Rules of the Game

257 8 0
                                    

"Ganito ang mangyayari," sabi niya nang marealize siguro na nakikinig na kami nang mabuti. "Igu-grupo kayo sa dalawa. Una-unang dadalhin bawat mag-partner sa Judging Area. Isa iyong napakalaking paaralan. Marami kayong puwedeng pagtaguan, puntahan at takbuhan. Doon, tulad n'yo, libre ding nakakagala ang mga kriminal na tinutugis n'yo. Mga kriminal na hindi naparusahan para sa ginawa nila sa inyo. Bibigyan namin kayo ng sandata na gagamitin n'yo para tugisin sila. Dapat lang kayong mag-ingat. Matatalino ang mga kriminal. Siguruhin n'yong hindi nila maagaw sa inyo ang sandata n'yo."

Nang marinig ko ang mahabang paliwanag na iyon, parang nanlamig ang buong katawan ko. Bigla ay nagpakita sa isip ko ang imahe ng kama ko. Kung gaano iyon kalambot, kung gaano kasarap na humiga doon. Kung paanong hindi mapanganib magbulag-bulagan sa basurang sistema ng katarungan ng bansa. Kung paanong mas ligtas na magkibit balikat.

Tutuloy pa ba ako? I can die here. May mga paraan ang kriminal para makasakit, hindi man sila bigyan ng sandata ng Black Inviters.

"The Judging Area is a hunting ground. Inuulit ko, nakakalat dito ang mga kriminal na tinutugis n'yong mga Judge. Makikilala n'yo sila dahil sa nilagyan namin sila ng tattoo sa noo nila. Nakasulat do'n ang numero nila, na katumbas ng suot n'yong maliit na nameplate. Bukod pa doon, may mga tinatawag naming extra na kriminal na pagala-gala din sa Judging Area. Sila ay mga kriminal na hindi rin naparusahan, ngunit walang Judge na tumutugis sa kanila. Maari n'yo slang patayin, dahil narito sila para mas maging kapana-panabik ang laro. May mga mangilan-ngilang nakabantay na Black Inviter sa paligid, para masigurong hindi sila makakatakas. Pero hindi nila kayo tutulungan. Wala rin kayong obligasyon na tumulong sa mga kapwa n'yo manunugis ng kriminal."

Mayroon pa siyang ipinaliwanag na ibang aspeto ng Judging o Judgement Day.

"This is a game, Judges," sabi ng may-ari ng tinig, this time kalmado na. "But it's not like any game you had played before. The price would give you peace in your heart. The price is justice. And we, The Black Inviters, are hoping that this game would not cost you your life."

Oh, God. Oh, God, I hope so, too.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now