Chapter 17

12 8 0
                                    

Pagkababa ng tawag ay nakatanggap ako ng text galing kay Spade na sinasabing magkita kami sa playground malapit sa subdivision namin. Padabog kong sinara ang pinto ng kwarto bago nag-pasyang bumaba. Nang makarating ako sa playground ay nandoon nga si Spade na nakatayo.

"Ano?" bungad ko sa kanya. Tumitig siya sa akin at tinaasan ako ng kilay, "bilisan mo, ano pag-uusapan natin?"

"Are you--" naputol ang sasabihin niya ng tumunog ang kanyang telepono, hudyat na may tumawag. Nakakunot noong kinuha niya ito at ni-reject. Magsasalita sana siya ulit ng tumawag na naman ito, akmang irereject niya ulit iyon nang magsalita ako.

"Sagutin mo."

"But--"

"Sagutin mo, bilis," kinagat niya ang labi bago sinagot ang tawag.

"Ella.." napataas ang kilay ko. Ano na namang kailangan niya at tawag siya ng tawag? "No.. Hindi nga.." bumuntong hininga siya at hinilot ang sintido, "ang kulit mo, ayoko nga, sa kanya mo hingin," tsaka niya binaba ang tawag. He looked at me apologetically but I just raised my eyebrows at me.

"I'm sorry," tumango ako at umiwas ng tingin, "Are you mad?" umiling ako, "you look mad," sinamaan ko siya ng tingin, "woah, you're definitely mad."

"Hindi ako galit!" sigaw ko sa kanya.

"Why are you mad?" pangungulit niya.

"Hindi nga ako galit!"

"Are you sure?"

"Ewan ko sayo! Aalis na ako!" akmang mag-lalakad na ako paalis nang hawakan niya ang braso ko, "bitawan mo'ko! Dun ka na sa Ella mo!" napatigil siya kaya napatigil din ako. What did I just say? Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang dahan-dahan na pagsilay ng ngisi sa kaniyang labi.

"Are you jealous?" lalong nanlaki ang mata ko. Marahas akong umiling.

"Ang kapal mo! Hindi ako nagseselos!" nangangalating sigaw ko. Mas lalo siyang ngumisi.

"Why are you jealous? You're not my girlfriend," nakangisi parin na sabi niya. Suminghap ako. What?! Akala ko ba nanliligaw siya?!

"Pero nanliligaw ka sa akin!"

"You're still not my girlfriend."

"Edi, girlfriend mo na ako ngayon!" ngumuso siya na halatang pinipigilan ang ngiti.

"Napipilitan ka ata eh," nakanguso pa rin si Spade. Sinamapal ko siya. Nanlaki nsman ang mata niya sa gulat dahil sa ginawa ko, "w-what was that for?!" gulat na aniya.

"Wala, gusto lang kitang sampalin."

"w-what?!" hindi makapaniwalang sigaw niya.

"what? Galit ka?" nanlaki ang mata niya, ngumisi ako ng patago.

"n-no, i like it,"

"buti naman,"

"so, girlfriend na kita?" sinamaan ko siya ng tingin. Ayaw niya ba? "gusto ko," nababasa niya ang isip ko? "no, I can tell by the look on your face," ngumuso ako. "So, girlfriend na nga kita?" pag-uulit niya.

"oo nga…"

"why?"

"because… I l-like you, h-hindi ba sapat 'yon?"

"no, it's more than enough," nakangiting aniya bago umupo sa bench, umupo ako katabi niya. "Nagseselos ka nga kay Ella?"

"H-hindi naman masyado…" mahinang sabi ko. Namula ako nang umakbay diya at nilapit ang bibig sa tenga ko.

"It's okay, boyfriend mo naman na ako," tsaka siya tumawa, "and Ella is just a friend."

"Ba't siya tumawag?" tanong ko. Hindi naman siguro masamang magtanong? Kasasabi niya lang kanina na okay lang.

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now