Chapter 2

45 31 3
                                    


Tumigil ang taxi sa harap ng gate ng mansion namin. Binayaran ko agad ang driver at bumaba na. Agad bumukas ang gate at nagsimula na akong naglakad patungo sa mansion. Dahan dahan lang ang paghakbang ko dahil kinakabahan talaga ako.

Nang makapasok sa bahay ay sobrang tahimik nito at walang tao kaya hula ko ay nasa study sila Daddy. Umakyat ako at naglakad patungo sa study at nang makarating ako ay kumatok muna ako bago pumasok.

Nakita kong nakaupo si Daddy sa kanyang swivel chair habang hawak ang ulo niya at si Mommy naman ay nakaupo sa couch. Pareho silang nakatingin sa akin na mukhang nag aabang na makapasok ako. Lalapit na sana sa Mommy sa akin ng biglang tumayo si Dad kaya napatigil siya. Tumayo si Dad sa harap ng lamesa niya at sumandal doon. Hindi ko nakayanan ang titig niya kaya nagyuko ako ng ulo.

"Where have you been?" tanong ni Daddy sa mababang tono.

"D-dad... Sa a-ano... C-Club po..." utal utal na sagot ko sa kanya.

"Did you ask permission?" tumingin ako kay Mommy dahil sa tanong ni Dad at siya naman ang sumagot.

"Hon, nagpaalam siya sa akin at kasama naman niya ang mga friends niya ka--"

"With her friends! Alam naman nila kung ano ang nangyari dati pero sige parin ng sige! You shouldn't be friends with those kids! Bad influence!" putol ni Dad kay Mom.

"Dad no!" sigaw ko bilang pag tutol sa kanya.

"At ngayon ay sumisigaw ka na! Pumayag pa ako na maging kaibigan mo ang mga iyon dahil nagmula sila sa mga disenteng pamilya! Pero ano to?! Sinasama ka nila sa mga walang kwentang lugar!" sabi niya. I gritted my teeth when I heard him say that.

"Alfred! Tama na yan! Walang kasalanan ang mga batang iyon! At kailangan niya ring maranasang magsaya!" si Mom.

"At ikaw! Kinukunsinti mo naman yan kaya hindi nagtatanda!" turo nya kay Mommy "You're grounded February! Kukunin ko ang mga credit card mo! Subukan mong umalis muli at makikita mo!"

Hindi ako sumagot sa kanya at nakatungo lang nang hawakan ni Mommy ang kamay ko at hinila ako patungo sa kwarto ko. Tumulo lang ang luha ko habang nagpapahila sa kanya.

Sinarado ni Mommy ang pinto at agad akong niyakap."Shh.. Its okay, baby. Bibigyan lang kita ng allowance," hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ang noo ko "I'm sorry sa mga sinabi ng Daddy mo tungkol sa mga kaibigan mo. "

Tumango lang ako at patuloy na umiiyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Kinaumagahan nang magising ako ay naalala kong hindi ako nakapagbihis pero pagtingin ko sa suot ko ay nakapagpalit na ako ng pajama ko. Siguro binihisan ako ni mommy. Napangiti ako doon. How I love her.

Agad akong umalis sa kama at may nakita akong isang tray na may hangover soup at gamot na nakalagay. Lumapit ako doon at may post-it note na nakadikit, napangiti ako nang mabasa iyon.

'Goodmorning, my princess, I made hangover soup for you! Inumin mo rin ang gamot. I love you, princess <3'

She always treated me like her own even though I am not her daughter. Anak ako ni Daddy sa ibang babae. Naalala ko pa noong una naming pagkakita, nasa pitong taong gulang ako noon at sobrang kinakabahan at takot na takot pa ako nang malamang makikilala ko ang ama ko pati ang kanyang asawa.

Akala ko ay mandidiri at magagalit siya sa akin dahil bunga ako ng kataksilan pero hindi niya ginawa iyon. Sa halip ay ngumiti sya sa akin at niyakap ako. That was the first time that I felt the warmth of a mother since my biological mom died when she gave birth to me and my relatives never treated me that way.

"Hi Feb! I'm Angel! Your father is my husband so that makes me your mother. Pero I can understand naman if you won't call or treat me as your mom since I wasn't the one who gave birth to you." that was the first thing she said after hugging me. Her name really suits her, she looks like an angel. Hanga din ako sa kanya dahil nagawa pa rin niyang tanggapin ang kanyang asawa pati ako pagkatapos niyang makaranas ng kataksilan.

Sa mansion na ako tumira kasama sila simula noong araw na iyon at ni minsan ay hindi nila pinaramdam na hindi ako parte ng pamilya nila. Palaging nakikipagusap si Mommy Angel sa akin kaya mabilis rin akong naging komportable sa kanya. Kinukwento niya ang love story nila daw ni Daddy, simula nang magkakilala sila hanggang sa magpakasal sila. Nalaman ko rin na hindi pala niya kayang magkaanak kaya tuwang tuwa daw siya nang makilala ako dahil sa wakas ay meron na siyang anak.

Ramdam na ramdam ko ang pagiging prinsesa sa puder nila, ang hindi ko naramdaman sa puder ng mga sarili kong kamag-anak. Lagi nila akong pinapasyal sa mall at binibilhan ng mga damit, mga laruan, mga accessory at iba pa. Parati nila akong binibilhan ng mga gusto ko at palagi silang may oras sa akin kahit na marami silang dapat gawin sa trabaho. Sobrang saya ko dahil sa wakas ay nagkaroon ako ng pamilya na hindi ako trinatrato ng masama, sana pang habangbuhay na ito.

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now