Fernie and 2790

111 5 1
                                    


ONCE, I had to pee and that became a problem.

Hindi ako mapakali sa kama ko, pabiling-biling ako at pinagpapawisan ako. Pilit akong nag-iimpit pero mabigat na talaga ang pantog ko. Mukhang nahalata naman ako ni 2790 dahil kung kanina ay walang ekspresyon ang mukha niya habang nakatitig sa 'kin, ngayon ay may pagtatanong na sa mga mata niya.

"Nawiwiwi ako, eh," sabi ko, hindi na mapigilan ang sariling magsabi. Nginitian ko siya nang pilit.

Mukhang naintindihan naman ni 2790 ang sinabi ko. Nagkaroon ng pag-aalala sa mga mata niya.

Inunahan ko na siya agad. "Promise," sabi ko. "Promise, hindi ako tatakas."

Ikiniling niya ang ulo niya pakanan, parang iniisip kung magtitiwala siya sa 'kin. Matagal siya sa ganoong posisyon na naisip ko na nag-daydream na ata. Tumulo na ang laway niya sa sahig.

"Promise talaga," sabi ko. "Hindi kita tatakasan."

Pero naisip ko na kung sakaling may oportunidad na takbuhan ko siya, gagawin ko. Paano kasi kung meron talagang kriminal na pumasok at patayin siya? Eh ako, paano ako makakalaban kung nakaposas ako?

Tumango-tango siya mayamaya. "Kagar milu..." sabi niya. Kung ano man 'yon. Pero kinuha niya na ang susi sa suot niyang pantalon at tinanggal ang posas ko sa kamay at paa. Pagkatapos niyang gawin iyon ay may kinuha siya sa pantalon niya. Maliit na kutsilyo.

Naniniguro siya, iyon ang naisip ko.

Brainy ka pa rin pala kahit may sarili kang language, muntik kong sabihin.

Inalalayan niya ako para makabangon paupo sa kama. Nang lumapat ang paa ko sa sahig, doon ko nadiskubre na masakit pa rin iyon. Tumabi siya sa 'kin, isinampay ang isang braso ko sa balikat niya at inalalayan akong tumayo. Halos pasan-pasan niya ang bigat ng katawan ko habang tinutulungan niya akong makalakad.

Dinala niya ako sa sulok ng silid, kung saan mayroong estante. Nakita ko sa estante na maraming iba't-ibang garapon na punong-puno ng mga insekto. May garapon na mayroong uod, garapon na may ipis, garapon na may mga gagamba. Hindi na lang ako nagkomento.

Sa tabi ng estante ay may isang timba. Itinuro niya iyon at nakuha ko na ang gusto niyang sabihin.

"'Wag kang maninilip," pabiro kong sabi sa kanya. Pero siyempre half-meant iyon.

2790 grinned boyishly. His eyes sparkled. Bahagya niyang inilayo ang tingin niya sa 'kin.

Sumunod siya sa 'kin. Inirespeto niya ang gusto ko. Naisip ko na mabuti siguro talaga siyang tao. Kaya niya ako tinututukan ng kutsilyo, kasi, takot siyang maiwan. Bigla, naiba ang goal ko. Gusto ko siyang kumbinsehing sumama sa 'kin. Tapos, sasabihin ko sa Black Inviters na wala naman siya sa tamang pag-iisip. Siguradong hindi niya sinadya anomang krimen ang nagawa niya.

Nang matapos ako sa ginagawa ko, kinalabit ko siya. Kuntodo alalay na naman siya sa 'kin pabalik sa kama. Doon, tinulungan niya akong makahiga nang maayos. Pagkatapos ay ipinosas niya muli ako.

But I have more hope in my heart now. Makukumbinse ko din siyang sumama sa sa 'kin. Mari-realize ng Black Inviters na hindi siya dapat naroon. Mapapatay ko ang kriminal na tinutugis ko at makakalabas kami sa Judging Area. Makikita ko uli si Romeo.

I began daydreaming. I began hoping.

DALAWANG oras ang lumipas at hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin si Romeo. Binabalik-balikan ko sa isip ko 'yong mga panahong magkasama kami at mag-aasaran. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na humagikgik. Ako na ang nakuha pang maglandi sa sitwasyon na 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now