Chapter 5

38 25 3
                                    


Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko. Iyon ang tinatawag nilang boss. Tumama ang tingin niya sa lalaking nakaluhod sa sahig bago tumingin sa akin ng may galit sa mata.

Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang buhok ko at kinaladkad ako sa kung saan ako nakaupo kanina. Ginapos niyang muli ang mga kamay ko bago tumayo at sinuntok ang lalaking naghatid ng pagkain sa akin.

"Tanga-tanga! Ang laki mong tao muntik ka nang matakasan ng hayop nato! Pareho kayong walang kwenta!" galit na sigaw niya doon at lumapit sa akin.

Sinampal niya ako ng dalawang beses at wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak dahil sa sakit ng anit at mukha ko. "Ang tigas din talaga ng ulo mo at sinubukan mo pang tumakas! Kung hindi lang dahil sa kanya ay kanina pa kita pinatay!" sigaw nya habang nakahawak sa panga ko.

Tumutulo lang ang luha ko habang nakikinig sa sinasabi niya. Wala rin akong ideya kung sino ang ibig niyang sabihin na dahilan ng pagkamatay ko ng matagal pero mukhang kailangan ko pa atang magpasalamat sa kanya kasi nabubuhay pa ako hanggang ngayon dito sa mundo. 

Lumabas din agad sila pagkatapos at nakaupo lang ako doon habang umiiyak hanggang sa makatulog ako. 

Nagising din ako kinaumagahan ng maramdaman kong basa ang buong katawan ko. Agad akong napadilat at nakita kong nakatayo silang tatlo sa harap ko pero may hawak na timba iyong payat na lalaki.

"Gising na mahal na prinsesa! Tanghali na," sabi ng payat na lalaki at nagtawanan sila. 

"Patayin na lang kaya kita? Nag iinit ulo ko sa pagmumukha mo eh. Kamukhang kamukha mo kasi yung masahol pa sa hayop mong tatay," sabi ng boss nila. 

"A-ano ba t-talagang atraso ni d-daddy sa i-inyo?" nahihirapang tanong ko sa kanya. 

"Hmm... Mabuti pa ikwento ko nalang muna kung gaano kahayop yang ama mo. Lumabas muna kayong dalawa," sabi niya. Pagkatapos lumabas ng dalawang alagad niya ay kumuha muna siya ng upuan bago umupo sa harap ko ng nakadekwatro at nagsimula na siyang magkwento. 

"May isang mag asawa noon. Mahirap lang sila pero kahit na mahirap sila ay masaya parin ang buhay nila. Nagtatrabaho ang lalaki sa isang barber shop habang ang babae naman ay waitress sa isang karinderya. Hanggang sa mabalitaan nila na buntis iyong babae.. " napatigil siya at hindi niya ata namalayang ngumiti siya. 

"Sobrang saya ng mag asawa dahil sa balitang iyon. Ginawa ng lalaki ang lahat para  maging mabuti ang pagbubuntis ng kanyang asawa hanggang sa manganak ito ng isang malusog na batang lalaki. Iyon ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay nila. Ang kanilang dating masaya nang pagsasama ay mas naging masaya ngayon,"

"Pero hindi doon nagtatapos, dahil isang araw, naabutan na alng ng lalaki ang kanyang asawa at anak na wala ng buhay, sa tahanan nila," napatigil siya dahil sa pagtulo ng kanyang mga luha "at walang iba ang may kagagawan noon kundi ang napakahayop mong ama," pinahid niya ang kaniyang luha at napalitan ng galit ang kaninang lungkot ang mata niya. 

Tumayo siya at kumuha ng isang kutsilyo sa bulsa. Tinapat niya iyon sa aking leeg. Napahagulhol naman ako. "Ang sarap mo nang gilitan ng leeg... Plano pa sana kitang ipakita muna sa kanya para naman mapatunayan kong may silbi ako pero..." napapikit ako ng itaas niya ang kutsilyo. 

Pero imbes na gilitan ang leeg ko ay sinugatan nya ako sa braso. "Ah!" sigaw ko ng makaramdam ng sakit. Tumawa lang siya at sinugatan ng paulit-ulit ang braso ko. Sobrang sakit na noon pero wala akong magawa kundi sumigaw at umiyak. 

Nang makuntento sya ay tumayo siya at lumapit sa pinto. "Maghintay ka, may kukunin lang ako.." nakangising sabi niya. 

Nang makaalis siya ay tinignan ko ang braso ko na punong puno na ng dugo. Patuloy parin na umaagos ang dugo mula sa mga sugat ko habang umaagos ang luha sa mata ko. Bumalik din siya agad at lalo akong napahagulhol ng makita na meron siyang hawak na baril. Habang naglalakad palapit sa akin ay nilalagyan niya ng bala ang baril. 

Nang makalapit ay kinasa niya iyon at tinutok sa noo ko. "Paalam," nakangising sabi niya kaya pumikit ako. Agad akong nakarinig ng putok ng baril pero hindi ako nakaramdam ng panibagong sakit kaya dinilat kong muli ang mga mata ko. "Tangina!" mura niya at agad akong hinila patayo pero bago pa kami makalabas ng pintuan ay may pumasok doon na isang lalaki. Nakasuot sya ng isang mask kaya ang nakikita ko lang ay ang mga mata niyang medyo singkit. Nakasuot rin siya ng isang cap at may hawak na baril. Itim ang kanyang tshirt at pants. 

"Let her go," rinig kong sabi niya at ang kalma lang ng tinig niya. 

"Umalis ka dyan! Padaanin mo kami o papuputukin ko ang bungo nito!" sagot niya sabay tutok ng baril sa akin. 

Napasigaw ako ng pinaputukan nung lalaking naka mask ang pwesto namin at napaluhod iyong kidnapper kaya nabitawan niya ako. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at ininda ang masakit na katawan habang siya naman ay patuloy na pinuputukan ang lalaking kidnapper. 

Nang matapos na siya ay agad niyang hinawakan ang kaliwang braso ko at naunang maglakad sa akin. Nakasunod lang ako sa kaniya habang marami kami dinaanang pasikot sikot. 

"Hey, where are you?" tanong niya bigla kaya napatingin ako sa kanya pero mukhang may kausap siyang iba. 

"I got the kid, she's injured so inform the parents," dagdag niya. 

Nang makababa kami sa hagdanan ay nakita ko doon ang dalawang lalaki na nakahiga at mukhang wala nang buhay. 

"Are you okay?" tanong nung lalaki "Hey kid, I'm asking you," dagdag niya at doon ko lang napansin na ako pala yung tinatanong niya. 

Tumango lang ako kasi gulat parin ako. Hindi ko nga alam kung mabait na tao ba tong sinasamahan ko dahil pinatay niya rin yung tatlong lalaking nangidnap sakin. Baka magulat ako, bigla nalang akong matumba dito dahil binaril na niya ako. 

Nang makalabas kami sa bahay ay may nakita akong itim kotse at may babaeng nakaupo sa hood noon. Gaya ng lalaking kasama ko ay nakasuot rin siya ng mask at nakapony-tail lang ang mahabang itim na buhok, siya siguro yung kausap nitong lalaki kanina. Tumingin siya sa amin at napansin ko ang maganda at kakaibang kulay ng mata niya, hindi ko alam kung blue o gray. Pero walang buhay. 

"He did that?" sabi niya habang nakatingin sa braso ko at halos manlamig ako sa sobrang lamig ng boses niya. 

"Alangan naman na ako?" pamimilosopo ng lalaki "where is he?" 

"He already left," malamig pa rin na sagot nung babae bago pumasok sa sasakyan. 

"Tss.. Di makapaghintay," 

Pumasok na rin iyong lalaki sa kotse at pinasakay niya ako sa backseat. Nakatulala lang ako doon habang iniisip ang sarili kong kapahamakan. Paano kung mga kidnapper din sila? At niligtas lang pala nila ako doon dahil gusto nila na sila ang makapatay sa akin?

"P-papatayin nyo d-din ba a-ako?" tanong ko sa kanilang dalawa. Tumawa lang iyong iyong na parang nagsabi ako ng isang joke.

"Why would we?" tanong nung babae sa akin dahil hindi pa tapos tumawa iyong lalaki.

"B-baka may ginawa rin si d-daddy sa inyo, k-kung may plano k-kayong p-patayin a-ako ay---" hindi ko na natapos ang nauutal na sagot ko sa kaniya dahil parang nakakatakot siya sa sobrang lamig ng boses niya. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lamang sa pag-drive. 

"Iuuwi ka namin," sagot ng lalaki habang natatawa. 

Tumango lang ako at habang nakaupo doon ay namalayan ko na ang panghihina dahil na din siguro sa kawalan ng maraming dugo. Hanggang sa hindi ko na kinaya at dumilim na ang paligid. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now