SI 2121

138 2 1
                                    


And he was holding a gun. It was a weird looking gun. Hindi ko alam kung baril ba talaga iyon o ano. Pero kung ang daga nga ay nagamit bilang sandata sa Judging, siguro ay hindi ko dapat i-underestimate kung ano man ang dala niya. Posibleng naagaw niya iyon sa isa sa mga Judge.

Tumitig si 2121 sa 'kin. Pero hindi rin iyon nagtagal, parang wala siyang masyadong pakialam sa 'kin. Dumako ang tingin niya kay Romeo.

Biglang lumawak ang ngiti niya. Exposing his two rotting teeth. Lumabas ang nangingitim niyang dila at binasa ng laway ang namamalat niyang mga labi.

"Hi, pogi," sabi ni 2121, titig na titig kay Romeo. "Ipatikim mo naman sa 'kin ang alaga mo."

Nagsimula siyang maglaway. Humakbang siya palapit sa 'min. Napaatras kami ni Romeo. Titig na titig kami sa bawat galaw niya.

And suddenly, it struck me. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang na-realize. 2121 ang numero sa name plate na suot ni Edgarda. Kung 2121 ang nakamarka sa noo ng kriminal na ito, ibig sabihin, ito ang kriminal na tinutugis ni Edgarda.

Ito si Fredrick.

Muling binasa ni Fredrick ng dila niya ang labi niya. "Ipakita mo sa 'kin ang alaga mo, pogi. Papatirikin ko ang mata mo, pogi."

Then, Fredrick giggled. Matinis na hagikgik, ipit. And he would not stop. He wouldn't fucking stop. He kept on giggling until I was sure that he was losing his mind and we were in danger.

We were in grave danger.

"SIGE na, pogi," sabi ni Fredrick sa 'min. Pinatinis niya ang boses niya, para siguro mag-boses babae. Sige din siya sa paminsan-minsang pag-pout ng lips. "Ipatikim mo na sa 'kin 'yang junior mo."

Fredrick started simulating the act of blowjob. Umarte siya na parang may hawak na mahabang bagay sa isang kamay niya na nilalabas-pasok niya sa nakanganga niyang bibig. Gamit ang dila ay tinutulak niya ang loob ng pisngi niya, para magmukhang umuumbok iyon sa labas. And he began to make some creepy, slurping sounds. Pinatirik din niya ang mga mata niya. Soon, thick, frothy drool dripped from his grizzly chapped mouth.

"Hoy!" sabi ko sa kanya. "'Wag mong gawin 'yan! Baka tigasan 'to!" sabi ko, sabay turo kay Romeo.

"Fernie!" sigaw ni Romeo, nanggalaiti. Nanlalaki butas ng ilong.

Natawa naman ang bakla ng matinis, kinilig pa yata ang gaga. "Yon nga ang gusto ko, eh. Tigasan ang mga pogi dahil sa 'kin..." Fredrick giggled. "Magaling ako, pogi. Promise. Marami nang lalaki ang pinatirik ko ang mata."

That's why his body was probably a cesspool of sexually transmitted infection.

Eeew.

"Ipatikim mo sa 'kin ang alaga mo, pogi." He stepped close. "Promise... I'll swallow."

Upon saying that, Fredrick's dick began to harden slowly. Parang may sarili iyong buhay na unti-unting tumayo. Pumintig-pintig.

"Eeew, girl, daks," sabi ko sa kanya. Pumilantik pa ang fingers.

Fredrick could not help but giggle. "Kaya nga, eh."

"I can't believe you're making small talk with him!" sabi ni Romeo.

Tumitig lang ako kay Romeo at hindi siya pinansin. Sa totoo lang ay gusto ko lang maging komportable si Fredrick sa 'min. Pero mukhang hindi iyon ma-gets ni Romeo.

"Promise, pogi, isusubo ko 'yan ng buo," sabi pa ni Fredrick. Muling tumingin sa harapan ng pantalon na suot ni Romeo. "Isusubo ko 'yan hanggang dulo."

May bumakas na pandidiri sa mukha ni Romeo. "You're sick," he said. "You're disgusting."

Natigilan si Fredrick. Nawala ang ngiti sa mga labi. Para bang may naalala siya dahil sa mga narinig niya mula kay Romeo. Sunod ay napalitan ng galit ang ekspresyon sa mukha ni Fredrick. Nanlisik ang mga mata niya.

"Magugustuhan mo rin naman, aayaw-ayaw ka pa! Sa una ka lang maninibago pero magugustuhan mo rin! Magugustuhan mo rin! Uungol ka din! Magugustuhan mo ring hayup ka!"

Napalunok ako, nagsimula nang matakot. Napaatras kami ni Romeo. Nakita ko na ang kamay ni Romey ay dumako na sa baril na nasa holster sa pantalon niya. Titig na titig siya kay Fredrick, inoobserbahan bawat galaw ng baklang kriminal.

"Gano'n naman ang sinabi ng mga lalaki no'ng una, eh," sabi pa ni Fredrick. Nasundan iyon ng isang matinis at nakakakilabot na tawa. "Aayaw-ayaw sila pero nang nasa bibig ko na, ungol na sila nang ungol." Fredrick laughed again. Muling humakbang palapit sa 'min. "Tapos, bumalik-balik na sila. Nagustuhan din nila, eh. Nagustuhan din nila ang ginagawa ko. Tapos ngayon, andito ako? Bakit ako nandito? Ginawa ko lang ang gusto ng mga lalaking 'yon. Hindi ako dapat nandito." Panay ang iling ni Fredrick, para bang nangangatwiran sa sarili.

"Fuck, he is so sick," pabulong na sabi ko sa sarili. Napapaatras pang lalo dahil sige ang paglapit sa 'min ng bakla. I just wanted Romeo to blow Fredrick's fucking brains out.

"Hindi ako dapat narito. Hindi ako dapat narito, kaya wala kang karapatang sabihan ako na nakakadiri ako!" sigaw ni Fredrick kay Romeo. "Kakagatin ko 'yang alaga mong hayop ka! Lulunukin ko 'yan ng buong hayup ka!"

Mabilis na sumugod si Frledrick, nakatutok na ang kakaiba niyang baril kay Romeo. Nasa gatilyo na ang isa niyang daliri at kitang kita ko kung paano niya kinalabit iyon. Napakabilis ng pangyayari. Pagkatapos na mapaungol si Romeo dahil tinamaan siya ng kung anumang bala ng kakaibang baril, hinugot niya ang sarili niyang baril at tinutok kay Fredrick. Mabilis na pinaputok ni Romeo ang baril at tumama sa panga ni Fredrick ang bala.

Napatili ako nang makita kung paanong nahulog ang panga ni Fredrick sa lupa. Blood splattered on his face full of make-up and dirt, and soon flowed on his blouse. Tanging ang itaas na bahagi na lang ng bibig ni Fredrick ang kita. Half of his mouth, which he thought was his biggest asset, was now on the ground. Panay ang hawak ni Fredrick sa mukha niya. Namilog ang mga mata niya sa galit at pagkabigla.

Itataas pa sana ni Fredrick ang kakatwa niyang baril para muling barilin si Romeo pero inunahan na siya ng lalaki. Romeo shot him for the last time, hitting him on his forehead. It exploded, splattering his blood and brain matter, making it appear as if there was red mist in the air.

Fredrick collapsed on the ground and his body shook violently. Umangat-baba ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya na parang nakikipagsex. Then, he ejaculated. As if fate had given him the last chance to feel sexual excitement. And after ejaculating, his body stopped moving. He was dead.

Na-speechless ako.

Taas-baba ang dibdib ni Romeo, humuhugot ng malalalim na hininga. Titig na titig siya sa bangkay ng bakla, pagkatapos ay napatingin siya sa sugat niya sa braso, kung saan siya tinamaan ng baril ni Fredrick. Napatingin din tuloy ako doon. 

OMG! Paano na?

Dark Justice Series: PerversionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon