Kahit kikay ako at maarte, ipinagpilitan ko talaga na sumali sa "Judging." Isang laro kung saan dadalhin ako sa isang killing arena, bibigyan ng sandata at uutusang patayin sa loob ng isang linggo ang kriminal na sumira ng buhay ko. May kumokontra nga lang sa goal ko. Si Romeo, ang kapitbahay kong pogi pero medyo pandak. Isa siyang Black Inviter--kasapi siya ng grupo na nag-oorganisa ng Judging. Ipinagpilitan niya na mapapahamak lang daw ako sa laro dahil nga... kikay ako at maarte. Nakipagmatigasan ako. At hindi naman ako nilubayan ni Romeo. Tinulungan niya ako. At sa gitna na pakikipaglaban sa mga chakang kriminal, nahulog ang loob ko sa kanya. Kaso kung kailan may namamagitan na sa 'ming dalawa, doon nabunyag sa lahat ang pagtulong sa 'kin ni Romeo. At dahil bawal pala na tulungan ng isang Black Inviter ang isang manlalaro, naghihintay kay Romeo ang isang malupit na parusa na posibleng sumira sa 'ming dalawa.
31 parts