Pagpili ng Sandata

211 8 0
                                    


NILAGPASAN namin ang arko. Sinalubong kami ng hilera ng mga puno. Ang dahon ay halos kulay itim na dahil sa dilim ng gabi. Isinasayaw ang mga sanga ng malamig na hangin, lumilikha ng mahina pero nakakatakot na tunog.

Naglakad kami hanggang sa marating ang guard house. Doon, may isang Black Inviter na sumalubong sa 'min. Tumitig siya sa 'min at ngumiti.

"Welcome to the first night of the Judging," he said. Guwapo siya. Halatang Amerikano, kasi blonde ang buhok. Bughaw ang mga mata, malalantik ang pilik. "I am Rolfe. I am assuming na alam n'yo na kung ano ang gagawin n'yo."

Wow, marunong mag-Filipino!

"We know," seryosong sagot ni Edgarda sa lalaki. Isa si Edgarda sa mga baduy na sumali sa Judging. Maluwag na maluwag ang t-shirt niyang itim. May salamin siyang sobrang makapal. At nagsandals siya. Babaeng nagsandals! Kadiri! May medyas pa. Imagine, may medyas pa? Nang nagsabog si Lord ng fashion sense, tulo siguro laway niya. "Vengeance is ours, not the Lord's!" Affected na affected ang Edgarda, nakataas pa ang kamay.

Rolfe just looked at her funny. "Yeah," he said. "So now, you will be here for a week. Which means you need to have food, water and a few medical supplies."

Itinuro ni Rolfe ang dalawang malaking backpack sa sahig ng guard house.

"Bring that with you," he said. "That has enough food that could last for a week. There are ample amount of water bottles there, too. Some of the boarding houses in the Judging Area has water. There is also a water pond in the Judging Area somewhere and you can also get water there."

Tumango-tango ako, parang obedient student.

"And of course..." biglang sabi ni Rolfe. Lalong lumawak ang ngiti niya. Kumislap ang mga mata niya. "If you're going to hunt for criminals... you will need some weapons..."

Sunod na itinuro ni Rolfe ang isang malaking mesa sa sulok ng guard house. Doon napako ang paningin namin.

Muntik na akong mapanganga. Puno ang mesang iyon ng mga baril na hindi ko alam ang pangalan, mga kutsilyo na iba't-iba ang sukat, mga can ng pepper spray. May ice pick, latigo, granada, bote ng lason... iba-ibang gamit para pumatay ng tao.

"Bring everything you need," sabi ni Rolfe. "Use it until you finally get the justice you deserve."

Kumuha kami ng mga kailangan naming sandata. Inilagay ko ang mga pepper spray sa loob ng itinuro ni Rolfe na backpack na may lamang supplies. Hindi na ako kumuha ng lason, baka tumapon iyon sa pagkain na nasa backpack. Kinuha ko din ang ilan sa mga gamit ko sa pink kong backpack at inilagay sa bigay na bag ni Rolfe.

May belt sa mesa na mayroong gun holster at knife sheath. Nagsuot kami ni Edgarda ng belt na iyon at kumuha ng baril na isusuksok sa holster. Kumuha din kami ng mga kutsilyo.

Habang ginagawa ko 'yon, ramdam na ramdam ko ang pagtitig ni Romeo sa 'kin.

Nang matapos kami ni Edgarda sa pagkuha ng sandata, humarap kami kay Rolfe. Titig na titig naman sI Rolfe sa 'min, hindi naalis ang ngiti sa mga labi.

"Are you ready?" tanong ni Rolfe.

"I'm ready!" sabi ko, tas ginaya ang tawa ni SpongeBob.

Rolfe looked at me funny. Sorry naman, ninerbiyos lang.

"I wish you good luck," sabi ni Rolfe. "And remember... nothing is sweeter than getting the justice you deserve."

And that was when I knew... The Judging had officially started.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now