Chapter 16

13 8 0
                                    

"T-teka lang, ano..." wala akong masabi kundi iyon. "p-pano kung a-ayaw ko?" hindi naman talaga sa ayaw ko, wala lang talaga akong maisip na sabihin!

"I don't care, I will still court you," natikom ko ang bibig ko.

"O-Okay.." tanging sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya.

"What? I can't hear you," ngumisi siya, tumikhim ako.

"Sige.." mahina ko paring sabi.

"I still can't hear you," nandoon pa rin ang ngisi sa labi niya. Kung sampalin ko kaya siya nang matauhan naman ito at marinig na ang sinabi ko.

"Oo na, pumapayag na ako na manligaw ka," yumuko ako at pinaglaruan ang kamay ko. Tumawa naman siya kaya ngumuso ako.

"Okay, do you want to go home already? I mean I don't mind if we stay like this forever but It's getting dark," sabi niya ngayon ko lang naalala ang posisyon namin kaya agad ko siyang tinulak ng malakas palayo sa akin.

"Tara na," sabi ko at pumasok sa sasakyan ng hindi tumitingin sa kanya. Narinig ko pa ang tawa niya bago ako pumasok.

Sa byahe namin papunta sa bahay ay tahimik na naman kami. Pero hindi katulad kanina ay ako ang hindi nagsasalita. Minsan ay naririnig ko ang pagtawa ni Spade pero hindi ko siya pinapansin. Nang makarating na kami sa gate ay nag-mamadali kong tinanggal ang seatbelt.

"Uh, thank you, pasok na ako," pag-papaalam ko nang hindi siya tinitignan at dali-daling bumaba ng sasakyan. Pakiramdam ko ay hindi na naman ako makaktulog mamaya.

Hindi nga ako masyadong nakatulog kaya kinabukasan ay late na naman ako, buti nalang at mabait ang prof namin sa araw na iyon. Alam kong nagtataka na naman ang tatlo kong kaibigan dahil nakatulog na naman ako sa klase at gutom na gutom pa ako pagsapit ng lunch. Hindi na ako magtataka kung magtanong sila kung bakit.

"Ang weird mo talaga, Feb, kahapon ka pa," si Carol. Nagtanong nga

"Diba kasama mo bebe mo kahapon?" si Jah. Kumunot ang noo ko.

"Bebe?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Spade," nanlaki naman ang mata ko.

"H-Hindi kaya," kinagat ko ang aking labi. Umirap lang si Jah at nagpatuloy sa pag-kain. Pero nagulat kami ng biglang nabuga ni Carol ang tubig na iniinom niya habang nabilaukan si France. Napatingin din ako sa direksyon na kanilang tinitignan at nalaglag ang pangako ng makitang si Spade iyon. May dala siyang bouquet sa kanang kamay at sa kaliwa naman ay may paperbag doon. Pinagtitinginan siya ng halos lahat at nagbulung bulungan ang mga ito.

"Spade Silva? What's he doing here?" rinig kong sabi ng katabi naming table habang nagtatakang nakatingin kay Spade.

Nahigit ko ang hininga ko ng nakitang naglakad palapit sa table namin si Spade, lalo na ng makalapit na siya.

"Pwede umusog ka?" nakangiting sabi niya kay Jah. Dali-dali namang tumayo si Jah at lumipat ng upuan. Nang makaupo ay binigay niya ang bulaklak sa akin "For you," nakangiti pa rin siya. Napasinghap naman ang ilan na nakarinig sa kanyang sinabi.

"OMG, so its true? Hiwalay na sila?" napatingin ako sa katabi namin nang bumulong na naman siya, pero mukhang hindi bulong dahil rinig ko naman, nanglaki ang mata niya at umiwas ng tingin sa akin nang makitang napatingin ako sa kanya. Tumikhim ako at binalik ang tingin kay Spade.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"I told you I'm gonna court you," sabi niya at nilpag ang paperbag sa lamesa.

"Sana all," bulong ni Jah, hindi ko siya pinansin.

"Ano yan?" tanong ko kay Spade nang makita ang ginawa niya kanina.

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now