Pasilip ng Junjun sa Killing Arena

166 4 0
                                    


Agad na nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang init ng hininga ni Romeo. And I knew na hindi ako nakalaban. Na ako ang natalo. Dumaan kasi sa isip ko na hinahalikan niya ako...

Peste.

Peste talaga.

Dumistansiya si Romeo sa 'kin. Ngumiti siya, nasundan ng paniningkit ng magagandang mata niya. It seemed that he knew that the tables had turned and he was now winning.

"I think you're right," he said. "I think I need to take care of this."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kinindatan niya ako. Kiliti agad ang dulot sa 'kin niyon.

May pakindat-kindat pa siya. What was he implying? Na iisipin niya ako habang...

Okay, seriously, wala naman siyang in-imply na gano'n.

Pero bakit.... bakit parang gusto ko na nag-imply siya ng gano'n?

Ngayon lang ako nakaisip ng mga ganitong thoughts ha! Kaloka! Epekto ba ito ng laro?

"Hintayin mo ko," sabi ni Romeo. "I swear, hihinaan ko ang ungol ko."

Buwisit ang kolokoy, nagawang baliktarin ang sitwasyon. Eh, di ako ngayon ang tameme. Hindi na lang ako kumibo, habang ngisi-ngisi siyang patungo sa banyo.

Asar to, palibhasa pogi.

Madulas sana.

Pero ako din naman kasi...

Pumasok na si Romeo sa banyo. Ako naman ay naiwan doon, natulala. Kung saan-saan lumipad ang isip. Na-imagine ko si Romeo, nakatayo sa loob ng isa sa mga cubicle ng banyo. His legs were apart. Nakapikit siya, pleasure was written on his face. His left hand on the tiled wall and his right hand was...

Nag-init ang buong mukha ko. Pero kaloka, hindi ko rin mapigilang mapabungisngis.

Bungisngis na natigil bigla bigla nang makita ko na sa dulo ng hallway, may isang dalawang imahe. Agad na nawala ang makamundong iniisip ko at agad na napalitan iyon ng takot.

Hindi ko pa gaanong kita ang dalawa dahil malayo pa. Ang isa ay naglalakad, ang isa ay nakaupo sa parang wheelchair. Itinutulak no'ng isa pa. Palapit sila nang palapit.

Hindi ko alam ang sasabihin. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Palapit na nang palapit pang lalo ang dalawa.

At nang makita ko na ang histura ng dalawa, hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw.

PAULIT-ULIT na matitinis at puno ng takot na sigaw ang lumabas mula sa bibig ko.

Ang lalaking nagtutulak ng wheelchair ay mukhang normal. Tipikal lang ng lalaki, iyong walang remarkable na features. Pero ang lalaking nakaupo sa tulak-tulak niyang wheelchair ang kakaiba. Lapnos na lapnos na ang mukha niyon. Parang butas na lang ang ilong niyon, wala ng bridge. Wala na iyong kilay o kahit anong facial hair. Ang mata ay malalaki at parang sunog na ang talukap kaya hirap kumurap. His lips was formless, giving him a look as if he was never ever going to stop from grinning. May suot iyong pulang bandanna sa ulo, siguro para ikubli lapnos na anit.

Nagtitili tuloy ako uli.

"Fernie! Fernie!" sigaw ni Romeo, lumabas mula sa CR. Halatang nataranta si Romeo nang marinig ang sigaw ko kaya agad-agad siyang lumabas. T-shirt at itim na briefs na lang ang suot niya. For a moment, nablanko ang isip ko at napatingin sa... well, doon sa briefs.

The pinkish head of his manhood was sticking out on the waistband.

Napatili uli ako. This time, hindi ko na alam kung ano ang eksaktong dahilan.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now