Chapter 15

18 13 0
                                    

"Kuya!" sigaw ni Carol at tumakbo papunta sa kuya niya. 

"Omg, mga fafa," rinig kong bulong ni Jah habang nakatingin sa dalawa. Nakatitig naman si Spade sa akin habang naglalakad kami palapit sa kanila. 

Nang makalapit kami ay hindi ko na naman maiwasang mapatitig sa kuya ni Carol. May something talaga sa kanya eh. Iba ang pakiramdam ko sa kanya, hindi ko rin mawari kung ano iyon. Napansin kong may nakatingin din sa akin kaya nilipat ko ang aking tingin at nakitang si Spade iyon. Nakakunot ang noo niya at nagpabalik balik ang tingin sa akin at sa kuya ni Carol. 

"Anong ginagawa mo dito?" si Carol. 

"I'm fetching you, again," bored ma sagot nito. 

"Ew, ba't ikaw? Si manong Kanor na susundo sa akin bukas, nakakahiya ang pagmumukha mo," sabi ni Carol at umirap. 

"Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? Bulag ba siya? Baliw? Anong nakakahiya jan?" rinig kong bulong ni Jah na mukhang ako lamang ang nakarinig kaya tumawa ako ng mahina. 

"Una na kami," biglang sabi ni Spade kaya napaayos ako ng tayo. Lumingon si Spade sa akin at tumango, hudyat siguro na aalis na kami. Tumingin ako kay Carol at Jah na nakangiti ng nakakaloko.

"Jah, sasabay ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Nag-usap kasi kami kanina na kung pwede ay makikisabay na lamang siya sa pag-uwi ko dahil busy ang mga tao sa bahay nila. 

"Hindi na, Feb! Sasabay na ako kay Carol! Magenjoy ka nalang dyan!" ngiting ngiting sabi niya. Tumango ako. 

"Sige, alis na kami ah, bye," ngumiti ako sa kanilang dalawa. 

"Bye! Ingat!" sabay na sabi nila. Pumasok ako sa kotse at kumaway bago sinara ang pinto. Inayos ko ang seatbelt nang makapasok. Napatingin ako kay Spade nang hindi pa rin niya pinapatakbo ang sasakyan at nakahawak lamang sa manibela. Dito lang ba kami sa parking lot? Sigurado siya? Hindi kasi siya nagsasalita at mukhang may malalim na iniisip kaya ako ang nagsalita. 

"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko. 

"Ikaw bahala," sagot niya. Kaya ba hindi pa kami umaalis dahil gusto niya na ako ang magdesisyon kung saan kami papunta ngayon? Nag-isip naman ako ng magandang pupuntahan, hindi ako palaging gumagala kaya wala akong alam na lugar, hanggang sa may naisip ako. 

"Kung doon nalang kaya sa bridge na pinuntahan natin noong may party kami?" maganda naman doon. Tumango lamang siya at nag-drive na patungo doon. Habang nasa byahe ay tahimik pa rin siya kaya naisipan kong magtanong. 

"Kamusta?" nakangiting sabi ko. 

"Okay lang," tipid na sabi niya. Napasimangot naman ako, hindi niya ba tatanungin kung kamusta ako? Nagisip na lamang ako ng ibang pag-uusapan

"Anong ginawa mo kanina?" 

"Meeting." 

"With?" 

"Businessmen."

"Hindi ka pagod ngayon?" 

"Not really." so pagod siya? Pero medyo lang, ganon? 

Wala na akong maisip na ibang tanong kaya nanahimik na lang ako. Ayaw niya yatang makipagusap base sa iksi ng mga sagot niya. Ayoko na magtanong. 

Hindi nga ako nagtanong kaya tahimik lamang kami buong byahe. Nang makarating na kami sa bridge ay lumabas ko agad para maramdaman ang malamig na hangin. Para na rin pampakalma, naiinis ako sa kanya! Tumabi siya sa akin at hindi parin nagsasalita. Hindi rin ako nagsalita at hindi ko miawasang ikumpara ang unang beses na nagpunta kami dito. Tahimik din naman kami non pero komportable, ngayon ay hindi. 

Nang hindi ko na nakayanan ay lumingon ako sa kanya. Lumingon din naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin at mukhang nagulat naman siya. Nanglaki ang mata niya ng sigawan ko siya. 

"Ano bang problema mo?! Kanina ka pa hindi nagsasalita! Kung ayaw mo akong kasama ay uuwi na lamang tayo!" akmang papasok na ako sa sasakyan nang hawak niya ang braso ko kaya napabalik ako sa pwesto ko kanina. Iritado na ang mukha niya ngayon kaya mas lalo akong nainis "At may gana ka pang mairita!" tinuro ko siya kaya nawala ang irita sa kaniyang mukha at nagpipigil na ng tawa ngayon, ano siya bipolar?! "Anong tinawa tawa mo dyan?!" at tumawa na nga siya habang kunot na kunot ang noo ko. 

"Tumigil ka! Nag-uusap pa tayo!" hindi niya sinasagot ang tanong ko! Kung bakit siya nagkakaganon! Sumeryoso naman siya at tumikhim. Yung totoo? Boang ba siya? 

"Alright, why do you keep on staring at Cloud?" naningkit ang mata niya. Wow, englishero ang kuya niyo. At ano bang pinagsasabi niya? Pake niya? Curious nga ako sa kuya ni Carol dahil pamilyar siya, pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya. Kapag sinabi ko, posibleng magtatanong siya kung bakit, at anong isasagot ko? Na nakidnap ako dati at naaalala ko ang kuya Cloud ni Carol sa nagligtas sa akin? Ayoko. 

"Why? Selos ka?" ngisi ko. Baliw na rin ba ako? Kanina lang ay inis na inis ako tapos ngayon ngumisi ngisi naman ako. Nakakahawa ba yun? 

"Oo," nanglaki ang mata ko. 

"H-ha? J-joke lang yun, ha ha," awkward akong tumawa. 

"Seriously, I'm jealous, you shouldn't look at other men, Ariyal, when you can look at me, I'm telling you I'm so close to punching Cloud," seryoso pa rin siya. Ano bang pinagsasabi nito? At bakit? Magkaibigan sila. 

"Magkaibigan naman kayo d-diba," umatras ako dahil naglalakad siya palapit sa akin. Napaup na ako sa hood ng kitse niya habang nasa harap ko siya at kinukulong ako. Umiwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang mukha ko. 

"I told you to only look at me, Ariyal," lumunok ako. Ang lapit lapit niya. 

"Bakit? You're n-not my b-boyfriend," sabi ko habang tinutulak siya ng mahina papalayo sa akin pero hindi siya natitinag. 

"Then, I'll court you." 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now