Isang 'Malaking' Problema sa Killing Arena

161 3 1
                                    


Dumako ang kamay ni Romeo doon at may kung anong hinugot mula doon. Sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo niya, nakakita ako ng isang mahabang karayom.

"Crap," sabi ko. Lumapit sa kanya. "Hindi kaya..."

Hindi nagsalita si Romeo.

"Hindi kaya may lason ang karayom na 'yan?"

Hindi pa rin nagsalita si Romeo. Lumunok lang siya at tumingin sa 'kin.

"Maglakad na tayo," he said.

"No," sabi ko. Nagsimula akong mag-alala. "Romeo, baka may lason 'yan--"

"Ituloy natin ang paglalakad. May makikita na tayong school building 'pag nagpatuloy tayo. Ang building ng College of Computer studies. Baka mayroon ako'ng kasamahan doon na puwedeng umalalay muna sa 'yo habang nagpapagaling ako."

"No, Romeo, iwan mo na ko. Unahin mo na ang sarili mo--"

"Ayoko."

"Baka malason ka--"

"Hindi ako mapapakali hanggang hindi ko nasisiguro na wala kang kasama, okay?" sabi ni Romeo. "Kaya tara na, maglakad na tayo. Malapit na 'yong unang building."

Wala akong nagawa dahil nauna nang maglakad si Romeo, nakahawak lang sa sugat niya. Para akong gaga na sumunod lang, alalang-alala. Bakit ba kasi... bakit ba kasi niya gusong-gusto na protektahan ako? Isusugal pa niya pati ang buhay niya. Bobo ba siya o baliw?

"Romeo..." nag-aalalang sabi ko.

Hindi lang nagsalita si Romeo. Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso niya, inalalayan siya. Natigilan saglit si Romeo. Pagkatapos ay hinayaan na ako. Sabay kaming naglakad, nag-aalala sa isa't-isa.

Dasal ko lang ay makarating na kami sa building ng College of Computer Science. Para makampante na si Romeo at pumayag ng bumalik sa kung saanmang kampo nila para magpagaling.

Pero nang marating namin ang building ng College of Computer Science at libutin ang tatlong palapag na gusali, tingnan bawat kuwarto ng may alertong mga mata, ay wala kaming nakitang kriminal o judge.

Wala ding Black Inviter. Walang mapapag-iwanan sa 'kin si Romeo. 'Asan ba kasi ang mga iyon? Sabagay, sinabi na sa 'min na mahirap tumakas sa Judging Area kaya mangilan-ngilan lang ang Black Inviter na lilibot doon. Posible nga na walang magdala kay Romeo sa pagamutan.

Lalo akong nag-alala.

"Romeo, I think you should really leave me, baka kasi lason--"

Sinasabi ko iyon habang hallway kami ng third floor. Natigil nga lang ako sa pagsasalita dahil napansin kong naka-steady lang si Romeo sa kinatatayuan niya.

Agad na tumindi ang kaba ko. Humarap ako sa kanya.

"Romeo, ano na?" Lumapit ako sa kanya. "Mamamatay ka na ba? Romeo, uy..." sabi ko maiiyak na. Panay ang alog ko kay Romeo.

"Crap," sabi ni Romeo.

"Ano ba? Uy? Ano'ng nangyayari?" Nararamdaman kong nag-iinit na ang mga mata ko.

"Tingin ko alam ko na kung ano ang nasa karayom ng dart gun ni Fredrick."

Napapikit ako. "Alam mo na?" I said. "Ano?"

Parang napahiya si Romeo. Pero sa huli ay pinili ding sabihin. "Viagra."

"Viagra?" Then it hit me. Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa harapan ng pantalon ni Romeo. At nakita ko na... may nakaumbok do'n. Ilang segundo din akong natulala bago ko nasabi... "Oh dear."

Oh dear talaga! Mukhang malaki si junior!

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now