Paglaban sa mga Miyembro ng Kulto

61 3 0
                                    

RECAP: NANGANGANIB ANG BUHAY NI FERNIE SA MGA KASAMA NIYA SA BAHAY...

KINAGABIHAN, sinabi ko kay Norman na bukod kami ng kuwartong tutulugan. Pumayag naman siya, kaya naroon ako sa kuwarto ko, hindi makatulog, nag-iisip kung paano tatakas.

Walang bintana sa kuwartong tutulugan ko kaya ang tanging paraan lang para makatakas ay hintayin na makatulog sina Norman saka pumuslit paalis ng bahay. Kaya kanina pa ako dilat na dilat, pinakikinggan ang pagpatak ng ulan sa bubong. Konting oras pa, makakasiguro na ako na tulog na sina Norman. Puwede na akong umalis.

How I wish Romeo was here. Kung nandito si Romeo, hindi ako matatakot.

Tinakpan ko ang bibig ko, pinigil ang sarili kong umiyak. I can't break down right now. Ipinangako ko kay Romeo na magiging malakas ako, na magiging matapang ako.

Humugot ako ng malalalim na hininga, pinapakalma ang sarili.

"You can do this," bulong ko sa sarili ko. "You have nothing to be afraid of. They would be asleep."

Tantiya ko ay lumipas pa ang isang oras bago ko maisip na lumabas na ng silid ko. Ingat na ingat ang hakbang ko habang patungo sa pinto. Pinihit ko ang door knob at itinulak ang pinto pabukas. Nag-aalala akong makagawa ng tunog kaya dahan dahan ang pagbukas ko.

Madilim ang buong bahay dahil walang ilaw. Pero nasanay na naman sa dilim ang mga mata ko, kaya malakas ang loob ko na lumabas ng kuwarto. Kailangan kong puntahan ang bag ko na naiwan ko sa kusina, kunin iyon at lumabas ng bahay.

Magagaan ang hakbang ko habang patungo sa kusina. Pawis na pawis ako, kahit malamig naman ang buong bahay. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko.

Nang marating ko ang kusina ay hinagilap agad ng mata ko ang bag ko. Pero hindi ko iyon makita.

"What the..."

Parang tumalon ang puso ko nang makarinig ng tunog ng bumukas na pinto. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko, hindi alam kung saan pupunta.

Nakarinig na naman ako ng tunog ng pagbukas ng pinto. At mayamaya ay narinig ko ang tinig ni Norman.

"Putang ina, sinasabi ko na nga ba nakahalata ang gaga!"

Suddenly, a chill went down to my spine. I knew he was talking about me.

"Father Leader, wala na siya," narinig kong sabi ni Norman. "Wala na ang babae."

Tatakbo na ba ako? Pero kapag tumakbo ako, maririnig nila ang yabag ko. Ano'ng gagawin ko? Ano?

"Pero baka hindi pa siya nakakalayo, Father Leader," sabi pa ni Norman. "Hahanapin ko siya. Hindi ako papayag na hindi mo makain ang katawan niya."

Suddenly nagkabuo ako ng kongklusyon sa nangyari. Siguro ay totoong tinutugis ni Norman ang cult leader nila. Pero nang makita niya ang cult leader sa Judging Area ay nagawan siyang baliktarin niyon, dahilan para "magbalik-loob" si Norman sa kanya.

And now the insane cult leader wanted to eat me.

Fuck! What now? What now?

Dahil hindi makapag-isip nang maayos sa sobrang pagkataranta ay pinili kong magtago. May lumang cabinet sa ilalim ng lababo. Kasya ako doon. Alam ko na hindi ko pa nasasabi sa inyo pero bukod sa daga, malaki ang takot ko sa enclosed spaces. Pero wala akong pagpipilian dahil mas takot akong mamatay.

Magbabaka-sakali na lang akong maghahanap si Norman hanggang sa labas ng bahay. Puwede kong i-hostage si Gustav kung sakali.

Nagmamadali akong pumasok sa cabinet. Pilit pinagkasya ang sarili ko doon. Mabaho sa loob niyon, basa at madulas na parang may lumot. Nakakadiri. Parang hindi na agad ako makahinga. Pilit ko lang pinapakalma ang sarili ko.

Dark Justice Series: PerversionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ