Chapter 13

19 13 0
                                    

"I can't do this anymore!"

Napatingin ako kay France nang isigaw niya iyon at nakitang naksubsob ang ulo niya sa lamesa. Kumunot ang noo ko at tumingin kay Jah at Carol ng nagtataka. Ngumisi si Carol bago nagsalita.

"Exams nila," sagot nita at tumango naman ako at binalik din agad ang tingin sa binabasang libro. Pero agad ding napabalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo alam?" tanong ko. Hindi naman sila magkaklase sa major ni France. Napatingin din si Jah na kanina ay busy sa pagsusulat at napaalis sa pagkakasubsob si France.

"H-Ha? S-Sinabi ni ano.. F-France," umiwas si Carol ng tingin.

"I did? I can't remember eh," sabi naman ni France at mukhang nag-isip pa.

"Ah ganon ba? Siguro ano.. Narinig ko lang," ngumiti siya na parang kinakabahan. Okay?

Nagkibit balikat lang si France at bumalik na naman sa pagbabasa habang si Jah ay nakatingin parin kay Carol. Nanliit ang mata niya bago umiling at ngumisi.

Binalewala ko lang iyon at nagpatuloy sa pagbabasa ng isang lesson namin sa math na hindi ko maintindihan. Hindi na talaga ako natutuwa sa subject na ito, kahit ilang beses ko pang pag-aralan ay talagang hindi ito pumapasok sa utak ko. 

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may lumapit na lalaki sa table namin kaya napaangat ang tingin ko. Ang president ng SC pala iyon. Akala ko lalapit sya kay Carol pero kay France pala. Mukha namang hindi sya napansin ni France kaya siniko ko sya since kami ang magkatabi. Napatingin naman sya sa akin na parang nagtataka kaya ngumuso ako kay Lhander at nabaling naman ang tingin nya doon.

"Oh? Lhander, its you pala," si France.

"Nakalimutan ko ibalik yung libro mo, kasali daw pala yan sa exam bukas," si Lhander.

"Oh my god! Nasayo pala, akala ko nawala, thank you!" tinanggap iyon ni France at umalis na din agad si Lhander. Ngayon ko lang naalala na magkaklase pala silang dalawa sa major. 

May ideya namang pumasok sa utak ko kaya mabilis pa sa alas kwatro na nalipat ang tingin ko kay Carol. Nagcecellphone lang siya at si Jah ay patuloy parin sa pagsusulat pero halata ang ngisi sa mukha niya. Napangisi na din ako bago nagpatuloy sa pagbabasa. Kaya pala ha.

"Wait, mauna nako sa inyo may family dinner kami eh," si Carol. 

"Sama mo na ako sis, future wife naman ako ng kuya mo," tumawa ng malakas si Jah binatukan naman siya ni Carol. 

"Malandi! Dun kana sa Nikolaos mo uy! Kala mo diko alam pangalan ah," 

"Ulol!" 

Napatingin ako kay France dahil baka maistorbo siya dahil sa ingay pero mukhang wala syang naririnig dahil sa sobrang focus niya. 

"Basta! Uuwi nako ha," nagsimula ng magligpit si Carol kaya nagligpit din ako. 

"Uuwi na rin ako," sabi ko. 

"Huh? Oh sige sabay na tayo," si Carol pagkatapos ay inakbayan niya ako "Hoy Jah, France una na kami ah." 

Tumango lang si France habang nakatingin parin sa makapal niyang libro. Hindi ko rin alam kung bakit hindi na lang sya sa bahay nila magreview. Si Jah naman ay may hihintayin pa daw, hindi na namin tinanong kung sino. 

Habang naglalakad kami patungo sa parking lot kung saan ang mga kanya kanyang sundo namin ay nakatanggap ng tawag si Carol kaya sinagot niya iyon habang patuloy lang sa paglalakad. 

"Kuya.. Hindi na ako malelate ang kulit... Lapit na ako.. Bye," binaba niya na ang tawag. 

Mabilis din naman kaming nakarating sa parking lot at nakita ko doon ang sasakyan nila Carol na katabi lang ng sasakyan namin. Lumabas ang kuya ni Carol mula sa sasakyan nila, napatitig naman ako sa kanya. Agad lumapit si Carol sa kuya niya at humalik sa pisngi nito habang nakatitig pa rin ako sa kuya niya. Tumitig siya pabalik sa akin pero hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanya. Nalipat ang tingin ko kay Carol nang magsalita siya. 

"Bye bye na Feb," ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa sasakyan.

Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa bintana. Napabuntong hininga ako. Tuwing nakikita ko ang kuya ni Carol ay hindi ko talaga maiwasang mapapatitig sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay sobrang pamilyar ng mukha niya lalo na ang kanyang mga mata. Ganon din ang naramdaman ko ng ipakilala siya ni Carol sa amin. Pinalis ko iyon sa aking isipan, siguro kaya pamilyar lang sya para sa akin dahil may pagkapareho ang mata nila ni Carol. Tama, siguro iyon ang dahilan. 

Pagkarating ko sa bahay ay as usual wala parin sila mommy at daddy. Bumuntong hininga nalang ako at dumiretso na sa dining table para makakain ng hapunan. Hindi na rin ako nagtagal sa hapag at umakyat na sa kwarto ko. Ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin at pagkatapos ay umupo na sa kama ko. 

Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto ko. Masyado itong malaki para sa isang tao lamang. Kaya minsan ay nalulungkot din ako dahil nararamdaman ko ang pag-iisa. Lalo na dahil wala rin palagi sila mommy at daddy sa bahay. Naiintindihan ko naman na ginagawa lang nila kung ano ang trabaho nila pero minsan ay hindi ko maiwasang magtampo, siguro ang huli naming araw na magkasama kaming tatlo ay ilang taon na ang nakalipas. Siguro bago nangyari iyon. 

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito hudyat na may tumatawag. Agad ko itong kinuha at sinagot. 

"Spade!" nakangiting bati ko kahit hindi niya ako nakikita. 

"Hey, how's your day?" napangiti ako lalo nang marinig ko ang boses niya.

"Okay lang, ikaw?" narinkg kong bumuntong hininga siya. "Pagod kaba? Magpahinga ka muna." 

"Hmm, yeah, but I'm fine now that I heard your voice.." tumawa siya. Namula naman ang pisngi ko, hindi ko alam na may pagkamalandi pala si Spade. Tinawanan ko na lang siya. 

"Asan ka ngayon?" 

"Bahay mo," nagulantang ako sa sagot nya. 

"Ano?!" lalabas na sana ako nang marinig kong tumawa siya. 

"Joke lang, nasa bahay ako," tumatawa parin siya kaya mas lalo akong naiinis. 

"Ba't mo sinabi na bahay ko? Kinabahan ako!" 

"What? Bahay mo naman talaga to, dito ka rin titira balang araw," tumawa na naman siya kaya mas lalong namula ang mukha ko. Malandi talaga siya! 

"Ewan ko sayo!" padabog akong humiga ulit sa kama. Tumigil naman siya sa pagtawa pagkatapos kong sabihin iyon at tumikhim. 

"Uy, sorry na,"

"Oo na," ngumuso ako. 

"Anyway, gusto ko sanang mag-usap pa tayo pero baka pagod kana kaya bukas na lang," 

"Hmm, tatawag ka ulit bukas?" 

"No, I'll see you tomorrow," tumawa siya habang nanglaki ang mata ko. 

"H-Ha?" 

"Bye, Ariyal, Goodnight," 

"t-teka lang!" binaba niya na ang tawag. Napasimangot ako, okay lang naman na mag-usap kami magdamag. Pinalis ko iyon sa aking isipan at napaisip sa sinabi niya, magkikita na ulit kami bukas. Napangiti ako. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now