Chapter 8

33 21 3
                                    

'Do you have class?'

'Wala yung prof namin' 

'Where are you then?' 

'Nasa room lang kasama sina France' 

Katext ko ngayon si Spade habang nakaupo dito sa classroom namin. Gaya ng sabi ko ay wala ang aming prof ngayon kaya maingay ang room at ang iba naming kaklase ay hindi ko na alam kung saan. 

Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong nagsimulang magtext si Spade sa akin kaya ngayon ay nasanay na ako at masasabi kong medyo komportable na ako sa kaniya. 

Napaangat ang tingin ko mula sa cellphone nang may padabog na umupo sa harap namin ni Jah. Napaangat rin ang ulo ni Jah mula sa pagkadukdok sa lamesa at nakita kong si France iyon na nakasimangot ang mukha.

"I am so bored na! Hindi ba tayo aalis?! Ang boring kaya dito!" parang bata na reklamo niya. 

"Hintayin muna natin si Carol," sabi ko. Iyon ang rason kung bakit nandito pa kami kahit na pwede naman kaming umalis na at magpunta kahit saan. Kasali sya sa student council kaya wala rin siya ngayon dahil may meeting daw sila na hindi ko alam kung tungkol saan dahil wala naman siyang sinabi sa amin. 

"Sumunod nalang siya," nakanguso na sabi ni France. 

"Hindi ba yun magagalit?" tanong ni Jah na parang inaantok pa. Hindi ko alam kung saan na naman siya nagpunta kagabi dahil parang kulang sa tulog ang bruha. 

"We can text her nalang! Sige na please.." sabi ni France at nagpapacute na tumingin sa amin. Bumuntong hininga ako at kinuha ang phone ko para itext si Carol pero pinigilan ako ni Jah. 

"Ako na," nakangising sabi niya at parang may binabalak na masama. 

Nanlaki ang mata namin ni France nang makitang imbes na itext niya si Carol ay tinawagan niya ito. Nasa meeting yon! Baka mapagalitan pa nung masungit na president ng SC! Nakita naman namin na nireject iyon ni Carol pero sadyang makulit si Jah at paulit-ulit na tinawagan si Carol hanggang sa sumagot siya. 

"Walang hiya kang tangina ka, Bat ka tumawag?!" malutong na sigaw ni Carol sa kabilang linya. Rinig namin iyon dahil naka loud speaker ang tawag. Mukhang pinalabas nga sya dahil nagawa niyang sumigaw. 

"Hahaha! Alis kami ah, text nalang namin kung saan," natatawang sagot ni Jah sa kaniya. 

"Umalis na kayo! Subukan mong tumawag ulit puta ka!" sigaw ulit ni Carol bago binaba ang tawag. 

Tumawa ng malakas si Jah bago tumayo kaya tumayo narin kami ni France. 

"San ba tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad palabas ng school. 

"Sa starbucks nalang, malapit lang naman," suhestiyon ni Jah at agad namang pumayag si France. 

Naglakad lang kami patungo sa Starbucks kasi nasa harap lang naman iyon ng school namin. Nang makapasok kami ay nag namataan akong ibang kaklase namin pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin at naghanap nalang ng bakanteng upuan. 

Nang may makita kaming upuan ay lumapit agad kami doon at umupo maliban kay Jah na nanatiling nakatayo lamang. 

"Nasa mood ako manlibre ngayon hahaha! Libre ko na kayo ano order nyo?" natatawang sabi ni Jah, mukhang hindi pa sya nakamove-on sa ginawa nyang pantritrip kay Carol. Napapalakpak naman si France at mukhang tuwang-tuwa pa, agad niyang sinabi ang order niya kaya sinabi ko na rin ang akin. Agad ding umalis si Jah para mag-order kaya kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may text si Spade at nakitang meron nga. 

'So you can go out?' 

'Hey' 

'I guess you're busy' 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now