip ako sa nangyari, sa pagkakaalala ko, sinabi ng lalaking iyo  sa akin na pinatay ni Daddy ang kaniyang pamilya. Totoo kaya iyon? Kung totoo paano iyon nagagawa ni Daddy? Paano niya nakayang pumatay? Hindi ba masama iyon? Bakit niya iyon ginawa? 

Tumulo ang luha ko ng maalala ang nangyari at niyakap naman ako ni Mommy. 

"You don't have to worry, anak.... Ang sabi ng police ay hindi na nila naabutan na may buhay si Leo at ang mga kasamahan niya. Hindi na iyon mauulit, okay?" pagpapatahan niya sa akin. 

Dahil sa sinabi niya ay naisip ko ang mga nagligtas sa akin. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nila at hindi ko pa nagawang magpasalamat sa ginawang pagligtas nilang dalawa sa akin. 

"S-sino yung nagdala s-sa akin dito m-mommy.." mukhang hindi niya inasahan na magsasalita ako. 

"You mean---" naputol ang sasabihin ni mommy ng may magsalita at sabay kaming napatingin doon. 

"Angel," si daddy iyon na mukhang kanina pa pala nanonood sa amin. "can we talk outside?" sabi niya sabay sulyap sa akin. 

"huh? sige," sagot ni mommy bago tumingin sa akin "mag-uusap muna kami ng daddy mo anak ha," bago siya tumayo at lumabas silang dalawa. 

Habang mag-isa ako sa kwarto ay nagpasya muna akong pumikit. Pero pagpikit ng mata ko ay lumabas ang mukha noong lalaking dumakip sa akin na may dalang baril na nakatutok sa akin kaya napasigaw ako sa takot. 

Agad na bumukas ang pinto at dali daling lumapit si mommy sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at nagtuluan muli ang mga panibagong luha sa aking mata. Yinakap ako ni mommy ng mapansin iyon at pinatahan pero hindi parin ako tumigil sa kakaiyak. 

Pumasok din ang doktor na mukhang tinawag ni daddy at lumapit sa akin. Ngunit pagkahawak niya sa akin ay sumigaw ako kaya hindi iyon natuloy. Umiiling iling ako sa kanya at muling yumakap kay mommy ng mahigpit habang umiiyak. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now