AHHHHH!

178 3 0
                                    


I wasn't sure we can. But we would try.

Tumitig ako muli kay Romeo. Nakatitig siya sa 'kin, may pagtatanong sa mga mata. Parang gusto niyang ikuwento ko rin ang dahilan kung bakit ako nandoon, kung sino ang kriminal na gusto kong tugisin.

Naglayo na lang ako ng tingin. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang ikuwento ang nangyari. Napupuno pa rin ng galit, hinanakit at takot ang puso ko.

Hindi pa ako handa na ikuwento ang lahat. Pero handa ako sa isang bagay. Handa akong makuha ang hustisya na ipinagdamot sa 'kin ng bansang ito. And even though I may look like I am weak and stupid, I will do my best to get the justice I deserved.

NANG matapos kaming mag-almusal ay nagpahinga lang kami ng ilang minuto, bago magdesisyon si Edgarda na lumabas na kami para tugisin ang mga kriminal na kailangan naming tugisin.

Asul na asul ang langit sa labas ng abandoned warehouse. Presko ang hangin, kapag umiihip ay maamoy mo ang mga natuyong damo. Masarap ding pakinggan ang huni ng mga ibon sa paligid.

Everything seemed quite peaceful.

"Pero magdoble ingat tayo," sabi ni Edgarda. "Posibleng binalikan tayo ng matabang kriminal kagabi."

Naging alerto nga kami. Palingon-lingon habang nilalakad ang talahiban. Hindi puwedeng walang presence of mind, baka kasi may nakahigang kriminal doon, nagkukubli sa mga damo, tapos ay biglang lumabas nang may sandata.

"'Wag kayong mag-alala," sabi ko nang halos ilang minuto na kaming naglalakad sa talahiban, di pa kami nakakapunta sa main road. Ang bagal kasi talaga ng lakad namin sa sobrang pag-iingat. "Makakarating din tayo dito. After forty thousand years--"

Natigil ang balak ko sanang pagjo-joke nang makakita ako ng mga daga sa lalakaran namin. Mabababa ang damo sa parteng iyon kaya nakita ko. Patay na ang mga daga pero napakalaki pa din. At mga dilat na dilat pa din. Hindi ko mapigilang mandiri.

Umatras ako.

Napalingon sa 'kin sina Romeo at Edgarda.

"Ayoko," sabi ko.

"Ayaw mo?" Magkasabay na sabi nilang dalawa.

"Ayoko. 'Daming daga." Tinuro ko ang mga nakita ko.

Tumingin si Romeo sa direksyong tinuro ko. "Mga patay na naman," sabi niya.

"Kahit na. Ayoko. Kadiri. Yuck." Umatras ako. Atras ako nang atras. Dahil ayaw ko talaga sa daga.

"C'mon, hindi ka na aanuhin ng mga 'yan, patay na, eh," sabi ni Romeo. Sumunod siya sa 'kin. Parang sinusuyo ako. "Dito lang tayo dapat dumaan. Matataas na ang talahib sa ibang parte ng bukid na 'to. Baka ahas naman ang di sinasadyang matapakan natin."

Umiling ako. "Basta, kadiri," sabi ko. I made a face. "Kadiri talaga. Tas dilat na dilat pa. Tapos ang lalaki. Ang hahaba ng buntot. Labas pa ang ngipin." Just describing it made all the hairs on the back of my head stood an end. "Ayoko talaga." Sige ako sa pag-atras.

"Pumikit ka na lang habang naglalakad," sabi ni Romeo. Lumalapit pa din sa 'kin.

"Hay naku," sabi ni Edgarda na naiwang nakatayo sa harap ng mga patay na daga. "Sige na, itatabi ko na lang isa-isa."

Dumukwang si Edgarda. Pagtuwid niya ng tayo ay hawak na niya ang isang daga sa buntot niyon. Akmang ihahagis nito iyon kung hindi lang bigla iyong sumabog nang malakas. Sa sobrang lakas ay napaupo kami ni Romeo sa damuhan.

Napatili ako. Lalo na nang makita ko na humagis sa ere ang ulo ni Edgarda nang makalasug-lasog ang katawan niya dahil sa bomba. Sumisirko-sirko pa ang ulo niya sa ere na parang bola bago bumagsak sa lupa isang metro ang layo sa 'min.

Dilat na dilat ang ulo ni Edgarda, halatang hindi inaasahan ang nangyari. Lumuwa ang isa niyang mata at awang ang bibig niya na parang binalak niyang sumigaw. Her teeth were all red with blood. I could smell her burning body. It made me sick.

Nagtitili ako, nakatakip ang mukha sa kamay. Pero pumikit na din ako ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari.

Tili ako nang tili. "Puta, puta, putaaa!" sigaw ko. Halos magsisipa na.

Si Romeo naman ay hinawakan ako sa balikat, pinapakalma ako. "Fernie, calm down."

Tumili muna ako uli bago nagsabi. "Calm down? Paano ako magca-calm down? Kanina lang, nag-heart to heart tayo nina Edgarda... ngayon... ngayon, dead na siya!"

Tinuro ko ang ulo ni Edgarda. Parang nakatitig sa 'min ang mga mata niya.

Tumili ako uli. Dinampot ko ang mahabang sanga ng puno sa tabi ko at hinampas ang ulo ni Edgarda para gumulong pasubsob sa lupa. Better.

"Dead na si Edgarda!" sabi ko pa.

Dark Justice Series: PerversionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora