Tuksuhan sa Killing Arena

148 3 0
                                    


RECAP: NAGKATAONG NABARIL SI ROMEO NG KARAYOM NA MAY VIAGRA. ANO ANG MANGYAYARI?

HINDI ko napigilan. Ilang segundo lang akong tulala. Then a giggle escape from my lips. Tinakpan ko ang bibig ko pero lalo lang akong natawa. Isang nagbababalang tingin ang natanggap ko mula kay Romeo.

Pinilit kong sumeryoso.

Tumikhim ako. "Paano naman siya nagka-Viagra?" nasabi ko. Akala mo scientist na naka-encounter ng isang dilemma. Kulang na lang himasin ko pa ang baba ko.

"Hindi ko alam. Hindi binibigyan ang kriminal ng mga sandata kaya posibleng naagaw lang niya iyong dart gun sa isa sa mga Judge. Iyong viagra, posibleng naipuslit lang niya iyon bago siya ipasok sa Judging Area. Siguro balak pa niyang humanap ng biktimang lalaki dito," sabi naman ni Romeo.

Biktima. Such a funny word now, looking at his erection. I giggled again.

"Fernie," sabi ni Romeo, salubong na ang kilay. Pulang-pula na ang buong mukha.

"Bakit kasi hindi mo binaril agad?" sabi ko.

"I am now allowed to shoot a criminal unless he or she is escaping or he or she attacked me first."

"Okay," sabi ko na lang. "'Ayan, tuloy, ang tigas. Parang may sariling buhay." I bit lips to keep myself from giggling. Naisip kong pagtrip-an ang helpless na pogi. Dumukwang ako at tinapat ang mukha ko sa umbok para "kausapin."

"Hello. Kumusta? Magandang araw!" Kumaway-kawa pa ako.

"Fernie!" pagalit na sabi ni Romeo. OA na napaatras. "'Wag mong ilapit ang mukha mo diyan!"

Umayos ako ng tayo. Nakita kong pulang-pula na maging ang leeg ni Romeo. Tinakpan na din niya ang umbok sa pantalon niya. Natawa lang ako.

"Galit ka na?" sabi ko.

"Fernie!"

"Galit na nga. Parang 'yan?" Nginuso ko ang "junior" niya.

"Don't make fun of me," sabi ni Romeo.

"I'm sorry, nakakatawa lang kasi talaga," sabi ko. Pinilit ko na ang sarili ko na tumigil sa pagtawa. "O, ano na'ng gagawin mo?"

Hindi agad nakapagsalita si Romeo. Parang nahihiyang nagbawi siya sa 'kin ng tingin. Para siyang batang napahiya dahil nahuling may ginagawang masama. Hindi ko mapigilang matawa.

"Go na sa banyo," sabi ko. Nasa hallway kami. College building 'yon kaya sigurado ako na may CR. At meron nga. Ilang hakbang lang ang layo sa 'min.

Lalo pang parang nahiya si Romeo. "Ang alam ko, hindi naman lalambot 'to kahit magkaroon ng sexual release," pagdadahilan ni Romeo. "Kailangan talagang mawala sa sistema mo ang drugs bago lumambot."

Halatang ayaw sumunod ng pogi.

"Eh malay mo makatulong? Ano ka ba. Gawin mo na!" sabi ko, obviously enjoying the situation. "As if naman hindi mo 'yon ginagawa!"

"Fernie!" sabi ni Romeo. Nanggagalaiti na ata. Buong katawan na ata ang namumula.

"Normal sa inyong mga lalaki 'yon--"

"Fernie, isa," may pagbabanta ng pagbilang ni Romeo.

"Chill lang. Sumali ako sa networking, open minded ako, nagbenta ako ng Vita Plus--"

"Dalawa."

"'Wag ka lang uungol nang sobrang lakas--"

Parang napuno na si Romeo sa sinasabi ko. Bigla siyang humakbang palapit sa 'kin, wala ng ngiti sa mga labi. Napaatras agad ako. Saktong pader na ang nasa likod ko. Nakorner ako ni Romeo dahil agad siyang lumapit sa 'kin.

Akmang lalayo ako sa kanya pero inilapat niya ang isang kamay niya sa pader sa kanan ko. Inilapat din niya ang isa pang kamay niya sa kaliwa. Para niya akong ikinukulong. And he was doing that while having his huge erection.

Hindi ko alam kung matatakot, mati-thrill o matatawa.

Siguro pare-pareho na lang. Mabait si Romeo at alam ko na sinusubukan lang niya ring ibalik sa 'kin ang pang-aasar ko. Hindi niya ako sasamantalahin o anupaman. So hindi ako aatras no.

"'Wag ka nang magsalita," sabi ni Romeo. Paos ang tinig niya, parang nauuhaw. Nakatitig siya sa mukha ko at doon ako natigilan. Para kasing... para kasing hinuhubaran niya ako gamit ang mga mata niya.

O baka imagination ko lang.

O baka...

Shit, bumaba ang titig niya sa mga labi ko. Nakita ko ang pagtaas-baba ng Adam's apple niya habang titig na titig sa lips ko. Para bang... para bang natutukso siyang halikan ako.

Natahimik na ako. Para na ring kinakapos ng hininga. Bumilis ang tibok ng puso. Napalunok.

"'Wag ka nang magsalita," sabi niya sa tinig na kakaiba. Sa tinig na parang nanunukso. Nang-aakit. "'Wag ka nang mang-asar," dugtong pa niya.

"Kapag bumuka pa 'yang bibig mo..."

Umangat ang kamay ni Romeo. He slowly traced the outline of my lips using his thumb, while his eyes kept on gazing on it like he wanted to own it. May masarap na kiliting hatid ang ginagawa ni Romeo sa 'kin.

"Kapag bumuka pa ang bibig mo..." ulit niya. Bago umusog pang palapit sa 'kin. Dumukwang at bumulong, "Hahalikan ko 'yan."

Dark Justice Series: PerversionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum