May Mga Nagmamasid

148 2 0
                                    


LUMABAS kami ng building ng College of Computer Studies. Tulak-tulak ni Norman ang wheelchair na inuupuan ni Gustav at kaagapay ko naman si Romeo sa paglalakad. Hindi na bukirin ang nasa paligid ng dinadaanan namin. Mga abandonadong bahay iyon na ang ilan ay may tatlong palapag, ang ilan ay dalawa. Siguro ay mga boarding houses iyon. Iba-iba ang estilo niyon at kulay, pero wala ng indikasyon na may nakatira pa doon.

Aala-una na ng hapon. Walang ulap sa asul na kalangitan kaya halos mapaso ang balat namin sa init ng araw. Kuntodo takip ako sa mukha ko.

"Mags-sublock kaya muna ako?" sabi ko, kunot ang noo.

Romeo looked at me with disapproval. "Kanina, may pasabi sabi ka pa na let's kill those son of bitches, ngayon magrereklamo ka."

"Ayoko lang masunog balat ko no," sabi ko. "Baka di mo na ko macrush-an." Hindi talaga mawawala sa 'kin ang pagiging mapang-asar.

"Hindi naman kita crush, eh," sabi ni Romeo. "Ang type kong babae 'yong boyish."

"'Yong may buhok sa kilikili, gano'n?"

Romeo snorted. "Basta hindi tulad mo. Maarte."

Ouch. Bakit gano'n? Parang ang sakit namang pakinggan. Parang ako ang biglang naasar. Hindi ako nakapagsalita. Parang pakiramdam ko, nanghahaba ang nguso ko.

Mukhang napansin naman ni Romeo ang pananahimik ko. Bumaling siya sa 'kin, may pag-aalala sa mga mata.

"Hey--"

"Gusto kong magsunblock," sabi ko, para putulin ang sasabihin niya. Ayaw ko na bigyan niya ako ng pakunsuwelo. "Para iwas heatstroke."

I know what I said was absurd. Pero ayoko na talagang makarinig pa ng mga salita kay Romeo. It was weird. Dati naman, okay lang sa 'kin, kahit tingin niya maarte ako. Bakit ngayon, hindi na?

Aawang pa sana ang bibig ni Romeo, may sasabihin pa siguro kung hindi lang nagsalita si Norman.

"May nagmamasid sa 'tin," sabi niya.

Nang marinig ko iyon ay nawala ang init na nararamdaman ko. Binalot muli ng kaba ang puso ko.

Napahinto kami sa paglalakad. Natahimik. Naririnig ko na bawat hugot ng hininga naming lahat. Mayamaya ay nakarinig kaming hagikgik ng isang lalaki. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok.

Dark Justice Series: PerversionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon