Si 2790

80 3 7
                                    

RECAP: NAKATAKAS SI FERNIE LABAN SA MGA MEMBERS NG KULTO. SAAN KAYA SIYA NAPUNTA? SI 2790 ANG PINAKAPABORITO KONG CHARACTER SA STORY NA TO. :)

NANG magmulat ang mga mata ko, inisip ko nang sasalubungin ako ng mga anghel. O ni San Pedro na may dalang malaking libro. O baka ni Jesus Christ mismo.

Pero nang magmulat ako ay bubong ang nakita ko. Napakurap ako habang nakatitig sa bubong. Ilang segundo rin na doon lang natutok ang mata ko.

Parang hindi pa gumagana ang isip ko dahil tulala lang ako. Hanggang sa maalala ko na nawalan pala ako ng malay sa talahiban. Ibig sabihin, hindi dapat bubong ang nakikita ko ngayon.

Iginalaw ko ang mga braso ko. Pero hindi ko naigalaw. Doon ako nag-umpisang kabahan, nawala ang antok sa sistema ko. Iginalaw ko ang dalawang binti ko pero hindi ko rin maigalaw ang mga iyon.

And I realized what was happening. Nakahiga ako sa isang kama, sa slaughter house kung saan kami unang napunta nina Romeo. At nakaposas ang mga kamay at paa ko sa kama na iyon.

"What the..."

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa sulok ng silid. Tumingin ako doon. Isang lalaki ang nakita ko. Gula-gulanit ang damit pang-itaas niya maging ang pantalon niya. He had dried blood all on his body and smelled like piss. Nang maglakad siya palapit sa 'kin, nakita ko hindi lang ang malalaki at tikwas tikwas niyang ngipin, ang namumula niyang mga mata. Nakita ko din ang numero niya sa noo.

2790.

Isa siyang kriminal.

"Agrooog breguug..." he said. It didn't make any sense. Nagpatuloy siya sa paglapit sa 'kin, muttering unintelligible words. May hawak siyang supot na hindi ko alam kung ano ang laman.

Huminto siya sa tapat ko. Mayamaya ay ngumiti siya, biglang tumulo ang malapot na laway mula sa bibig niya. "Krebragg..."

Nagsimulang manlamig ang buong katawan ko. Muli na namang kumabog ng mabilis ang dibdib ko at nakaramdam ako ng sobrang pagkataranta.

Pinilit kong makawala sa pagkakaposas kahit imposible. "Tulong!" sigaw ko. "Tulong, parang awa n'yo na! Parang awa n'yo na!" Halos maiyak na ako sa pagsigaw.

Parang nataranta naman si 2790 sa ginawa kong pagsigaw. Inilagay niya ang hintuturo niya sa tapat ng bibig niya. "Shhh... grumbala... shhh..." Nanlalaki pa ang mga mata niya sa pag-aalala.

Lalo lang akong natakot. "Tuloooong!" sigaw ko. Kahit alam ko na walang tutulong sa 'kin.

Nang mapagod ako ay hindi ko na mapigilang umiyak.

"Praki..." sabi ni 2790. Umupo siya sa sahig at pinagmasdan ang mukha ko.

Umiling-iling ako. "Please," sabi ko, garalgal ang tinig. "Please, 'wag mo 'kong saktan, please..."

Umangat ang kamay ni 2790. Bigla ang pagbalot ng takot sa buong katawan ko. Pumikit ako, ihinanda ang sarili kung sakaling sakalin niya ako.

But he didn't do that. Pinunasan niya ang mga luha ko.

Napadilat ako. Luhaang tumingin sa kanya.

Ngumiti lang si 2790. "Brish... brish..." sabi niya, nakangiti, sige sa pagpunas ng mga luha ko.

Naguguluhang tumingin lang ako sa kanya. Unti-unting nababawasan ang kaba.

Nang mapansin niyang kalmado na ako at hindi na nagpo-protesta, ipinakita niya sa 'kin ang supot. Naglabas siya doon ng isang tinapay. Tumango-tango siya na parang tuwang tuwa, itinuro ang tinapay at tinuro ako. Sumenyas siya na kumain ako.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Naguguluhan ako. Was he showing me some kindness?

Muling ngumiti si 2790, inumang sa bibig ko ang tinapay. Nag-alangan akong kagatan iyon, pero biglang kumalam ang sikmura ko at nadala ako ng gutom. Kinagatan ko ang tinapay.

Tuwang-tuwa si 2790, halos mapapalakpak pa. Tumango-tango siya na parang ine-encourage ang ginawa ko.

I became more confused.

KAHIT nalilito ay hinayaan ko pa rin rin si 2790 na asikasuhin ako. Pinakain niya ako at pinainom. Panay din ang pagngiti niya sa 'kin. Parang tuwang-tuwa siyang makita ako.

Nang matapos siya na pakainin ako ay umupo siya sa sahig, nakatingin lang sa 'kin.

Tumingin din ako sa kanya. Naisip ko na baka kahit kriminal siya, nagawa lang niya ang krimen dahil wala siya sa tamang pag-iisip. Pero mabuti pa rin siguro ang kalooban niya.

Nagbaka-sakali ako na baka pakawalan niya ako sa pagkakaposas.

"Puwede bang humingi ng pabor?" sabi ko.

Mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko. Tumango-tango siya. "Pryak..." Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. Para kasing umimbento siya ng sarili niyang wika. Pero tumango naman siya, kaya okay lang siguro sa kanya na humingi ako ng pabor

"Masakit kasi sa kamay saka sa paa 'tong posas," sabi ko. "Puwede mo ba akong pakawalan?"

Nawala bigla ang ngiti ni 2790. Kitang-kita na biglang nagkaroon ng lungkot sa mga mata niya. Pumikit-pikit siya at unti-unting nagkaroon ng luha ang mga iyon.

"Hagri, blay ang..." he said, dahan-dahang umiling. Pumapatak na ang mga luha mula sa mga mata.

"Hindi ba puwede?" tanong ko, bumigat ang dibdib.

Nagpatuloy si 2790 sa pagluha, pinagsalikop ang mga kamay at parang nagmakaawa at humingi ng tawad ng sabay. "Hagri, blay ang..."

Nagkaroon ako ng kongklusyon sa nangyayari. "Ayaw mo ba na walang kasama?"

Nang marinig ni 2790 iyon ay sunod-sunod ang pagtango niya.

"Takot ka din ba?"

Lalo pang tumango si 2790. Bumabalik ang ngiti sa mga labi niya.

Lumunok ako, bumuntong-hininga. Malamang na wala nga siya sa tamang kaisipan kaya natatakot siya sa nangyayari sa Judging. Ayaw niyang mag-isa kaya ipinosas niya ako sa kama para hindi ako makaalis. Alam ko na hindi niya tatanggalin ang posas hanggang hindi siya nagtitiwala na hindi ko siya iiwan.

Kailangan kong kunin ang loob niya.

Ngumiti ako. "Sure," sabi ko. "Keri lang. Basta 'wag mo rin akong iwan, ha?"

Panay ang pagtango ni 2790. Kumislap ang mga mata niya at doon ko nakita na guwapo pala siya. Malalaki lang at tikwas tikwas ang ngipin, pero matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata.

Ngumiti uli ako. "Hayaan mo," sabi ko. "Friends na tayo, ha?"

Siyempre, sinabi ko iyon para kunin talaga ang loob niya.

And 2790 was in tears once again.

***

MAALAGA si 2790. Kapag sinabi ko na nauuhaw ako ay bibigyan niya agad ako ng tubig. Madalas, kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, ay nahuhulaan ko na tinatanong niya kung may kailangan ako.

Hindi ko masabi na ang kailangan ko ay makaalis doon bago pa may dumating na ibang kriminal. Ayokong saktan ang damdamin niya dahil na-realize ko na iyakin siya.

Nang magtanghalian kami, naghati kami sa isang tinapay na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Tinanggal niya ang pagkakaposas ng isang kamay ko para sabay kaming makakain. Malaki ang piraso ng tinapay na ibinigay niya sa 'kin. Maliit lang ang kanya.

Madali niya iyong naubos at natulala siya sa 'kin. Narinig ko ang biglang pagtunog ng tiyan niya. Napahawak siya doon na parang napahiya. Mukhang gutom na gutom pa siya.

Nakaramdam naman ako ng awa. "Hatian mo pa ako dito," sabi ko, iniabot sa kanya ang tinapay. Sa totoo lang ay malaki naman talaga iyon kumpara sa kinain niya.

Umiling lang si 2790. Ngumiti. "Kari koman..." he said.

"Sige na," sabi ko. Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya pero siyempre alam ko na tinanggihan niya ako. "Gutom ka pa, eh."

Umiling si 2790. Nagmatigas siya na ako ang kumain ng tinapay. Sa huli ay hindi ko na rin ipinilit ang gusto ko.

Nang makakain ako ay ibinalik niya ako sa pagkakaposas sa kama. Pinainom niya ako at nagthumbs up sign sa 'kin, para siguro itanong kung ayos lang ako.

I nodded. "Okay lang ako," sabi ko.

Pero kailangan ko nang makaalis do'n, no? Kailangan talaga!

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now