Chapter 3

43 29 3
                                    


Nang mag 16th birthday ako ay dinaos iyon sa isang hotel. Nirentahan nila ang buong hotel at nagimbita ng mga kakilala. Kasama ko lang si mommy at daddy ng mahagip ng mata ko ang tatlong dalaga. 

"Daddy! Mommy! Pupunta lang ako doon!" paalam ko kay Daddy. 

Tinignan muna nila mommy at daddy ang tinuro ko bago tumango si mommy "Sure anak! Huwag kang tumakbo baka madapa ka, mataas pa naman ang heels mo." Ngumiti at humalik ako sa pisngi nila bago naglakad papunta kina France. 

"France! Carol! Jah!" tawag ko sa kanila at sabay silang tumingin sa akin. Nakasuot si Carol ng isang dark orange na dress, si France naman ay isang blue na dress at si Jah ay isang yellow na dress. Sobrang ganda nilang tatlo sa mga ayos nila ngayon. 

Ngumiti silang tatlo sa akin bago ako niyakap "Happy Birthday!" magkasabay na bati nilang tatlo sa akin. 

"Ang pretty ng gown mo, Feb, you look like a princess," puri ni France sa akin.

"Gown lang? Di kasali yung mukha?" biro ni Jah. 

Tumawa lang ako "Of course pretty rin siya!" sagot ni France. Ngumiti at nagpasalamat lang ako kay France. 

"May gift ako sayo, Feb. Buksan mo na!" may binigay na isang box si Carol sa akin kaya tinanggap ko iyon at agad binuksan. Nakita kong isa iyong bracelet na may nakasulat na Cartier. 

"Thank you, Carol!" ngiti ko sa kanya at agad sinuot iyon. Tinignan agad iyon ni Jah at France. 

"Wow Cartier! By the way yung gift namin ni Jah nasa table," sabi ni France. 

"Taray ng gift mo sis! Pano kami?!" nagtatampo kunong sabi ni Jah. 

"Hindi mo naman birthday!" sagot ni Carol sa kanya. Nagtawanan lang kami at naalala ko kung paano kami nagkakilala. 

Sila France at Carol ay sikat sa school dahil nagmula sila sa isang mayamang angkan pati na rin dahil sa angkin nilang ganda at talino. Hindi talaga ako lumalapit sa kanila kasi mukhang maaarte at ayoko sa mga maarte. Pero isang araw ay napilitan akong lumapit sa kanila dahil nakita kong sinisigawan ni France ang isang estudyante sa school. Si Carol ay nanonood lang gaya ng iba pa naming mga schoolmates. 

"Stupid kaba?! Tinapakan mo yung shoes ko!" maarteng sigaw ni France doon sa babae. 

"Ano naman?! Gusto mo tapakan ko rin yang mukha mo tutal mukha naman yang sapatos?!" sigaw nung babae at nagsinghapan naman ang nga nanood habang ang mata ni France ay nanlaki. 

"You! How dare you!" sigaw ni France at tinulak yung babae. Napaupo yung babae at umiyak kaya agad akong lumapit sa kanila at tinulak din si France bago dinaluhan yung babae. 

Nakita kong nadapa si France, "France!" napasigaw si Carol nang makita ang ginawa ko. Agad ding lumapit si Carol at hinarap ako sa kaniya. "Hey! Why did you do that?!" 

"Siya yung tanungin mo! Bakit siya nanunulak! Feeling reyna yang kaibigan mo!" nakita ko namang nainis si Carol dahil sa sinabi ko kaya kumuha siya ng juice at tinapon sa akin. 

"Hindi ako pinalaki ng magulang ko para tapunan mo ng juice!" sigaw ko bago hablutin ang buhok niyang mahaba kasi iyon lang ang naisipan kong gawin. Napasigaw ang mga taong nakapaligid sa amin ng makita iyon. 

"Ouch!" sigaw ni Carol pero gumanti din. 

Nasa ganoon kaming posisyon nang makarinig kami ng isang malakas na sigaw. Si France at iyong babae na nakaupo sa sahig habang umiiyak at kaming dalawa ni Carol na nakahawak ng mahigpit sa buhok ng isa't isa. 

"THE FOUR OF YOU! TO THE OFFICE! NOW!" sigaw ng isang teacher sa amin. 

Napatigil ang lahat pati kaming dalawa ni Carol nang marinig iyon at agad kong nilapitan iyong babae para tulungang makatayo. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa dalawa basta ay sumunod na kami sa teacher na naglalakad patungo sa office.

Nang makapasok ay pinagtabi kaming apat at nakita kong parang leon na si Carol sa sobrang gulo ng buhok niya. Humihikbi lang si France at Jah. 

"What happened?" tanong ng Guidance Counselor sa amin. 

Nagkatinginan lang kaming apat at mukhang walang planong sumagot sa amin ni Carol at iyong babae maliban kay France "Im sorry. Its because she stepped on my shoes so I pushed her and then that girl, " turo niya sa akin "she pushed me too and Carol and her started to grab each others hair na." 

Gulat akong nakatingin sa kaniya kasi hindi ko inakala na magsasabi sya ng totoo. Mukhang pati rin ang dalawa ko pang kasama ay nagulat din. 

"Is this true?" nagtanguan naman kami bilang pag sang-ayon sa sinabi ni France. Tumango tango ang Counselor "Okay, suspended kayo for 2 days. Iyon lang since umamin naman kayo at hindi kayo nagkagulo dito. I hope magkaayos na kayo. You can go now." 

Tumango lang kami at tumayo na, pagkalabas namin ay biglang nagsalita si France "Im sorry I can't lie sa Counselor..." humarap siya sa babae "I-Im sorry sa ginawa ko sayo kanina, uhm nadala lang ng emotions, " ngumiti siya sa babae at siniko si Carol "Hey, magsorry ka din sa kanya.." nguso niya sa akin. 

"No! Ako dapat ang magsorry kasi ako yung nauna.." nakatungong sabi ko sa kanilang dalawa.

"S-sorry din.. " magkasabay na sabi ni Carol at nung babae kaya nagkatinginan sila at sabay na natawa. Natawa na din kami ni France. 

"What are your names?" tanong ni France sa amin. 

"Jariyah Miguel.... uh pwede nyo akong tawaging Jah nalang kasi baka mahaba para sa inyo yung Jariyah, " nakangiting pagpapakilala ni Jah. 

"February Pace... Feb nalang, " sabi ko sa kanilang tatlo. 

Ngumiti naman si Carol at France at akmang magpapakilala din nang magsalita si Jah. 

"Kilala na namin kayo.. France at Carol," tumawa nalang kaming tatlo. "So uh friends na ba tayo?" sabi ni Jah at nanglaki naman ang mata ko at tatanggi sana dahil nakakahiya iyon. 

Pero mukhang iba yata ang nasa isip ni Carol at France dahil mabilis na tumango silang dalawa "Yes!" sigaw ni France at nagtawanan na naman kami. 

Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan ng pitikin ni Jah ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko. "Huy! Tulala ka jan!" natatawang sabi niya kaya napatawa na rin kami. Tumingin ako sa kanilang tatlo. Magkatabi na kaming nakaupo sa isa sa mga lamesa na hinanda ng hotel para kumain. 

"Naalala ko lang kung paano tayo naging magkaibigan, " pag amin ko sa kanila at natawa silang tatlo. 

"Naaalala ko kung paano nagsabunutan si Carol at Feb noon, natouch nga ako dahil pinagtanggol ako ni Feb, " tawa ni Jah. 

"Me too! I never imagined Carol to do that! I mean I knew her as someone who wouldn't involve her self into petty cat fights like that but she did! For me aww.. " kunwaring naluluhang sabi ni France. 

"Hindi kaya, naoffend kaya ako dahil sinagawan ako ni Feb... Wala kayang sumisigaw satin sa school, " pagtatanggi ni Carol at natatawa pa siya.

"Feeling reyna daw si France eh, " tumawa si Jah at Carol ng malakas. At namula naman ang pisngi ni France. 

"Feeling reyna naman talaga ang tingin ko sa kanilang dalawa noon. Palibhasa sumusunod yung ibang estudyante sa kanilang dalawa ng walang pagdalawang isip," natatawa kong paliwanag. 

Nagtawanan lang kami at hindi ko mapigilang isipin na sana ay ganito lang kami palagi. Masaya. Pero mukhang tama ang sinasabi ng karamihan na Calm Before the Storm

Past and Future (LS Series #1) Where stories live. Discover now