Chapter 14

19 13 0
                                    

I groaned when I felt someone tapped my cheeks. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at bumungad ang pagmumukha ni Eba. Pinikit ko ulit ang mata ko at inayos ang pagkakahiga. 

"Miss, gising na po," si Eba. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtulog pero makulit siya at niyugyog ako. 

"Mamaya na, Eba, inaantok pa ako…" inaantok na saad ko sa kanya. Nakapikit pa rin ang mata at nakatalikod sa kanya. Narinig kong bumuntong hininga siya. 

"Miss, late na po kayo," kung kanina ay tinatamad pa akong idilat ang mata, ngayon ay mabilis pa sa alas kwatro akong napabangon sa pagkakahiga at agad tumakbo sa sariling banyo nitong kwarto ko. Of course! Sinong hindi gagalaw kapag nalaman nilang late na sila! 

Inisip ko ulit ang nangyari kagabi. Naalala ko na, kasalanan ng Slade na iyon kung bakit nagkakaganito ako! Hindi ako pinatulog ng sinabi niya! O baka nakatulog nga ako, pero sumikat na ang araw!

Hindi ko alam kung talaga bang naligo ako o wisik lang ng tubig dahil sa bilis kong natapos. Agad ring akong nagbihis at dali daling bumaba habang sinusuklay ang buhok ko. Naabutan ko si mommy at daddy sa hapag na mukhang patapos nang kumain. 

"Good morning, princess!" maligayang bati ni mommy pero napakunot din ang noo siguro nang mapansin na nagmamadali ako. "nagmamadali ka ata?" dagdag niya. 

"Late na ako mommy," sabi ko habang naglalagay ng tubig sa isang baso, pagkatapos ko iyong inumin ay nag-paalam na ako sa kanila "Aalis na ako Mom, Dad," sabi ko sabay halik sa pisngi nila. 

Nandito na ako at nakaupo sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa bintana nang makaramdam ng gutom. Mamayang lunch nalang siguro ako kakain. Hindi nag tagal ay nakarating din naman kami sa university kaya bumaba ako agad. Lakad-takbo ako patungo sa pangatlong klase ko dahil late na ako sa una at pangalawa, mukhang malelate pa nga ako sa pangatlo. Binuksan ko ang pinto at hindi nga ako nagkamali, nagsisimula na sila. Napatigil ang prof namin at tumingin sa akin, napatingin din tuloy ang lahat. Ngumisi siya, ayoko talagang nalelate kapag siya ang prof dahil pinapahiya niya, ngunit hindi ko naiwasan ngayon. 

"Miss Pace, masyado kang maaga para sa lunch time," sabi niya at tumawa naman ang ilan. "Hindi ka nalang sana pumasok ngayon kung naparito ka lang sa lunch," mas lalong nagtawanan ang mga kaklase ko.

Yumuko ako sa pagkapahiya at humingi ng patawad bago naglakad patungo sa kung saan nakapwesto si Jah. Naabutan ko doon si Jah na nakatingin sa akin ng nagtatanong, ngumiti lang ako sa kanya. Kaming dalawa lamang ang magkaklase ngayon. Umupo na ako at makikinig sana sa pinagsasabi ni Professor Kim nang kalabitin ako ni Jah. Lumingon ako sa kanya. 

"Bakit?" bulong ko. 

"Ba't ka late?" sagot niya nang hindi tumitingin sa akin. 

"Nalate ng gising," nagkibit balikat ako. Tumango siya at nakinig na sa prof habang ako ay sinusubukang makinig. Humikab ako at dinilat ang mata, hindi ako pwedeng makatulog kaya kahit na inaantok ay linalaban ko ito.

"HOY!"

Napabalikwas ako nang makarinig ako ng sigaw, nakita ko sina Jah, Carol at France. Teka. Kumunot ang noo ko at tinuro ang dalawa na wala naman dito kanina.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko at umirap naman si Carol.

"Lunchtime na uy! Napasarap naman ang tulog mo dyan, mahal na prinsesa," napatulala ako sa tinawag ni Carol sa akin dahil may naalala ako pero pinalis ko iyon sa aking isipan. Tsaka lunchtime? Napatingin ako sa paligid at nanlaki ang mata ko nang makitang wala nang mga estudyante. Hala, nakatulog ba ako habang nagsasalita si Professor Kim?  Hindi niya ba ako nahuli?

"Buti hindi ka nahuli sis, kapag nahuli ka nun na natutulog sa klase, lagot ka HAHAHA," nasagot ni Jah ang tanong ko sa aking isipan. Ibig sabihin hindi nga ako nahuli, mabuti naman, gaya ng sabi ni Jah ay mahirap na kapag nahuli niya nga ako, talagang hindi niya ako tatantanan. Humikab ako bago sila niyaya sa cafeteria dahil nakakaramdam na ako ng pagkagutom. Naalala kong uminom lang pala ako ng tubig kanina, bago umalis sa bahay.

Nang makarating kami sa cafeteria ay bumili na ako agad ng pagkain dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Habang kumakain ako ay napansin ko ang paninitig nilang tatlo sa akin kaya napatingin ako sa kanila nang nagtataka.

Tapos na ba silang kumain? Tumingin ako sa pagkain nila pero marami pa naman iyon at parang konti lang ang kinain.

"Bakit kayo nakatingin? Hindi ba kayo kakain?" tyaka lang sila gumalaw para kumain nangsabihin  ko iyon pero agad ding tumingin si France sa akin pagkatapos sumubo.

"You're being weird today. You don't sleep during classes and you don't eat like that naman," nginuso niya ako.

"Anong 'that' ?"

"PG. Patay Gutom," sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko. Patay Gutom?! Napatingin ako sa pagkain ko. Tatlong rice, isang serve ng hindi ko alam kung anong sabaw to, at dalawang fried chicken lang naman ang binili ko kanina. Sakto lang naman.

"Bakit naman? " naguguluhang sabi ko at suminghap naman silang tatlo.

"Girl! Hindi mo ba alam na isang rice at isang serve lang ng ulam ang kinakain mo daily?! Ano ba?! Ginugutom ka ba sa inyo? Hindi kaba pinapakain ng maayos?" histerikal na sabi ni Jah.

"Hindi kasi ako nagbreakfast, late nga ako diba?" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Oooh, late siya? Seryoso? Diba si Prof Kim ang professor ninyo kanina?" si Carol. Sabagay, walang estudyante ang gugustuhing malate sa klase ni Prof Kim. Kung sa ibang prof ay walang kaso ang pagiging late mo, ibahin nyo si Prof Kim. Wala naman talaga akong pake kung malate ako basta hindi siya ang prof.

Nauna akong matapos ang kinakain ko kaya hinintay ko naman silang matapos. Hindi rin naman sila matagal kumain kaya hindi rin ako naghintay ng matagal. Habang nasa panghapon na klase ako ay hindi na ako nakakaramdam ng antok, dahil siguro ay nakatulog naman ako kaninang umaga. Pero hindi ko rin nagawang makinig dahil ang laman na naman ng isip ko ay ang sinabi ni Spade kagabi.

Ang sabi niya ay magkikita daw kami ngayon. Kung ganon paano? At saan? I sighed. Magtatanong nalang siguro ako sa kanya mamaya.

Uwian na at kasabay ko sa paglalalad si Jah at Carol. Wala si France dahil nagpunta siya sa ospital kanina. Habang naglalakad ay nakatanggap ako ng tawag kay Spade kaya sinabihan ko sina Carol at Jah na mauna na lamang pero nagpasya silang sabay na kami.

"Hello?"

"You're done with your classes, right?" si Spade.

"Yup! Bakit? Nga pala 'san tayo magkikita?" narinig ko ang singhap ni Jah at ang pag 'aray' ni Carol dahil hinampas siya ni Jah pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.

"Parking lot," tanging sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Anong pinagsasabi mong parking lot dyan--- ha?! Wait lang!" agad kong binaba ang tawag at hinila sina Carol at Jah. Nagreklamo sila pero sumunod din naman.

Hinihingal ako nang makadating sa parking lot dahil sa ginawang pagtakbo. Hindi naman ako nagkamali at agad ko ngang namataan si Spade na nakasandal sa kotse niya, pero hindi siya nag-iisa, kasama niya ang kuya ni Carol.


Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now