Meeting Place

812 9 1
                                    

SI FERNIE

"WALA bang match sa outfit ko?" sabi ko, nakataas pa ang on fleek na kilay. Cause kilay is life even though you're planning to kill someone, ate, kuya. Kilay is essential.

Anyway, tumaas lang din ang kilay ng kalbong bruskong lalaking nag-aabot sa 'kin ng pulang scarf. Parang wala siyang balak sagutin ang tanong kong essential.

"Kadiri kasi 'yong design," komento ko pa. "Dapat plain na lang na red scarf, hindi tribal print--"

"Shut up and take it," sabi ng lalaki. Maraming hikaw si Kalbo sa tainga. Putok na putok ang biceps, duda ko nag-steroids. Malaki ang katawan pero siguro maliit ang birdie.

"Okay," sabi ko, kinuha ang scarf. I hate it. It really does not match my outfit.

Well, noong napadalhan ako ng invitation ng vigilante group na Black Inviters, nagpadala din sila ng instruction kung ano ang kailangang isuot sa "Judging." Magsuot daw ako ng itim na t-shirt at pulang bandanna sa ulo.

Seriously, itim na T-shirt? Nasira ang dreams ko na makapagsuot ng cropped top!

Pero syempre, dapat stylish pa rin ang tshirt ko. May mukha ni Tyra Banks sa harap. Puno ng beads ang mata ni Tyra sa tshirt ko. Kumikinang mata niya, parang si Cyclops na bumigay at naging bakla. Nagsuot din ako ng skinny jeans siyempre. Para makita ang shape ng legs at butt ko. At since hindi naman pinagbawal, nagsuot ako ng bloody red high-heeled shoes. Nagbaon na lang ako ng tsinelas sa pink kong backpack. Kasi, duh, high heels is life, too kaya.

"You're Fernanda Aguirre, right?" tanong ni Kalbong Gym Buff habang binubuklat ang hawak niyang folder. Tumitig siya doon ng ilang segundo bago tumitig sa 'kin. Tumaas na naman ang kilay niya. "Sigurado ka ba na sasali ka at gusto mong maging Judge?"

Well, siguro, nakita niya na ibang-iba ako sa mga kasama kong nabigyan ng imbitasyon. For one thing, ang babaduy ng mga kasama ko. Para silang mga Katekista lahat. Mga nakasalamin, maluluwag ang tshirt at pantalon, nakasandals. Alive, alive, alive, forevermore!

Akala ko nga noong una mali napuntahan ko, baka prayer rally pala ang gaganapin doon. Pero dahil sa mga suot nilang pulang bandana sa ulo, narealize ko na tulad ko, napadalhan din sila ng imbitasyon para sa Judgement Day.

"I am sure," sabi ko, ngumiti.

"Alam mo ba kung ano ang pinasok mo?"

Duh. Of course. Hindi ako mapapadalhan ng invitation kung hindi ako nagregister sa web site ng Black Inviters. Ang Black Inviters, base sa nabasa ko sa web page na description ng asosasyon nila, ay grupo ng mga vigilante na humuhuli at pumapatay ng mga kriminal na hindi naparusahan dahil siguro mayaman iyon o may kakilalang pulis. Medyo boba talaga ako so niresearch ko pa ang meaning ng vigilante.

Afraid ang definition! Para pala silang mga rebelde or something... nilalagay nila sa kamay nila ang batas, ganon! Ay katakot, i-Google mo na lang din!

Anyway, napasimulan ng Black Inviters ang Judging. Dito, iniimbitahan nila ang mga hindi pa pormal na kasapi ng grupo nila na maging "Judge" o ilagay sa kamay ang batas at patayin ang taong tumarantado sa kanila.

Wala pa rin masyadong nakakaalam na mayroong Black Inviters. Kailangan mo pa kasing I-access and deep web para makapunta sa site nila. Kaya lang ako nagtiyaga, kasi determinado akong makamit ang hustisya.

"Alam mo naman na papatay ka, 'di ba?" tanong ni pa ni Kalbo sa 'kin.

"Duh? Oo, alam ko. Kung makapagsalita ka naman, parang hindi ko kaya. Nakapatay na 'ko ng ipis. Di man lang ako pumikit." Tinuro ko ang mga mata kong nakaheavy make up. Syempre, evening make up, kaya dapat, pak!

Napailing si Kalbo. "You're going to get killed by the criminals," he said. "Are you really sure you wanna push through?"

Nakakahalata na ko kay Kalbo e. Gusto na yata akong pauwiin.

Oo. Alam ko naman na delikado, eh. Noong mag-register ako sa web page ng Black Inviters, nag-fill up kami ng name, address, contact number. Taray nga, parang kukuha ako ng TIN number! May twist nga lang. I also had to state why I wanted to join the group.

Lahat ng sumasali sa Black Inviters, biktima ng injustice. Eh sa panahon ba naman ngayon, na may lider ang bansa na susugpo daw ng kriminalidad, pero napalala lang iyon lalo, marami ng naging biktima ng kawalan ng hustisya. Ako din. May isang kriminal na bumago ng buhay ko at tinakbuhan lang ako kaya never kong akamit ang hustisya.

Inilagay ko sa account ko sa web page ang pangalan ng taong gusto kong gantihan. Nag-upload pa ako ng litrato niya.

Pinag-aralan siguro ng Black Inviters ang kaso ko at pagkatapos niyon, pinadalhan nga ako ng invitation para sa Judging. Ang ibig sabihin, nagawa nila ang bagay na hindi nagawa ng mga kapulisan: i-trace ang babaeng sumira sa buhay ko.

At dumating ang araw na mababago ang lahat, ang araw ng Judging. Ang araw na ilalagay ko sa kamay ko ang batas at tutugisin ko ang babaeng iyon.

"Tara na," yaya sa 'kin ni Kalbo mayamaya. "Pupunta na tayo sa headquarters."

Lahat ng mga magpa-participate sa Judgment Day ay isinakay sa isang mahabang jeep. May itim na kurtina sa jeep na iyon, para siguro hindi kami makita ng mga nasa labas. May maliit na bumbilya na tanglaw sa jeep. Siksikan kami doon pero nilalamig ako.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Iba-iba ang edad ng mga naroon. At totoo na ibang-iba ako sa kanila. Pero siyempre, isa lang naman ang hanap naming lahat eh. Katarungan.

Wow. Big word.

Sumakay si Kalbo sa upuan sa tabi ng driver.

"Pupunta tayo sa headquarters," sabi niya, nakatingin sa rearview mirror. "Nag-abot ako sa inyo ng scarf kanina. Gamitin n'yo 'yan para piringan ang sarili n'yo.'

Nagtagpo ang mga mata namin ni Kalbo sa rearview mirror. Nakita ko sa mga mata niya na nagdududa pa din siya na kakayanin ko ang kalakaran ng vigilante group. Pero bukod sa pagdududa, napansin ko din na parang patay na ang mga mata niya. Iyong tipong wala ng makikitang ekspresyon doon bukod sa galit. Like those eyes never saw beautiful things: a sunset, an old married couple, crispy fried chicken.

"Magpiring na kayo!" sigaw ni Kalbo nang mapansing tulala kami lahat sa kanya.

Sumunod na nga kami. Piniringan namin ang sarili gamit ang scarf na ibinigay sa'min.

Bakit kapag nakapiring ka na, kapag wala ka nang nakikita, parang mas mapanganib ang mundo? Parang mas vulnerable ka?

Nagsimula akong lalong lamigin. Mas naging aware ako sa tunog malakas na hampas ng hangin sa mga puno sa labas. Sa isang kapwa pasahero na nagdadasal. Pati na paghinga ng lalaki sa tabi ko, dinig ko.

Naririnig ko din ang tibok ng puso ko. Leche, kinakabahan talaga ako.

Napadaan sa lubak ang jeep. Nauntog ako.

"Aray, puta!" sabi ko. Sunod-sunod na lubak ang nadaanan ng jeep. Humawak ako sa braso ng katabi ko. "Oh my... manong driver, ingat naman!"

Isa uling lubak.

"Aaay... masakit na sa head!" reklamo ko. "Kawawa naman si Kalbo, manong, walang protection sa ulo! Ingat naman!"

"Shut up!" narinig kong sigaw ni Kalbo.

"High blood agad? Concern lang sa 'yo!"

Pero pinigil ko na lang din magsalita. Kahit gusto kong dumaldal. Gusto kong mag-inarte. Siguro defense mechanism 'yon. Siguro, deep in my heart, I knew. That I was utterly, utterly afraid.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now