Ang Nakaraan ni Kalbo at Romeo

43 2 0
                                    

"BALIW ka na, Romeo,"

Iyon ang sabi sa 'kin ng kaibigan kong si Mauricio nang mag-usap kami sa loob ng silid ng abandonadong boarding house na iyon. Alam ko nang pagagalitan niya ako at inaasahan ko na iyon.

Nakatanaw siya sa bintana ng silid, nakalagay ang isang kamay sa balakang. Napapabuntong-hininga.

"Alam mo na hindi mo dapat nilalapitan ang Judge na iyon."

Hindi ako nakasagot. Aware naman ako sa rule. Kailangan naming iwasan na makipag-interact sa Judge, dahil bawal sa 'min na ma-attach sa mga iyon. Baka nga kasi tulungan namin at isang malaking kasalanan iyon sa Black Inviters. Pinauulit-ulit sa 'ming ipaalala iyon, na 'wag kaming tutulong sa mga Judge. At alam ko na wala pang lumalabag sa rule na iyon. Takot ang lahat dahil magiging malupit daw ang parusa.

"At 'di ba, dapat nasa tower ka lang?" sabi pa ni Mauricio. "Alam mo namang hindi talaga tayo required na gumala-gala sa Judging Area."

Totoo iyon. Trabaho naman talaga namin na maglibot-libot para pumatay ng kriminal na tatakas. Pero matataas naman ang mga bakod na nakapalibot sa napakalaking unibersidad at may kuryente pa iyon. Isa pa, may tracking device kami na magbibigay sa 'min ng alerto kapag may tatakas na kriminal. Kaya hindi naman talaga kami sobrang ino-obliga na nasa Judging Area. Karamihan sa 'min ay nas tower lang, ang tower na nagsisilbi naming headquarters.

"Romeo..." sabi muli ni Mauricio. Lumingon siya sa 'kin. "Kailangang layuan mo siya."

Hindi ako nakasagot. Tumitig lang ako sa kanya.

"Mahirap ba sa 'yo, 'yon, Romeo?" sabi ni Mauricio. "Mahirap ba sa 'yo na layuan siya?"

"Madali ba sa 'yo na layuan si Hannah?"

Natahimik siya sa sinabi ko. Hindi siya nakapagsalita. Nagkaroon ng lungkot sa mga mata niya.

"Ayokong magkamali ka ding tulad ko," he said. "At ayokong labagin mo ang pinakamalaking batas nating mga black inviter."

Hindi ako nakapagsalita. Nagtitigan kami ni Mauricio.

"Alam mo na maari silang maging malupit, Romeo. Alam mo na hindi sila tulad ng una nating inakala," sabi ni Mauricio. "Makakabuting lumabas ka muna ng Judging Area. Umuwi ka muna, Romeo."

Doon na ako tuluyang naubusan ng sasabihin. And soon, I started to remember why I joined black inviters in the first place.

Ang una naming inakala...

HINDI ko naman gustong maging aktibista, napilit lang ako ng best friend ko na si Mauricio. Sabi kasi ni Mauricio, naapi ang hindi natututong lumaban. Kaya pinilit niya ako na mag-rally ng madagdagan 'yong presyo ng pagpapa-photocopy sa Department of Student Affairs.

Hindi lang 'yon ang ipinagprotesta ni Mauricio. Ipinagprotesta niya lahat ng sinisingil sa 'min ng mga professor, pisong pagtaas ng tuition fee, incompetent professors. Walang ginawa si Mauricio bukod sa mag-rally at maghagis ng mga arm chairs mula sa second floor ng building.

"Hindi ko na gusto ang nangyayari sa bansa natin," sabi niya sa 'kin minsan, isang gabi pagkatapos naming magprotesta. Nakadulog kami stone table ng garden ng school. Umiinom si Mauricio ng beer na inilagay niya sa tumbler niya. "Makapangyarihan at mahigpit na ang gobyerno, pero may kinikilingan. Tumataas na ang crime rate."

Hindi ako nagkomento. Tipikal lang kasi akong seventeen year old boy noon. Hindi ko priority na isipin ang bansa. Sumusunod ako sa napakaaga ng curfew. Pinipigilan kong magbisyo na labis ng ipinagbabawal. Tipikal lang akong kabataan ng panahong iyon. What I wanted to do was to play video games, watch gore movies, think of sex. Si Mauricio lang ang super passionate sa bansa. Si Mauricio lang ang hindi nauubusan ng opinyon, na kesyo okay naman ang mahigpit na pamamahala kung nagagawa ng tama at walang kinikilingan.

Dark Justice Series: PerversionOnde histórias criam vida. Descubra agora