Mga Bagong Kalaban

157 3 0
                                    


Inililibot namin ang paningin namin sa paligid. Mga bahay pa rin ang nakikita namin sa magkabilang gilid ng daan. Hindi namin masiguro kung saan nanggaling ang mga hagikgik. Pero alerto na ang mga mata ko, pabaling-baling ang tingin sa kaliwa, sa kanan, nag-aalala na baka lumabas sa bahay ang lalaki na may dalang sandata.

"Maging alerto kayo," sabi pa ni Norman. Dumako ang kamay niya sa kutsilyo na nasa belt niya. Inililibot pa rin niya ang mga mata niya sa paligid.

"Maglakad na tayo," sabi ko. "Baka mas mapahamak tayo kapag hindi tayo nagpatuloy sa paglakad."

"Hindi natin alam kung saan siya nagtatago. Paano kung atakehin niya tayo mula sa likod kapag nagsimula tayong maglakad?" sabi pa ni Norman. Dinilaan niya ang namamalat niyang labi, hindi na mapunasan ang pawis na dumadaloy sa kanyang mukha.

Parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok niyon. Mukhang napansin ni Romeo ang takot ko dahil naglakad siya palapit sa 'kin. Muli, inabot niya ang kamay ko at pinisil iyon. Ang maramdaman pa lang ang init ng kamay niya ay sapat na para kumalma ako kahit paano.

Hindi rin iyon nagtagal dahil parang tumalon ang puso ko nang makarinig ng malakas na sigaw. Kasunod niyon ay isang kriminal ang lumabas sa isang bahay sa kaliwang panig ng kalsada--4313, iyon ang nakaukit sa kanyang noo. May dalang kutsilyo ang lalaki, nakataas ang kamay na parang handang-handa n saksakin kami. Sinugod niya si Norman.

Mabilis na hinugot ni Norman ang mas malaki niyang kutsilyo. Akma pa lang na itatarak ng lalaki ang kutsilyo kay Norman ay tinaga na ni Norman ang kamay ng lalaki. Mabilis ang kamay ni Norman na parang sanay na sanay na sa paggamit ng kutsilyo.

Sumigaw ang lalaki nang tumama ang talim ng kutsilyo sa daliri niya. Halos malaglag sa lupa ang hinlalaki ng lalaki dahil sa lakas ng pagkakataga ni Norman. Pumatak ang malansang dugo sa mainit na lupa. Binitiwan ng lalaki ang kutsilyong hawak at sinubukang agawin kay Norman ang hawak nitong kutsilyo. Nagpambuno ang dalawa.

Nagpasya akong tulungan si Norman. Susugod din sana ako kung hindi lang nakarinig kami ng sigaw mula sa likod. Agad kaming napalingon ni Romeo sa mga bahay sa kanang panig ng kalsada na nasa likuran namin. Mabilis na lumabas doon ang isang lalaki na may numero sa noo.

Sinugod ng lalaki si Romeo. May dalang syringe ang lalaki. Muntik nang masaksak ng lalaki si Romeo ng karayom mula sa syringe pero napigilan ni Romeo ang lalaki. Nakahawak si Romeo sa kamay ng lalaki na may hawak na syringe, pinipigilan ang lalaki na maitusok sa mukha niya ang matulis na karayom.

"Shit," sabi ko. Lalapitan ko sana si Romeo pero sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang isang babae na lumabas mula sa isa pang bahay sa gawing kanan ko. Naalerto ako at humarap sa kanya.

Katulad ng dalawang lalaking naunang lumabas ay may numero din siya sa noo. She was completely naked. She has unusually huge breasts. Ang ilalim ng kaliwang dibdib niya ay may butas at nakasilip doon ang silicone na ipinasok sa loob.

Napakapayat ng babae. Palubog na ang mga pisngi at nangingitim ang paligid ng mata. Marami siyang tila mga itim na butlig sa katawan. Inahit din lahat ng buhok niya sa ulo.

She was also holding a huge syringe. Pinakatitigan ko ang hawak niya. At doon ko lang narealize kung ano ang nasa loob ng heringgilya.

Dugo.

"Shit," sabi ko uli.

Suddenly, the sun was covered with thick clouds, as if the sky was telling us that we were In very big trouble.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now