Chapter 18

10 4 0
                                    

"Ano ang ibibigay nyo sa boyfriend nyo kapag monthsary?"

Napalingon silang tatlo sa akin dahil sa tanong ko. 

"Nasampal naman ako sa katotohanan na single ako, masakit," madramang sabi ni Jah. 

"Monthsary n'yo na pala?" si Carol. Tumango ako. 

"Time flies so fast ano, monthsary nyo na, while us, wala pang mga boyfriend," si France. 

"'Ang buhay ng single," wika ni Carol. 

"Sana all," sabi ni Jah. 

"Ano nga ang maganda?" monthsary na namin ni Spade sa susunod na araw at gusto ko siyang bigyan ng regalo. 

"Keychain?" 

"Mug?" 

"Shoes!" 

"Suit?" 

Iba-iba ang mga suggestions na natanggap ko mula sa kanila, hindi ko na tuloy alam kung ano nga ba ang bibilhin ko. Pumalakpak si Jah.

"Bigyan mo ng playing cards! May connect yun sa pangalan niya, Spade! HAHAHA," tumawa si Jah, pati na rin sina France at Carol. Ano daw? Napatigil siya sa pag-tawa nang mapatingin sa akin, "Hindi mo nagets?" tumango ako, tumikhim siya, "wag nalang, iba nalang." 

Nagtawanan sina France at Carol. Nagpatuloy naman sila sa pagsabi ng mga kung anong pwede iregalo kapag monthsary. 

Nang makauwi ako sa bahay ay may naabutan akong dalawang tao doon, hindi ko sila kilala. Sumulpot si mommy sa harapan ko bigla at inakbayan ako bago hinila papalapit sa dalawa. 

"Feb, this is Poly and Rosi, sila ang mag-aayos sayo para mamaya okay?" tanging sabi ni mommy bago siya umalis. Mag-aayos? Oo nga pala, pupunta pala kami sa party mamaya. 

"Gandang bata! Halika!" sabi noong isa bago hinila patungo sa kwarto. Pinaligo muna nila ako bago inayusan. Medyo matagal tagal din nila akong inayusan pero ayos lang naman. Habang nasa kalagitnaan sila ng pag-aayos ng buhok ko ay nakatanggap sko ng tawag kay Spade kaya agad kong sinagot iyon. 

"Spade!" masayang bati ko. 

"Hey, how was your day?" ngumiti ako. 

"Nag-exam lang kami kanina." 

"How did it go? Did you have a hard time?" 

"Wala pa naman ang results at madali lang naman, ako pa!" I giggled. 

"Ikaw? Kamusta ka?" 

"I'm fine! Hindi naman ako masyadong napagod sa exams kanina, ikaw?" 

"I'm also fine, so--" 

"Spade, let's go," rinig kong nagsalita sa kabilang linya. Aalis siya? 

"wait--" 

"Aalis ka ba?" tanong ko. 

"Uh, yeah, don't worry we will just attend something, mabilis lang naman iyon kaya pwede pa tayong mag-usap mamaya." 

"Okay! You should go na, baka hinihintay ka na ng kasama mo, tsaka aalis din ako mamaya." 

"Where to?" 

"Hmm, I don't know, sasama lang ako kina mommy at daddy eh." 

"Alright, keep safe, I love you," uminit ang pisngi ko. 

"Ikaw din! Bye, I love you too," bago ko binaba ang tawag. 

"Boyfriend mo, miss?" tanong ni Polly. Kilala ko na sila. Masaya akong tumango. Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Si mommy pala, nakaayos na siya, sobrang ganda at elegante ng ayos niya ngayon. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now