Chapter 20

7 4 0
                                    

Habang ang karamihan sa mga tao ay sumigaw, naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan. Agad din namang bumalik ang ilaw, pero pagtingin ko sa kinatatayuan nila Spade kanina ay wala na sila. Halos mapasigaw ako nang may humawak sa braso ko. 

"Feb! Are you okay?" si mommy. Niyakap niya ako. Pumikit ako at niyakap siya pabalik, nagulat ako doon, akala ko kung sino. Kumalas siya sa yakap at tinignan ako 

"Y-Yeah," humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili, hinawakan ko ang dibdib ko kung nasaan ang aking puso, sobrang bilis ng tibok nito. 

"Let's go home," pagsingit ni Daddy. Tumango naman si mommy at hinila na ako paalis doon ng hindi nagpapaalam. 

Habang nasa byahe ay tulala ako at nakatingin lamang sa bintana. Bumuntong hininga ako bago tumingin sa harapan. Nakita ko sa rear view mirror na nakatingin si mommy sa akin. Ngumiti ako sa kanya para hindi siya mag-alala. 

"I told you, sana hindi tayo pumunta roon," panimula ni Daddy pagkapasok palang namin sa bahay. 

"I'm sorry, okay? Anong tingin mo sa akin? Alam ang future?" sagot ni mommy. 

"Pinipilosopo mo ba ako, Angel?" sumingkit ang mata ni daddy. Ngumuso si mommy. 

"No! Ibig kong sabihin, hindi natin alam na mangyayari iyon, kaya walang may kasalanan," hinilot ni Daddy ang sintido. 

"Mom, Dad, aakyat na ako sa kwarto," pagpapaalam ko. Hindi ko na hinintay na sumagot sila at dumiretso na sa kwarto ko. 

Humiga ako sa kama at napatingin sa taas, pumasok na naman si Heart sa isipan ko. Siguradong sigurado ako na isa siya sa nagligtas sa akin dati. Hindi ako pwedeng magkamali, alam ko ang nakikita ko, kaya alam ko ang totoo sa hindi. Nanginig ang labi ko habang iniisip ang dating nangyari. Tinakpan ko ang aking mukha. 

"I'm fine. I'm fine. It's all in the past Feb, you should forget about it, focus on the present," pagkausap ko sa sarili. 

Tama. Ang nakaraan ay nakaraan. Dapat na iyong ibaon sa limot. At hindi pwedeng balikan. Bumuntong hinimga ako bago pinikit ang mata. 

"Are you okay? You're spacing out," si France. Tumingin ako sa kaniya, makikita mo ang pagaalala sa mukha niya. Nilagay niya ang palad sa noo at leeg ko. "Are you sick? Why don't you go and see the doctor, Feb?" kasama ko si France ngayon. 

"Okay lang ako, France," that's a lie. Alam ko sa sarili ko na hindi ako okay. Pero hindi ko pwedeng sabihin iyon, hindi nila ako obligasyon. At may kanya kanya tayong problema sa buhay, hindi ako pwedeng makidagdag sa mga problema ni France.

"Ikaw? Okay ka lang? Pwede mong sabihin ang problema mo sa akin," nakangiting sabi ko sa kanya. Alam kong hindi rin siya okay, halata ang pagod sa mata niya kahit hindi niya sabihin. Kung tutuusin ay maliit na bagay lamang itong pinoproblema ko. She chuckled. 

"Sobrang hirap pero I'm trying naman, mauna na ako ah? I'll go sa hospital pa," akmang aalis na siya ng tumigil siya, may nakalimutan ba siyang sabihin? "I know you have problems, Feb, and I want you to know that we are always here for you, siguro hindi mo pa magagawang ishare sa amin 'yan ngayon, but I hope you will, soon, kasi sabi ko nga, we're always here for you, me, Carol and Jah," ngumiti siya. 

Nakatingin lamang ako sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napangiti din ako, nagpasya akong tawagan siya. 

"Hello? You forgot something ba, Feb?" ngumiti ako. 

"Thank you, for understanding, tama ka, siguro wala pa akong lakas ng loob na sabihin ito sa inyo ngayon, kaya salamat, France," narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. Suminghap siya. 

"You're making me cry," tumawa siya ulit, natawa din ako, "basta, I know you're strong, you can do it, the problem you are facing right now, kaya mo yan, I believe in you." 

"Thank you," huling sabi ko bago pinatay ang linya. Naglakad na ako sa parking lot, naabutan ko doon ang sasakyan namin, agad na akong pumasok at sumandal sa backrest. I'm tired and I want to sleep, pero natatakot ako, kaya nilabanan ko ang antok hanggang sa makarating sa bahay. 

Agad akong pumasok sa kwarto ko at napahiga sa kama ko. Kagabi pa ako walang tulog dahil sa takot. Pinalis ko ang naramdamang iyon at sinubukan na ipikit ang mata. Dahil na rin siguro sa pagod, ay nagawa kong makatulog, pero hindi ko alam kung mahimbing. 

I woke up in a dark room, alone, nilibot ko ang paningin, the room looked familiar. Tsaka lang pumasok sa isip ko kung nasaan iyon nang makita ang picture frame sa tabi ng kama. It's my room. Akmang tatayo ako nang biglang bumukas ang pintuan. Si Eba ba? 

Nanlaki ang mata ko sa takot nang makita kung sino iyon. Hindi iyon si Eba. At hindi ko rin alam kung sino, dahil wala siyang mukha. He started walking towards me and that made me step back, until I felt the wall behind me. Nang makalapit siya sa akin, ay unti unting lumitaw ang mukha niya, bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumisi siya.

"Paalam," sabi niya bago ako nakarinig ng putok ng baril. 

Napabalikwas ako ng bangon. Nasa kwarto ako at mag-isa. Tinakpan ko ang buong mukha ko gamit ang palad at hindi ko na napigilan ang pag-iyak tuwing naalala ang panaginip ko. Hindi ko maintindihan. Bakit siya? Napahagulhol ako, hindi pa rin makapaniwala sa panaginip. 

Ito ang problema ko, my nightmares are back. At ang mukhang nakita ko kanina ay ang mukha ni Spade. 

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now