Si 1608 at 1408

318 7 3
                                    

HABOL ko ang hininga ko, napapalunok, hindi inaalis ang tingin sa babae. Hindi ako dapat magkamali. Feeling ko, ilayo ko lang saglit ang tingin ko sa kanya, susugod siya sa 'kin at itutusok sa leeg ko ang karayom ng syringe na dala niya. Hinawakan ko ang handle ng kutsilyo sa belt ko, ihinanda ang sarili.

"'Wag kang lalapit!" sabi ko.

Ngumiti lang ang babaeng kriminal. Ang numero niya ay 1608.

"Hindi mo ako puwedeng saksakin," sabi ng babae. Paos ang tinig niya. Brusko. "Hindi mo gugustuhing madikitan ng dugo ko."

Hindi ako nakapagsalita. Parang nahuhulaan ko na ang ibig niyang sabihin. Napaatras ako.

Humakbang siya palapit sa 'kin, ngiting-ngiti. Lalong hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Naririnig ko ang tunog ng pakikipagbuno ni Romeo at Norman sa iba pang kriminal. Gusto ko silang lingunin, lalo na si Romeo, dahil nag-aalala ako. Pero alam ko na mapapahamak ako kapag ginawa ko iyon.

"My blood is infected with HIV," sabi ni 1608. Iwinagayway niya ang syringe na hawak niya. "This blood is infected with HIV."

Hindi ako nagsalita. Nanatili lang nakikiramdam sa kanya. May umihip na malamig na hangin.

"You look like a nice girl, you know," sabi ng babae. "Napaiyak mo na ba 'yong magulang mo? Napaiyak mo na ba, ha? Ako, napaiyak ko na." Parang proud ito sa sarili. "'Yong mama ko, napaiyak ko na. No'ng malaman niya na may AIDS ako, she cried like a dog. She cried like a fucking dog and looked at me as if she was fucking disappointed." Habang nagpapatuloy si 1608 sa pagsasalita ay unti-unting nagkakaroon ng galit sa tinig niya. Parang ayaw niyang maalala ang nangyaring iyon sa buhay niya. "Kinumpara niya ko doon sa pinsan ko. Si Agatha. Nice, sweet, ass-kisser, perfect Agatha." She said mockingly. "I hate Agatha." Tumitig muli siya sa 'kin. "I hate girls like her... I hate girls like you."

Biglang tila lalong bumangis ang mukha niya. She was obviously insane.

"I hate girls like you!" muling sabi niya. Tapos ay sumigaw siya nang pagkatinis-tinis bago sumugod sa 'kin. Huhugutin ko na sana ang kutsilyo ko kung hindi muling umihip ang malakas na hangin. May pumasok na alikabok sa mata ko at napapikit ako, kasunod ng pagtama ng magaang na katawan ni 1608 sa katawan ko. Ngunit kahit payat ay sapat pa rin ang bigat ni 1608 para sabay kaming bumagsak sa lupa. Nakakubabaw na siya sa 'kin at ang syringe niya ay pilit niyang ibinababa sa mukha ko habang pinipigilan ko naman ang dalawang kamay niya.

"You biiiitch," sigaw ni 1608, nanlilisik ang mga mata.

Halos nanlalabo sa luha ang mga mata ko pero pilit kong pinipigilan ang kamay ni 1608. Malakas si 1608 at palapit nang palapit sa mukha ko ang karayom.

"I'm going to prick your eye with this needle bitch. I am going to prick your fucking eye with my needle!"

Halos hindi ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Gusto kong kunin ang kutsilyo sa belt ko, o baril, o kahit anong sandata. Pero kapag tinanggal ko ang isang kamay ko na pumipigil kay 1608 ay baka magtagumpay siya na itusok sa mata ko ang karayom.

"I am going to infect you... I am going to infect you, you fucking cunt and I am going to have sex with those men. Even that ugly fuck in the wheelchair. I am going to infect you all."

Siguro ay nadadala siya ng emosyon niya kaya lalo siyang lumalakas. Lalo siyang nagtatagumpay na ilapit sa mukha ko ang karayom. Mukhang pupuntiryahin niya talaga ang mata ko dahil doon ang direksyon na ipinapaling niya ang karayom.

"I am going to infect you all!" she screamed, then gave me a maniacal laughter. To my horror, she started spitting at me. Pumatak sa bandang ilong ko ang plema niya. It was yellowish and it smelled like rotting meat. Mabagal na dumaloy ang mainit-init na plema niya sa gilid ng mukha ko patungo sa leeg ko.

"Gaga ka!" tili ko, diring-diri. "Ambahoooo!"

Kahit paano ay nakahugot ako ng lakas na ilayo sa 'kin ang hawak niyang karayon. Tawa nang tawa ang baliw na babae, pinagpatuloy ang pagdura sa 'kin. Doon parang nanggigil ako. Parang nadagdagan ang lakas ko. Kasi kadiri talaga ang plema!

Napansin ko ang isang may kalakihang bato sa gilid ko. Nagawa kong tanggalin ang isa sa mga kamay kong pumipigil sa mga kamay niya, kunin ang bato, mahigpit na hawakan 'yon bago mabilis na ihampas sa mukha niya.

"Eat this, you sick, twisted fuck!"

Tumama ang bato sa bibig ni 1608. Her head tilted backward because of the rock's impact to her teeth. 1608 screamed. Lalong nanlisik ang mga mata. Soon, her warm blood dripped into my neck. And to my horror, her teeth fell out on my neck, too. After seeing her teeth fall out, 1608 screamed, exposing her bloody, wounded gums.

Pero naputol ang sigaw niya nang may humampas sa mukha niya. The blunt object made a dull sound as it hit her face. Tumumba siya sa lupa, hindi na nakakubabaw sa 'kin.

Umupo ako mula sa pagkakahiga, tiningnan kung sino ang tumulong sa 'kin. Si Norman. Hinihingal siya habang nakatingin kay 1608, mahigpit ang pagkakahawak sa crow bar.

"Hayup kaaa!" sigaw ni 1608. Babangon sana siya para lapitan si Norman pero muling hinampas ni Norman ng crow bar ang mukha niya. I heard a thunk as the metal hit her face. Pasubasob siyang bumagsak sa lupa.

Hindi siya tinigilan ni Norman. Sumigaw si Norman, bago ipinagpatuloy ang paghampas sa likod ng ulo ni 1608. Napakalakas ng pagtunog ng paghampas ng bakal sa bungo ni 1608. Norman kept on hitting her head until we can actually see her brain.

1608 was dead as disco.

Doon para akong natauhan. Nanginig ako sa kilabot at pandidiri, bago hinanap ng mga mata si Romeo. Nakita ko namang ligtas siya, napatay ang kriminal na umatake sa kanya kanina. Agad agad akong tumakbo sa kanya, puno ng pag-aalala ang puso.

"Are you okay?" sabi ko agad sa kanya. Tiningnan ko kung may galos siya, may hiwa o ano pa man. "Are you all right? Hindi ba niya naiturok sa 'yo 'yong karayom?"

Walang sinasabi si Romeo, nakatingin lang sa 'kin.

Bigla akong nag-panic. Paano kung naiturok sa kanya ang syringe bago pa niya napatay ang lalaki?

"Answer me, you idiot," sabi ko, bahagya siyang hinampas sa balikat. Biglang pinangiliran na ng luha ang mga mata ko. "May nagawa ba siya sa 'yo?"

Hindi pa din siya sumagot. Maglulupasay na sana ako kung hindi lang siya biglang ngumiti.

"Nag-aalala ka?" he asked.

Natameme naman ako sandali dahil sa tanong. "Ay hindi! Curious lang ako!" sigaw ko, papilosopo.

Romeo chuckled. Nanliit ang mga mata sa pagngiti. "'Wag kang mag-alala. Nasaksak ko siya sa puso bago pa niya ko maturukan ng syringe. Tinamaan siya sa puso. His heart stopped instantly so there was only few blood." Tumingin si Romeo sa bangkay ng lalaki.

"Dapat talaga, idetalye?" sabi ko.

Natawa naman si Romeo. May dinukot ito mula sa bulsa nito. Panyo. Umangat ang kamay nito at dumako sa mukha ko, pinunasan iyon.

"Salamat," sabi ni Romeo habang pinagpapatuloy ang ginagawa.

"Ha?" sabi ko, parang gaga.

Umangat ang sulok ng labi ni Romeo. "Salamat na nag-alala ka sa 'kin."

Parang nahiya ako. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Bakit parang sobra na akong masaya marinig pa lang iyon sa kanya? Makita pa lang ang ngiti niya?

"Tara na," sabi ko. "Puntahan natin si Gustav. Mabuti na lang walang sumugod sa kanya. Kasi kung hindi, hindi niya maipagtatanggol ang sarili niya."

Bumaling ako sa direksyon kung saan naroon si Gustav. Natigilan ako nang makita na wala na siya doon. Hinanap ko siya at nakita ko siya sa di kalayuan, sa ilalim ng isang puno sa tabi ng isang bahay. May kasama na siya.

Si Kalbo. Iyong naghatid sa 'min papunta dito.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now