Chapter 10

27 17 4
                                    

Habang nag-uusap usap sa loob ng sasakyan ay may tumawag kay Carol kaya sinagot niya iyon. Nawala ang ngiti na nakaplaster sa kaniyang  mukha kanina lang at nay ideya na ako agad kung sino iyon. Isang tao lang naman ang nagpapasira 'daw' ng araw niya. 

"Ano?" mataray na tanong niya. 

"Papunta na kami, tss," nakatingin lang kami sa kaniya habang kausap niya ang tumawag. 

"Ge,"

"Who was that?" kuryosong tanong ni France sa kaniya. Nakatingin lang ako sa kanila at nag-abang din sa sagot ni Carol. 

"Ah, President," balewalang sagot niya. 

"Uyyyy, nagtatawagan sila" panunukso ni Jah. 

"Bobo kaba?! Malamang magtatawagan kami kasi President siya at ako yung Vice President!" singhal niya kay Jah. Hiawakan naman ni Jah ang dibdib niya at hindi makapaniwalang nakatingin kay Jah. 

"Bakit ka galit? Bakit parang kasalanan ko?" panggagaya niya sa isang artista. Tumawa lang kami ni France at umirap naman si Carol bago sumandal sa upuan.

Maya-maya ay nakarating na kami sa school at nang makapasok kami ay sobrang daming tao na. Napatingin ako sa paligid, mukhang pinaghandaan nga nila ang party na ito. Naghanap kami ng table at nang makahanap ay umupo kaagad kami. 

Hindi pa nagsisimula ang party so siguro maaga kami. Nakaupo lamang kaming apat nang lumapit ang President sa table namin. Tumango lang sya sa amin at agad ding nilipat ang tingin kay Carol. Hinagod niya ng tingin ang katawan ni Carol at ngumisi. Nagkatinginan naman kami nila France at Jah at ngumisi din. Si Carol kay nakataas lang ang kilay na nakatingin kay Lhander.

"Ano?" pagtataray ni Carol. Tumawa lang si Lhander at hinawakan ang kamay ni Carol. Nanlaki naman ang mata ni Carol nang hinila siya nito paalis. Malakas na tumawa si Jah. 

"May mali talaga sa dalawang yun eh," tawa niya. Tumawa rin kami ni France.

Nakita naming nakatayo na ang dalawa sa stage kaya siguro ay magsisimula na ang party at tama nga ako. Binati nila ang mga player sa pagkapanalo at inanunsyo kung sino ang MVP. Hindi na kami nagulat nang malaman na si Cullen iyon. Well, hindi naman talaga nakakgulat, kahit na magaling din iyong si Jasper ay mukhang wala namang interes sa pagiging MVP at hindi rin naghihirap para makuha ang titulo, kaya si Cullen talaga ang MVP palagi.

Hindi na ako nakinig sa sinasabi ng dalawa sa harap dahil wala rin naman akong intindihan. Nag-pantig lang ang tenga ko ng sinabing pwede nang kumuha ng pagkain kaya agad akong tumayo at lumapit sa buffet table. Kumuha ako ng maraming pagkain at bumalik din sa table, pagkabalik ko ay walang tao sa table namin kaya siguro ay hindi pa sila tapos kumuha ng pagkain. Maya-maya ay dumating na rin sila at kasama na ngayon si Carol kaya nagsimula na kaming kumain. 

Pagkatapos namin kumain ay nag-usap usap muna kami at maya-maya ay inanunsyo na pwede nang magsayaw. Agad tumayo ang mga lalaki at lumapit sa mga nais nilang isayaw na babae at pumwesto sa gitna. Padabog na tumayo si Carol kaya sinundan namin siya ng tingin at nakitang papalapit siya kay Lhander. May sinasabi siya dito at may inis ang mukha niya pero nang may sinabi si Lhander ay natahimik siya at tumayo nalang katabi ni Lhander. 

"Taray ni ate girl, may bakod," sabi ni Jah. Nag-ngisihan kaming tatlo nang may biglang lumapit kay France na isang lalaki. Hindi ko iyon kilala pero mukhang naparito siya para yayain na sumayaw si France. May lumapit din kay Jah at naglahad ng kamay, tinanggap niya iyon ng walang pag-aalinlangan kaya napatawa ako. Nakita kong may nakatayo din na lalaki sa gilid ko kaya napatingin ako sa kaniya. 

"Hi Feb, Can we dance?" tanong niya. Mukhang mapaglaro ang isang to dahil halata sa pagmumukha at ayos niya. Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag kaya nag-excuse ako sa lalaki bago tumayo at sinagot ang tawag. 

"Hello?" 

Walang sumagot kaya tinignan ko kung sino ang tumawag at nakitang si Spade iyon. 

"Spade? Napatawag ka?" 

"Nasa party ka pa?" 

"Huh? Oo bakit?" 

"I.. I'm outside" 

"Ano?! Sa school?!" 

"Uh yeah" 

Agad kong binaba ang tawag at lumabas nang hindi nagpapaalam para puntahan si Spade. Nakita ko nga sya na nakaupo sa hood ng isang kotse. Naglakad ako palapit at tumayo naman siya ng tuwid at pinasadahan ang katawan ko bago kumunot ang noo. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Tumikhim muna sya bago sumagot. 

"Uh, wala lang, " natahimik kami pagkatapos niyang sabihin iyon. Wala rin naman akong masabi sa kanya "Do you want to go somewhere?" tanong niya. 

Nagisip muna ako bago sumagot sa kanya. Wala naman siguro akong gagawin sa party at mabobored lang ako kung mananatili ako doon. 

"Sige, " pagpayag ko at ngumiti naman sya bago buksan ang kotse kaya pumasok ako doon at sinuot ang seatbelt. Nagsimula na siyang mag-drive sa kung saan at habang nagda-drive naman siya ay nagchat ako kay Jah na kasama ko si Spade at tumingin na sa daan pagkatapos hanggang sa makarating kami sa isang parang bridge. Bumaba sya kaya bumaba din ako at umupo sa hood ng kotse niya. Nakatingin lang kami sa dagat at buwan na nasa harapan namin. 

"So how's the party?" biglang tanong niya kaya naptingin ako sa kaniya pero nanatili siyang nakatingin sa buwan kaya binalik ko ulit ang tingin ko doon bago sumagot. 

"Hmm ayos lang naman, masaya, " nakangiti kong sagot. 

Tumahimik din kami pagkatapos pero hindi awkward ang katahimikan. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang pang-gabing hangin. 

"Kamusta?" tanong ko habang nananatili paring nakapikit. 

"I'm fine..You?" tanong niya pabalik. Rumawa ako bago tumango. 

"Okay lang din, " napabuntong hininga ako. 

"Are.. Are you busy tomorrow?" tanong niya kaya napadilat ako at napatingin sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay nang makitang kanina pa pala siya nakatingin sa akin. 

"Hindi naman, bakit?" kibit balikat ko.

"I was going to ask you out," ngiti niya at napatigil naman ako. 

"D-Date?" tanong ko. 

"You can call it a date if you want," ngumisi sya kaya tumikhim ako. 

"S-sige," pagpayag ko at ngumiti naman sya kaya ngumiti rin ako sa kanya bago tumingin ulit sa buwan. Napangisi ako sa naisip 'Date, then'.

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now