Chapter 9

27 21 3
                                    

"Tara na tara na!" sigaw ni Jah sa amin. Kanina niya pa kami minamadali dahil baka daw malate kami sa game.

Nandito kaming tatlo ngayon sa cr at sinasamahan si France dahil magbibihis daw sya. Simula kanina ay hindi na namin kasama si Carol dahil masyado siyang busy sa paghahanda para sa basketball game ngayon at para na rin sa party mamayang gabi. 

"Wait lang!" sigaw ni France na nagmamadaling naglalakad palabas ng banyo. Nakasuot na siya ng tshirt ng team namin pati kami ni Jah. Hindi na nga sana ako magsusuot nito pero pinilit nila akong dalawa. 

"Ang bagal bagal! Baka malate tayo!" agad niya kaming hinawakan sa kamay at mabilis na naglakad patungo gym. Nang makapasok kami ay halos malula ako sa dami ng tao. Dalawang school ang nandito at sobrang daming estudyante sa bawat paaralan. Nahahati sa dalawang kulay ang mga nanonood. Blue at Green. Sa amin ay ang kulay asul. 

Maghahanap na sana kami ng upuan nang bigla kaming may matanggap na message galing kay Carol. 

'Dito kayo sa harap' 

Pinakita ko iyon sa dalawa at hinila ulit kami ni Jah para makapunta doon. Nang makarating kami si harap ay nakita nga namin si Carol pero hindi siya nag-iisa. Katabi niya si Lhander at iyong secretary ng council na hindi ko alam ang pangalan. Agad siyang lumapit sa amin nang makita niya kami at hinila.

"Haay Salamat at nasa harap tayo! Kitang kita ko ang nga players!" tumili si Jah na nakaupo sa dulo. 

"Hindi ba delikado dito? Paano kung matamaan tayo ng bola?" tanong ko sa kanya. Iyon agad ang naisip ko pagkaupo namin dahil nasa pinakaharap talaga kami nakapwesto. 

"Hindi naman siguro!" sabi ni Carol. 

Ang kaninang maingay na mga tao ay mas lalong umingay kaya napatingin ako sa tinitignan nilang lahat at nakita kong dumating na ang mga players sa bawat school.

"Oh my god, Tristan!" 

"Cullen, Marry Me!" 

"Jasper, uwi kana baby!" 

Ibat ibang mga pangalan ang isinisigaw ng lahat pero mas nangingibabaw doon ang tatlong pangalan. Tristan, Cullen at Jasper. Hindi ko kilala iyong Tristan pero si Cullen at Jasper ay kilala ko. 

Pakiramdam ko ay basag na basag na ang eardrums ko sa sobrang lakas ng sigawan ng mga nanonood, isali na doon ang tatlong katabi ko na sobrang tinis ng boses. 

"Tangina ang sarap talaga ng kapatid mo!" sigaw ni Jah kay Carol. 

"Manahimik ka hindi ka papatulan nyan!" sagot naman ni Carol na nagpatawa sa amin. 

Nagsimula na ang game at sobrang galing nung Tristan na sinasabi ng mga tao. Hindi naman nagpapatalo si Cullen na MVP namin simula noon kaya mainit ang labanan. Sobrang lakas ng sigawan ng bawat sa school sa tuwing nakakapuntos ang player nila. 

Nang nasa kalagitnaan ng game ay biglang lumipad ang bola patungo sa pwesto sa amin at tatama sana kay Carol, napasigaw naman kami. Pero may braso na humarang sa harap ng pagmumuka ni Carol kaya hindi siya natamaan. Braso iyon ni Lhander. 

"Pft" rinig ko kaya napalingon ako kay Jah at nakitang nagpipil siya ng tawa. Habang si France naman ang nanglalaki parin ang mga mata. 

Agad tumakbo iyong si Tristan na may hawak ng bola kanina sa pwesto namin at napatulala naman lahat ng babae sa kaniya. Pwede pala yon? Player to ng kalaban namin pero pinagpapantasyahan parin nila?

Nagsorry lang iyong Tristan at bumalik na sa dati ang lahat. Napatingin si Cullen ng nagtatanong sa side namin at may sinenyas lang si Carol sa kaniya bago siya tumango at nagpatuloy ng maglaro. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now