Chapter 12

27 18 4
                                    

Tumikhim ako at tumawa ng pilit. Tumalikod ako sa kanya at pinulot ang nabitawan kong bow at arrow kanina. Lumipat na na ako sa pangalawang target at pumwesto na. Nanlaki ang mata ko at napangiti ng makitang tumama iyon agad pero hindi sa gitna. Naintindihan ko lang naman dahil first time ko naman ito at okay lang na hindi ako maka bull's eye. Nagmamayabang akong ngumit kay Spade dahil doon. Nakita ko namang nakatingin sya sa akin kaya ngumisi ako lalo.

"See that?" ngisi ko. Ngumisi din sya at pumalakpak.

"Not bad for a beginner," kibit balikat niya.

Lumipat na naman ako sa pangatlong target at tinignan muna iyon. Napaisip ako, medyo malayo layo iyon pero kakayanin ko. Huminga ako ng malalim bago pinosisyon ang bow. Binitawan ko ang bowstring at napanguso ako ng hindi tumama iyon. Napatingin ako kay Spade dahil sa tumawa sya pero inirapan ko lang sya at inulit. Sa pangalawang pagkakataon ay tumama na iyon. Tuwang-tuwa naman akong nagtatalon ng makita iyon.

Nagapatuloy lang ako sa pagtira pero medyo nahirapan na ako sa panglima. Ilang beses ko nang sinubukan pero hindi talaga tumatama sa target. Naiiyak na ako sa sobrang frustration. Sinabunutan ko ang buhok ko at mangiyak-ngiyak na tumingin kay Spade.

"Ayaw..." nakangusong sabi ko. Tumawa sya at naglakad palapit sa akin. Pinulot nya ang bow at arrow na nasa lupa na ngayon sa kadahilanang binitawan ko iyon kanina. Siya na mismo ang tumira sa target at as expected tumama iyon sa gitna. Nakanguso parin ako ng humarap sya sa akin. Inayos niya ang buhok ko at ngumit sa akin.

"You had enough archery today and aren't you hungry?" tanong niya habang inaayos ang buhok ko. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at tumango sa kaniya.

"Gutom na ako," sabi ko at ngumiti sya bago ako hinila paalis doon sa field. Nakasalubong namin iyong lalaking staff kanina at may sinabi sya doon bago kami nagtuloy tuloy ng lakad palabas. "Kakain na ba tayo?" tanong ko habang papalapit kami sa sasakyan niya.

"Yeah...Where do you want to eat?" tanong niya ng hindi nakatingin sa akin. Nakarating na kami sa sasakyan niya kaya pinagbuksan niya ako ng pintuan at napaisip naman ako.

"Ikaw bahala," sagot ko dahil wala akong maisip kung saan pwedeng kumain. Pumasok na ako sa sasakyan at sinarado naman nya ang pintuan bago buksan ang pintuan  ng driver's seat. Tumango sya bago pinaandar ang sasakyan at nagmaneho kung saan. 

Hinayaan ko lang syang magmaneho at tinignan nalang ang aking telepono. Napangiwi ako ng makitang almost 3 pm na pala. Masyado siguro akong nalibang kaya hindi ko namalayan ang lumipas na oras. Nagtingin tingin ako ng mga messages at nakitang nag-iingay na naman sila sa group chat namin. 

Carol: Asan kayo? 

Jariyah: bakit? 

Carol: I'm bored gala tayo.. 

Jariyah: dito ako kay mommy eh

Carol: :( kayo @Francesca @February

France: I'm here sa sa company

Akmang magtitipa na ako ng reply kay Carol nang may matanggap akong private message kay Jah. Inuna ko muna iyong buksan at napakunot ang noo ko. 

Jariyah: Wag ka pumayag kay Carol

February: Huh? Bakit? 

Jariyah: May sasama sa kaniya hahaha

Kahit hindi ko naintindihan kung ano ang punto ni Jah ay pumayag nalang ako sa kaniyang gustong mangyari. Tutal iyon naman talaga ang gagawin ko kanina. 

February: Sorry Carol nasa labas din ako ngayon

Carol: mga traydor kayo! 

Napatawa ako sa chat ni Carol, alam ko namang hindi sya seryoso sa mga pinagsasabi niya. Siguro magtatampo lang iyon dahil hindi namin masamahan. Baka palampasin nya ito dahil talaga namang may lakad ako, ewan ko lang doon sa dalawa na mukhang nagsinungaling pa nga. Hindi ko din alam ang trip nila at ayaw nilang samahan si Carol. 

Dahil wala akon magawa ay inopen ko nalang ang instagram account ko at sinearch ang pangalan ni Spade. Hindi naman ako nahirapan dahil may lumabas nga na isang search na mukhang siya. Tiningnan ko ang kanyang profile at ang dami niyang followers. Well hindi naman na siguro nakakagulat iyon. Medyo maramni rami siyang mga post pero isa ang nakaagaw ng atensiyon ko.

Si Spade iyon pero may kasama syang isang babae at nakaakbay siya dito. Mukhang mas bata sa kaniya ang babaeng iyon, siguro ay kaedad ko lamang. Maganda ang babaeng iyon at mukhang may lahing amerikana, maikli lamang ang kanyang dark brown na buhok at may maamong mukha. Napatingin tuloy ako kung kailan pinost ang picture na iyon at nakitang almost 1 year ago na iyon. Binalewala ko nalang kahit na gusto kong magtanong dahil wala naman akong karapatan. 

Napatigil ako sa pagkalikot sa cellphone ko nang tumigil din ang sasakyan namin. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakitang nasa isang gusali kami.

"Nandito na tayo?" tanong ko kay Spade. Tumango lang sya at lumabas para pagbuksan ako ng pintuan. Lumabas naman ako at naglakad na kami papasok ng restaurant. Pagkapasok palang namin ay may lumapit sa amin na isang babae na nakangiti. Nagusap sila saglit at maya-maya ay naglakad na patungo kung saan iyong babae kaya sumunod kami sa kanya. 

Tumigil ang babae sa isang lamesa na medyo nasa sulok. Nilahad nya naman iyon pagkatapos ay umalis na kaya agad akong umupo at nagtingin tingin sa paligid. Mukhang mamahalin ang restaurant na ito pero simple lang at wala masyadong tao na kumakain. Napatigil din ako ng may lumapit na waiter na mukhang hinihingi ang order namin kaya nagtingin ako sa mga pagkain nila at pumili ng sa tingin koy magugustuhan ko. Umalis din naman sya agad nang may maalala ako kaya tinignan ko si Spade at nakitang nakatingin siya sa akin. 

"Oo nga pala, Sebastien ba ang pangalan ng Dad mo?" iyon ang gusto kong itanong sa kaniya dahil nabanggit ni Daddy iyon at baka hindi pala iyon ang kanyang ama. 

"Yeah, why?" si Spade. 

"Sabi kasi ni Daddy kilala niya si Sebastien Silva kaya pinayagan niya ako ngayon na sumama sayo," nagkibit balikat ako. Tumango lang siya at nag-usap na kami ng tungkol sa kung ano-ano hanggang sa makarating na ang order namin. Hindi rin naman kami nagtagal na kumain kaya nang natapos ay umalis na din kami at napagpasyahan naman namin ngayon na magpunta sa isang park, iyong park na pinagkitaan namin kanina.

Nang makapasok kami doon ay pansin ko na marami paring mga bata ang naglalaro dahil na rin siguro ay hindi na gaanong masakit sa balat ang init ng araw. Naglakad lakad lang kami hanggang sa makarating sa isang bench. Nasa dulo iyon at wala na masyadong mga bata na naglalaro dito. Umupo ako doon at tumabi naman si Slade sa akin at tinanaw ko ang nasa harap ko. Kitang kita ko ang papalubog na araw at sobrang ganda noon. Hindi ako masyadong nanonood ng sunset kasi hindi naman ako masyadong lumalabas ng bahay at hindi rin ako nagkakaroon ng oras para panoorin ito. 

"Anong course mo?" tanong ko kay Spade. 

"Civil Engineering," sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko. 

"So you're an Engineer?!" tanong ko sa kaniya. 

"Yeah," sagot niya na parang wala lang iyon. Wow. Sana all. "You?" 

Tumikhim ako bago sumagot "Business Administration," sagot ko. Tumango naman sya. 

"I see, that's good," ngumiti lang ako sa kaniya at napatingin sa view sa harap namin. 

I didn't know that the sunset could be this beautiful. I unconsciously smiled while looking at the sunset. I shifted my eyes at Spade and my forehead creased when I noticed that he was looking at me. Why is he looking at me? He should look at the sunset! It's breathtakingly beautiful! 

"Did you have fun today?" he asked while we were staring at each other. Napaisip tuloy ako kung nag-enjoy ba ako ngayong araw. Of course nag-enjoy ako! Who wouldn't? It was my first time playing archery and I didn't expect it to be fun I mean may mga pagkakataon na naiinis ako dahil hindi ko matamaan ang target pero I can say that it was fun. And now, we're here at the park watching the sunset together, it is also my first time watching the sunset and I also didn't expect that it would be this beautiful. I smiled at him before answering. 

"Of course! Today's the best!" I said and ngumiti naman sya pabalik bago ko ibalik ang tingin sa harap namin. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now