Chapter 7

37 23 3
                                    

Pagkarating ko sa school ay masyado pang maaga at wala pa gaanong mga estudyante kaya nagpasya akong maglakad lakad nalang muna. Habang naglalakad ako ay may nakita akong garden, ngayon ko lang ito nakita dahil nasa likod ito ng building namin at hindi rin naman ako mahilig maglibot dito, ngayon ang una.

Nagpasya akong umupo sa isang bench doon at tuming tingin sa paligid. Mukhang luma na ito at parang hindi nalilinisan pero halata parin ang pagiging maganda nito.

Napaisip ako sa nangyari last saturday, mukhang nagalit talaga si daddy. Tinotoo niya nga na kukunin niya ang credit card ko pero hindi naman iyon gaanong naging kawalan sa akin dahil binigyan ako ni mommy ng allowance at hindi rin ako magastos. Hanggang ngayon ay hindi niya ako pinapansin, kahit tignan ay hindi niya magawa.

I sighed. Inaamin kong naging pabaya ako. Alam ko naman kung bakit nagkakaganon si daddy. Siguro ay tungkol na naman ito sa nangyari dati.

Naisip ko rin sila France, wala akong balita sa kanila dahil hindi ako nagkaroon ng oras na tignan ang mga messages ko.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko iyon pinansin. Nakatulala lang ako at malalim ang iniisip nang tumikhim siya.

"What's your name?" tanong niya. Tinignan ko siya at mukhang pamilyar ang mukha niya pero hindi ko gaanong maaninag dahil kalahati lang ng mukha niya ang nakikita ko.

Napakunot ang noo ko, hindi ko sigurado kung ako ang tinatanong niya dahil nakatingin siya sa harapan. Tinignan ko rin kung saan sya nakatingin at nakitang wala namang tao doon. Imposible din na may kausap siya sa telepono dahil wala akong nakikitang may hawak siya.

'May nakikita ba siyang hindi ko nakikita?' napausog ako papalayo sa kaniya dahil sa naisip. Akala ko ay hindi totoo ang nga taong may third eye pero mukhang totoo iyon at itong katabi ko ay isa doon.

"I'm talking to you," napatingin ulit ako sa kung saan siya nakaharap pero wala talaga akong nakikita doon. Naisipan kong umalis nalang dahil kinikilabutan ako.

Tumayo ako at aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko. Nanlamig ako at napasigaw habang nakapikit. 

"Bitawan mo ako please! Alam kong may nakikita kang hindi ko nakikita pero hindi ako interesado! Parang awa mo na!" sigaw ko habang nagpupumiglas. Bigla siyang tumawa kaya mas lalo akong natakot. Paano kung sinaniban na siya ng masamang espiritu?! Ano nang mangyayari sa akin?!

Napatigil ako sa pag isip ng magsalita siya "Wala akong third eye.. HAHAHA!" tawa niya."I was talking to you earlier," dagdag niya. 

Napadilat ako ng mata at napakunot ang noo ng makita ang mukha ng lalaki "Spade?" tumango naman siya at binitawan ako. "Ah, pasensya na sa nangyari kanina, sige mauuna na ako," nagmamadali kong pagpapaalam. 

Nanglaki ang mata ko ng pigilan niya ulit ako. Hindi niya ba alam na gustong gusto ko ng umalis dahil nahihiya ako sa pinagsasabi ko kanina?!

Nakangiti ang mga labi niya nang humarap ako ulit kaya napangiti din ako hilaw "Bakit?" 

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko, I was asking what your name is," nakangiting sabi niya. 

"February Ariyal Pace," pagpapakilala ko sa buong pangalan ko at nagsimula nang maglakad paalis. Humabol naman siya at sumabay sa paglalakad ko. "Dito ka rin ba nag aaral?" 

"No.. Tapos na ako mag-aral.. I am handling our company now," sagot niya.

"Kung ganon anong ginagawa mo dito?" 

"I'm here for you," nakangiting sabi niya at napakunot ang noo ko. Okay? Alam niya kung saan ako nag-aaral pero hindi niya alam kung anong pangalan ko? "Well, I saw that you are friends with Carol so I thought that you are probably going to the same school.. And I was right," hindi parin nawawala ang ngiti niya. Tumango lang ako at binilisan ang lakad ko pero mas mabilis yata siya. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now