Ang Simula ng Laro

173 7 0
                                    


LUMABAS kami sa guard house at tuluyan nang pumasok sa unibersidad. Ibig sabihin, tuluyan na kaming pumasok sa Judging Area na pinaglulunggaan ng mga kriminal.

Napakalawak ng pathway ng unibersidad, parang high way. Saan ka man lumingon ay may makikita kang malalaking puno. Wala pa kaming makitang school building o mga kapwa namin Judge. Siguro ay nilibot na nila ang Judging Area. Napakalaki ng Judging Area dahil ang unibersidad na iyon ay kasinlaki na ng isang komunidad. Parang mas malaki pa iyon sa Unibersidad ng Pilipinas.

"Ang heavy naman ng bag ko," reklamo ko habang naglalakad kaming tatlo. Seryoso ang dalawa sa tabi ko, lalo na si Edgarda. Panay ang libot niya ng mga mata niya sa paligid.

"Ang heavy talaga," reklamo ko pa.

Parang nairita naman si Romeo sa pagrereklamo ko. "Kita mo? Sa bigat pa lang ng bag mo, nagrereklamo ka na. Paano ka nakasisiguro na tatagal ka dito?" Halos namimilog pa ang mga mata ng pogi.

"Ang OA mo naman, nag-express lang ng feelings," sabi ko. "Eh mabigat naman talaga."

"Hindi mo pa kasi iniwan 'yong mga gamit mo sa backpack mo."

"Mahalaga sa 'kin 'yong mga gamit na 'yon 'no."

"Ano'ng mahalaga sa mga 'yon?" sabi ni Romeo.

"Natural, paano kung niregla ako? Tapos walang napkin? Lalong di ako nakatakbo nang maayos. Di mo gets kasi bird ang meron ka."

Romeo looked as if he was just so pissed and he could not believe what I was saying

"Pero dinala mo pa 'yong moisturizer mo! Saka sunblock!" Para bang napaka-absurd ng ginawa ko base sa tono ni Romeo.

"Kung makapagsalita ka, ah. 'Wag kang manghihingi ah?" sabi ko.

Lalo pang naasar si Romeo. Sa totoo lang, natutuwa na lang akong tingnan siyang maasar. Napakaguwapo kasi talaga niya kapag asar-talo na siya.

Nakailang compliments na ba ako sa lalaking 'to? Samantalang noong kapitbahay ko siya, bihira ko siyang pansinin.

"Bakit ba nandito ka pa?" sabi ni Edgarda. Tingin ko, nagsalita siya para maging aware kami na existing siya. "'Di ba hindi ka naman obligadong sundan kami? Ang trabaho mo lang, magbantay nang mga kriminal na babalaking tumakas sa Judging Area."

Napatingin ako kay Romeo. Nakatitig siya sa 'kin.

"Oh, tama nga naman, hindi ka nga pala required na sumama sa 'min."

Romeo didn't say anything.

"Maglibot-libot ka. Maghanap ka ng tatakas."

Matagal bago nagsalita si Romeo. "No," sabi niya. Matigas ang tono. May finality.

"Ano'ng 'no'?"

"No. Hindi ako aalis dito. Susundan kita."

"Bakit?"

"Can you just shut up your mouth for a second?"

"No," sabi ko. Ginaya ang tono niyang may finality.

Bubuka pa sana ang bibig ni Romeo kung hindi lang nakarinig kami ng kaluskos. Napatuwid ang likod ni Romeo pati ni Edgarda.

Naalerto si Edgarda, iginala ang paningin sa paligid.

Siguro dahil sa pakikipagtalo kay Romeo, hindi ko na napansin na medyo napalayo na kami sa guard house. Hindi ko na kasi iyon tanaw. Wala pa rin kaming nakikitang building. Nasa kalsada lang kami, at matataas na talahib at mga puno ang nakikita namin sa magkabilang gilid. Parang bukid. Mukhang mas malaki nga ang unibersidad na ito sa UP. Mukha kasing napakaraming bakanteng lote dito.

"Narinig n'yo ba 'yon?" seryosong tanong ni Edgarda. Panay pa rin ang libot ng mga mata sa paligid.

"Baka naman frog lang 'yon," sabi ko. Pero sa totoo lang, pinapawala ko lang ang kaba ko. Ito na ba 'yon? Bakbakan na ba agad? Afraid!

"Sssh," sabi ni Edgarda. Tapos ay dumako ang kamay niya sa baril na nasa holster ng belt niya. Kalkulado na bawat hakbang niya. Panay ang panig ng ulo pakaliwa at pakanan.

"Para namang gaga 'to," sabi ko, tinuro siya. "Baka kasi frog lang 'yon."

Muli kaming nakarinig ng kaluskos. Nanggagaling sa talahiban sa kaliwang panig ng malawak na kalsada.

Nakatitig lang kaming tatlo sa talahiban. Kabadong-kabado na talaga ako. Pigil na pigil ko nang mapatili.

"Puta naman o," pagmumura ko. "Ang scary naman."

Biglang umusog si Romeo palapit sa 'kin. Bale nasa bandang harap ko siya, parang handang protektahan ako. Naramdaman ko ang init ng katawan niya at kahit paano ay nabawasan ang kaba ko.

Hanggang sa bigla na naman kaming nakarinig ng kaluskos sa talahib.

Napahawak na ako kay Romeo. Takot na takot na.

"Afraid pala," sabi ko. "Nakakainis naman, ang scary pala."

"Sssh," sabi lang ni Romeo, hindi inaalis ang tingin sa talahib. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Inabot niya ang kamay ko, hinawakan iyon, pinisil.

And for a moment, there was warmth.

That feeling didn't last though.

Kasi bigla na lang may lumabas mula sa matataas na talahib.

Isang matabang babae na duguan na ang damit. May tastas ang harap ng damit ng babae kaya nakaluwa ang lawlaw niyang boobs na duguan din. Kulot na kulot ang buhok niya na kulay brown. Walang kilay ang babae at sa noo niya ay may nakatatak na numero: 2304. Patunay na isa siya sa mga kriminal sa loob ng Judging Area. Tumitig siya sa 'min at ngumiti. It appeared to be that she was toothless and her gums were bloody as if she has a viral disease.

Ipinasok ni 2304 ang kamay niya sa suot niyang cargo shorts. She started making animal-like sounds. Ginagaya niya ang iyak ng baboy. Tuwang-tuwa pa siya sa ginagawa niya. Wala siya sa katinuan.

Lalo kaming natakot.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now