Chapter 11

29 19 4
                                    

Tapos na akong magbihis para sa lakad namin ni Spade ngayon. Ang gagawin ko nalang ay ang magpaalam kay mommy at daddy. Ayoko nang maulit ang nangyari noong nasigawan ako ni daddy sa sobrang galit niya dahil hindi ako nagpaalam sa kanya.

Pagkarating ko sa dining room ay naabutan ko doon si mommy at daddy na tahimik na kumakain. Dahan-dahan akong umupo sa pwesto ko at pinagsilbihan naman agad ako ni Eba. Nagsimula na akong kumain pero konti lamang dahil kinakabahan ako. Uminom ako ng tubig nang matapos ako at tumingin sa kanilang dalawa. Sumisipsip si daddy sa kanyang kape habang may binabasa na kung ano habang si mommy naman ay patuloy na kumain.

Tumikhim ako para kunin ang kanilang atensyon at nagtagumpay naman ako dahil pareho silang napatigil sa kanya-kanyang ginagawa kanina lang.

"Uh..." ngumiti si mommy at sumenyas na ipagpatuloy ang sasabihin ko. Inilipat ko ang aking paningin kay daddy at kinabahan lalo nang makitang nakatingin siya sa akin. "C-Can I g-go somewhere?" tanong ko sa kanila.

Kinabahan ako lalo ng kumunot ang noo ni daddy. Iniwas niya ang tingin sa akin at nagpatuloy sa pagsipsip sa kape niya. "Where? And with whom?" tanong niya pabalik. Napalunok naman ako bago sumagot.

"I don't know yet," sinadya kong hindi sagutin ang pangalawang tanong niya pero hindi diya ata hahayaan iyon dahil tumingin siya sa akin ng mariin. 

"With whom, February?" mariin na tanong niya. 

"A f-friend," ayokong sabihin ang pangalan ni Spade dahil baka madamay siya. 

"What's the name of your friend?" napaiwas ako ng tingin sa kanya pero tinawag niya ang pangalan ko kaya napabalik ako ng tingin sa kanya "February Ariyal." 

"S-Spade, Spade Silva," kagat labing sagot ko. 

Nabulunan siya ng marinig ang pangalan na sinabi ko at napatingin sa akin na may nagtatanong na mata "Silva? Is he related to Sebastien Silva?"

"Y-yes," I said kahit hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy niya. I never asked the names of Spade's parents so I dont know.

"Sebastien Silva? Familiar ang pangalan na iyan," nag isip saglit si mommy bago nasalitang muli "Diba isa siya s---" hindi natuloy ang sasabihin ni Mommy nang putulin siya ni Daddy. 

"Angel," may pagbabanta ang tinig ni Daddy habang nakatingin kay Mommy kaya naguguluhan akong napatingin kay mommy pero tumikhim si daddy kaya nawala ang tingin ko sa kanya "Are you dating his son?" tanong ni Dad na nakataas ang kilay.

"What? No!" pagtanggi ko pero ngumisi lang si Daddy kaya nanlaki ang mata ko.

"I see, so you want to keep it a secret," nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya "Its okay, you can go, he can take care of you," ngumiti siya at lalong nalaglag ang panga ko. Sinenyasan niya ako na tumayo kaya tumayo na lang ako at nagpaalam na aalis na.

Pagkalabas ko ng bahay ay nakita kong nakahanda na ang sasakyan kaya sumakay na ako at sinabi kung saan kami magkikita ni Spade.

Habang nasa kotse ay iniisip ko ang pagpayag ni Dad. Nang malaman niya kung sino ang kasama ko ay agad siyang pumayag, hindi tulad ng dati na kailangan pa siyang pagsabihan ni mommy na pumayag. Ni hindi nga niya sigurado kung saan ako pupunta pero pumayag siya. Siguro kilala niya si Spade o ang pamilya nito para pumayag sya ng ganoon ka bilis?

Bumuntong hininga ako at pinalis iyon sa aking isipan at inisip na lang kung saan kami pupunta ni Spade. Hindi niya kasi sinabi kung saan kami pupunta, ang tanging sinabi niya lang ay kung saan kami magkikita. Napatingin ako sa bintana at hinintay na lamang na makarating doon.

Nang makarating ako sa isang park ay nakita ko si Spade na nakaupo sa isang bench. Napatawa ako nang makitang ang lagkit ng tingin ng mga kababaihan sa kanya. Lumapit ako sa kanya at napatayo naman siya.

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now