Ikalawang Kriminal Sa Killing Arena

150 3 0
                                    

Akmang titili na naman ako ng takpan ni Romeo ang bibig ko.

"I know she's dead, okay?" pabulong na sabi ni Romeo. Inilapit niya ang mukha sa 'kin para siguro marinig ko nang maayos ang sinasabi niya. "Wala na tayong magagawa. 'Wag ka na lang sumigaw. Baka dumating ang may-ari ng trap."

Tumitig ako sa kanya nang may pagtatanong sa mga mata.

"Hindi ka na ba sisigaw?" he asked.

Pinilit kong tumango bilang sagot.

Tinanggal ni Romeo ang palad niya sa bibig ko. Humugot ako ng malalalim na hininga, pinapakalma ang sarili.

"T-trap?" nabubulol na sabi ko. "Ano'ng trap?"

"'Yong mga daga," sabi ni Romeo. "May bomba sa loob ng mga patay na daga. Sumabog iyon ng angatin ni Edgarda ang isa. Obviously, may isang kriminal o may isang Judge na tulad n'yo na marunong sa explosives."

Nakatitig lang ako kay Romeo, hindi alam ang sasabihin.

"Noong World War II, ginamit ang mga bangkay ng daga para lagyan ng bomba. Kailangang mainitan ang bangkay ng daga, para sumabog iyon noon. Pero siguro, may paraan ang nagset ng trap para mapasabog ang bomba kapag ginalaw iyon--"

"I don't care," putol ko sa sasabihin niya. Then I realized I was being rude. "I'm sorry." Ihinilamos ko ang mukha ko sa mga palad ko. "It was scary. Seeing Edgarda explode with the bomb."

Hindi naman nakapagsalita si Romeo. Ilang sandaling walang kumibo sa 'min.

Ako ang bumasag sa katahimikan. "Paano tayo makakaalis sa talahiban na 'to?"

"Let's go further right. Mas matataas ang talahib kaya baka may ahas. Kailangan nating maging alerto. Pero mas ligtas kasi 'yon kaysa may matapakan tayong patay na daga."

Lumunok ako, pinakaisip ang sinabi niya. Humugot ulit ako ng malalim na hininga bago tumango. "Let's go."

SINUWERTE naman kami na walang ahas na nangharang sa 'min. We were able to pass through the tall grass. Nakarating kami sa main road.

By that time, I was already tired. Pero at least, nakabawi-bawi na ako sa nangyari sa talahiban.

"Ganito pala 'to kadelikado," sabi ko habang naglalakad kami ni Romeo sa main road. Alerto na ang mga mata ko kung sakaling may makasalubong kaming kriminal.

"Kaya nga sinabihan na kita na umatras," sabi ni Romeo. "This game can be absolutely crazy."

Hindi ako agad nagkomento sa sinabi niya. I wanted to ask a serious question. I wanted to ask why he still wanted to be a Black Inviter, knowing how sick and twisted the Judging could be. Pero somehow, parang nakakapagod makinig sa isang seryosong sagot.

So I did what I do best. I tried to divert my attention by cracking jokes.

"Kapag sumabog katawa ko, sana man lang bigyan ako ng time makapag-make up. Kahit ulo ko man lang, pretty."

Parang hindi inaasahan ni Romeo iyon. Napanganga siya sa 'kin.

"You're..." sabi niya. "Crazy."

Sasabihin ko din sana na "crazy" siya kung hindi lang biglang may sumitsit sa likod namin.

Sabay kaming napalingon ni Romeo sa sumitsit.

At sabay din kaming natigilan.

Lalaki ang sumitsit sa 'min. It was obvious because he wasn't wearing any pants and his penis was exposed. However, I can assume na he's gay. May suot kasi siyang blonde na wig at may kulay ang mukha niya, parang make up. Hindi bagay ang make-up at ang wig sa lalaki dahil maitim ang lalaki at may makapal na stubbles sa buong mukha. Parang may mga galis siya sa katawan at may tatak siya sa kanyang noo: 2121.

He is a criminal.

Dark Justice Series: PerversionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon