Ang Poging Black Inviter (Pero Pandak!)

216 7 1
                                    


PINABUNOT kami habang nakapiring pa din. Iyon siguro ang order ng pagdala sa 'min sa Judging Area. Ilang minuto din akong naghintay bago may isang kamay na humawak sa braso ko.

"Tara na," sabi niya.

Ang lalaking may pamilyar na tinig... Inalalayan niya na naman ako na maglakad.

"Ikaw na naman," sabi ko.

"Umatras ka na habang hindi ko pa kayo nadadala ng partner mo sa Judging Area."

"You're an official member of the Black Inviters, right?" narinig kong sabi ng tinig ng isang babae. "Gosh, isn't this exciting?"

Iyon siguro ang tinig ng makakasama kong dalhin sa Judging Area. Hindi ko siya pinansin masyado. Nag-concentrate ako sa pakiramdam ng mainit na kamay ng lalaking may pamilyar na tinig.

"Sino ka ba?" sabi ko sa kanya.

Pagkasabi ko niyon, huminto kami sa paglalakad. Naririnig ko ang mahinang hugong ng makina ng isang sasakyan. Bumitaw sa 'kin ang lalaki. Pagkatapos ay tinanggal niya ang piring sa mata ko.

Matagal din bago nakapag-adjust ang mga mata ko sa liwanag. At nang masanay na ang mga mata ko, doon ko nakita ang mga magagandang mata ng isang guwapong lalaki. Titig na titig ang mga matang iyon sa'kin. At pamilyar sa 'kin ang mga matang iyon...

Kilala ko ang nagma-may ari niyon...

"Romeo," nasabi ko. Napakurap. Ilang segundong natulala.

Hindi kumibo si Romeo. Pinakatitigan lang ako.

Napakurap ako. Ilang ulit. Tapos lumobo ang magkabilang pisngi. Hindi ko mapigilang matawa.

"Black Inviter ka?" sabi ko. Hinampas pa siya sa balikat dahil hindi pa rin makahinto sa pagtawa. "Paano ka naging Black Inviter, eh, ang pandak mo?"

At tumawa uli ako nang malakas.

Dark Justice Series: PerversionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon