Madaling Araw sa Killing Arena

164 3 0
                                    

KINABUKASAN, nagising ako na nakayakap na si Romeo sa 'kin. Nakakulong na ako sa mainit na bisig niya at nakasubsob siya sa bandang leeg ko. Ramdam ko ang mainit na pagpaypay ng hininga niya sa balat ko.

There was a few seconds that I forgot that we are on a Judging Area, on a hunting ground. For a few seconds, I let myself enjoy the warmth of Romeo's body. I was even almost tempted to kiss his hair.

Bakit ganito na agad ako ka-connected sa kapitbahay kong hindi ko naman pinapansin noon? Dahil ba sa near-death experience namin with a chakang kriminal kahapon?

Possibly.

Something moved against my thigh that almost made me scream.

Akala ko kung ano. Baka... daga. Pero parang hindi. Tumingin ako sa legs ko. Nakapatong na pala ang binti ni Romeo sa balakang ko. His crotch was pressed on my thigh. At iyong gumalaw kanina...

I giggled.

Alam ko kung ano 'yung gumalaw kanina.

'Yong ano...

I giggled again.

Naalimpungatan si Romeo sa pagbungisngis ko. Kumunot ang noo niya. Tapos ay dahan-dahang nagmulat ang mga magagandang mata niya. Ilang sandali siyang napapikit, nasilaw siguro sa kagandahan ko, tapos ay napadilat uli.

"Hi, Romeo," pagbati ko sa kanya, ngising-ngisi. "Ikaw, ha? Ano'ng napanaginipan mo?"

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now