Unang Kalaban: Si 2304

161 6 0
                                    

"Shoot her," pabulong na sabi ni Romeo kay Edgarda. "Shoot her I am not allowed to shoot her unless she is escaping."

"I don't know how to fire a gun," sabi ni Edgarda, tuminis ang boses. Hanggang porma lang pala siya kanina.

At mukhang sigurado naman si Romeo na lalo akong clueless sa pagpapaputok ng baril.

Mula sa bulsa ng cargo shorts ay naglabas si 2304 ng baril.

"Shit," sabi ni Romeo.

Narinig namin ang paggaya niya muli sa iyak ng baboy bago siya nagsimulang tumakbo palapit sa 'min.

"Takboooo!" sigaw ko agad, high pitched.

AND SO we ran. Tumakbo kami sa talahiban sa kanang bahagi ng kalsada. Tumatama sa katawan namin ang mga tuyong damo. Pero hindi kami humihinto.

Siguro, dahil sa adrenaline, kaya mabilis ang pagtakbo ko kahit mabigat ang bag ko. At kahit... mataas ang heels ko.

"Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!" sigaw ni Edgarda sa likod ko. Halos paiyak na siya.

Nakakarinig ko pa rin ang paggaya ni 2304 sa iyak ng baboy sa likod namin. Kaya hindi ako humihinto.

Pagkatapos ay nakarinig ako ng putok ng baril.

Napatili ako, napayuko. Parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko.

"She's shooting us!" sigaw ni Edgarda. As if di ko alam.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala akong naramdamang sakit. Hindi ako tinamaan.

Narinig ko ang paghalakhak ni 2304. Kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo, katabi si Romeo. Isa na namang putok ng baril ang narinig namin. Napatili na naman ako. Bibilisan ko pa sana ang pagtakbo kung hindi ko lang narinig na sumigaw si Edgarda.

Hindi ko mapigilang mapalingon. Natisod si Edgarda at hindi na makatayo. Nanlambot na siguro ang mga tuhod niya sa takot. Palapit na sa kanya si 2304, patuloy sa paggaya sa iyak ng baboy.

She pointed the gun at Edgarda. She made louder pig sounds. Kumukulubot ang ilong, nanlilisik ang mga mata. And I saw her swiftly squeeze the trigger.

Hindi pumutok ang baril.

Wala na siyang bala.

Mukhang narealize iyon ni 2304 kaya dumukot siya sa bulsa. Maybe she would reload or something.

Wala ng oras na dapat masayang.

Hindi ako marunong bumaril at ayaw kong manaksak. Hindi ko pa kaya. Saka, messy. Kaya binuksan ko agad ang backpack ko. Kinuha doon ang pepper spray.

Nagmamadali akong lumapit kay 2304.

"Fernie!" sabi ni Romeo, pipigilan pa sana ako pero hindi ako nagpapigil. Baka kasi makapag-reload na si 2304.

Lumapit ako sa harap ni 2304. "Die, panget, die!" sigaw ko pa.

I started spraying 2304 on the face. Napaungol siya, napahawak sa mukha. Pero hindi ako huminto sa pag-spray. Isang mahabang sigaw ang narinig kay 2304 na nasundan na naman ng paggaya sa iyak ng baboy. Soon, her body began to tremble. Her huge, exposed, mutilated boobs started to sway with her movements. It was a grotesque image.

Sinipa ko siya gamit ang powerful kong high heels kaya bumagsak siya sa talahiban. Nabitiwan niya ang baril at agad agad ko iyong pinulot, sabay sipa na naman sa kanya. Umungol siya. Malakas. Pahina nang pahina. Hanggang sa hindi na lang siya makabangon doon at nakatayo ako sa harap niya.

Sinamantala ko: nagpose ako, namaywang with fierce expression. Taray, ano'ng sabi ng characters sa Sailor Moon?

Nilingon ko sina Romeo at Edgarda. Particularly, si Romeo. Nakatingin lang siya sa 'kin na para bang gusto niyang sabihin: what the fuck?

Nginitian ko siya nang matamis. "O ano, pandak?" sabi ko. "Hanga ka na no? Crush mo na ko 'no?"

Nag-pose ako uli. This time, pang-mowdel.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now