Chapter 22

11 5 0
                                    

Tahimik lamang kaming tatlo pagkatapos sabihin ni Carol iyon. Kaya pala, una ko siyang nakita sa picture, sa instagram account ni Spade. Tumikhim si Jah. 

"Ex na pala, wala ng problema 'yon," sumulyap siya sa akin. Napatingin ako kay France, nakatitig lamang siya sa akin, parang tinatantya ang magiging reaksiyon ko. I sighed. 

"Right…" ako. 

"Naka-move on naman na rin si Spade," ngumiti si Carol. 

"Then what made you so nervous?" si France. 

"Si Spade nakamove on na, siya hindi pa," si Carol. 

"Pano mo nasabi?" si Jah, may paglalaro sa tinig niya. 

"Because, I know her, at hindi siya babalik dito kung nakamove on na nga siya, she's supposed to be married by now, I'm just afraid that she will meddle with the relationship of Feb and Spade," matigas na sabi ni Carol. 

"She seems.. nice," sagot ko. Totoo naman talaga, sa sobrang amo nga ng mukha niya ay hindi ka mag-iisip na kaya niysng gumawa ng masama. Kaya hindi rin ako magtataka na minahal nga diya ni Spade dati. 

"Looks can be deceiving, Feb," pakikisali ni France. She inhaled. "Anyway how was your visit kay mommy?" natahimik ako at inalala ang pag-uusap namin kanina. 

"I expected this," halata nga, "Kailan nagsimula?" 

"Nung… pumunta po kami sa party.." mahina na sagot ko. 

"What happened sa party?" 

"Uh… May nakilala ako…" 

"Sino?" 

"Sigurado ako na siya iyong nagligtas sa akin dati," kagat labi kong sabi sa kanya.

"What else happened?" 

"The l-lights turned o-off… Yun lang.. " 

"Pang-ilan na panaginip mo na ito?" 

"Third…" 

"You didn't sleep?" yumuko ako. 

"N-natatakot ako." 

"Kapareho lamang ba ang iyong panaginip? Dati at ngayon?" 

"Medyo, nasa isang kwarto ako, tapos biglang may dadating, pero iba po ang mukha niya ngayon," tumaas ang kilay niya. 

"Iba? Who is it?" 

"Before, yung kidnapper… Ngayon, b-boyfriend ko.." kumunot ang noo niya bago tumango. May sinulat siya na kung ano, bago niya iyon binigay sa akin. 

"You need to sleep, Feb, hindi nakabubuti sa iyo ang hindi matulog, and don't be afraid to sleep, panaginip lang iyon," kinagat ko ang labi bago tumango, "our next appointment will be after two weeks, Feb and I want you to list down some things, I'll write it nalang para hindi mo makalimutan," tumigil siya para kumuha ng papel at pen, hinintay kong matapos siya hanggang sa binigay niya sa akin iyon, "does your parents know about this?" 

"N-no… but I'm planning to tell them sooner or later." 

"You should, here, that is enough for today, remember, those are just dreams, Feb." 

"Where's the paper?" tanong ni France. Kinuha ko naman ang papel sa bag at binigay iyon sa kaniya. Sumilip si Jah sa papel. 

"Kailangan ba yan?" si Jah. May pagtataka sa mukha niya. 

"Yes," si France. Sumilip din si Carol. Hindi na ako nakisali sa pagsilip since nabasa ko naman na iyon. 

"Any symptoms experienced. Major stresses or recent life changes. Supplements being taken and the dosages." pagbasa ni Carol sa nakasulat, "Andami naman," nakasimangot na aniya, binatukan siya ni France. 

"Of course! It can help a lot!" si France. 

"Sorry na," ngumuso si Carol "ansakit! Akala ko ba gumagamot ka ng mga may sakit?! Binibigyan mo ako ng sakit eh!" 

"Para maalog ang utak mo! Bobo!" si France. Tumawa si Jah. 

"Ba't ganon, hindi naman ako ang tinawag pero ako ang tinamaan, HAHAHA" si Jah. Tumawa na rin kaming tatlo dahil sa sinabi niya. 

Ginawa ko nga ang mga nilagay ni Dra. Legaspi na ilista ko raw. Its been a week since our last appointment and I'm still having nightmares every night. Iyon parin, nagigising ako sa madilim na kwarto, mag-isa, may papasok, wala siyang mukha sa una, pero kapag lumilitaw na ang mukha ay nakikita ko ang mukha ni Spade, na nakatutok ang baril sa akin. 

Nasa kwarto ako ngayon at nililista ang mga sinabi ni Dra. Legaspi. France also suggested that I should practice some simple stress-relief activities such as, deep breathing or relaxation. Minsan nga iniisip ko kung bakit hindi nalang siya tumulad ng propesyon sa kaniyang mommy, mukha kasing marami siyang alam doon. 

Napaangat ang tingin ko nang bumukas ang pintuan, nakita ko si mommy, nanlaki ang mata ko at itatago sana ang diary na pinagsusulatan ko pero huli na dahil natagpuan ito ng mata ni mommy Angel. 

"What's this?" hinawakan niya ang diary at binasa, "symptoms…. What?" hindi makapaniwalang tanong niya, "symptoms for what, Feb?" 

"I'm sorry, I-I didn't tell y-you…"

"For what, Feb?" 

"PTSD…" 

"what?" mahinang sabi niya na parang hindi makapaniwala. 

"What's happening here?" lalong nanlaki ang mata ko nang makita si daddy sa pintuan. 

"Get out!" sigaw ni mommy. 

"H-huh?" nagtatakang tanong ni Daddy. Tumakbo si mommy at sinara ang pintuan bago iyon nilock. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. 

"Shh, mommy is here, okay? Now tell me about it…" humikbi ako. 

"B-bumabalik sila, m-mommy, yung mga  p-panaginip ko, I'm… having a h-hard time s-sleeping.. because of i-it… a-again… I'm sorry… Mommy..hindi ko sinabi…natakot lang ako…" putol putol na sabi ko dahil sa paghikbi. 

"It's okay… so you visted your doctor?" 

"Yes…" 

"Pang-ilang beses na?"

"Just Once.." 

"Alone?" 

"Yes.." 

"When's your next visit?" 

"Next week." 

"Don't worry, sasamahan kita okay? I'm always here for you.. You're not alone, Feb," tumango ako. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now