Pagsali sa Kilusan

44 1 0
                                    


ONE SATURDAY afternoon, sinabi sa 'kin ni Mauricio na pupunta siya sa bahay ni Professor Calma.

Hindi siya mapakali sa excitement. Nagpasama pa sa 'kin na bumili ng bagong damit. Natagalan din bago niya mahanap ang damit na bagay na bagay sa kanya. Nang magpasama siya sa 'kin sa isang pharmacy at makita ko na bumili siya ng condom, may ideya na ako kung ano ang mangyayari.

"Mauricio..." nasabi ko.

"We're in love," he said.

Pinili ko na lang na hindi magsalita.

Kinabukasan, sinabi ni Mauricio na magkita uli kami. Pumayag naman ako. Makislap ang mga mata ni Mauricio, excited na excited.

"Mukhang masaya ka a," komento ko habang nagla-lunch kami sa mall kung saan kami nakita.

"May sasabihin ako sa 'yo. Mabibigla ka dito."

"Ano 'yon?"

"Black Inviters," sabi niya. Lalo pang kumislap ang mga mata niya. Lalo pang lumawak ang ngiti niya.

"Black Inviters?"

Those two words changed our loves forever.

***

DINALA kami ni Professor Calma sa isang tower sa loob ng isang abandonadong unibersidad sa Pilipinas. Dinala kami sa pinakatuktok na palapag, sa isang opisina.

Opisina daw ni General Zandro Encarnaldo. Isa raw sa mga may pinakamataas na ranggo sa Black Inviters. Bahagi raw ng "council."

Kaharap na nga namin ang heneral. Mukhang matapang dahil mabagsik ang mukha. Nakadulog siya sa malaki niyang mesa at nakaupo kami sa mga silya sa tapat niya.

"Kayo ay inirekomenda ni Melanio para maging miyembro," sabi ni General Escarnaldo. Titig na titig sa 'ming dalawa. "May ideya na ba kayo kung ano ang layunin ng Black Inviters?"

Tumango kaming dalawa. Pero ipinaliwang pa din ng heneral ang layunin ng vigilante group.

Wala raw kuwenta ang justice system sa Pilipinas. Ilan sa mga napapatay ay hindi nabibigyan ng hustisya dahil sasabihing isang rebelde. May mga mayayaman na napapawalang sala dahil sa pagbabayad sa mga judge. Sa bansa daw natin, ang mga kabataan sa paaralan ay tinuturuang manahimik at 'wag lumaban. Ang mga mayayaman ay kinikilingan ng pamahalaan at sila ay naabsuwelto sa kanilang mga kasalanan.

Hindi raw iyon matanggap ng ilang sundalo, pulis at ilang ordinaryong mamamayang Pilipino. Gumawa sila ng isang vigilante group, na tinawag nilang Black Inviters, para ilagay ang batas sa kamay ng mga naagrabyado. Bahala na kung rebelyon ang kanilang ginagawa at posible silang patayin. Ginalingan na lang daw nila ang pagtatago.

Nagpaplano sila ng isang taunang kompetisyon, kung saan isasabak sa isang tunggalian ang mga naagrabyado laban sa mga gumawa sa kanila ng kasalanan.

Inaamin ko na naging curious din ako sa sinasabi ng heneral. Kaya nang tinanong niya kami kung interesado ba kami na maging miyembro ay sumang-ayon kami.

Sinabi nila na hindi pa kami ganap na miyembro. Kailangan muna naming tumulong na I-organisa ang Judging. Kailangan daw kaming obserbahan, itest ang loyalty namin at kung napatunayan na wala kaming balak ipaalam sa buong bansa ang existence ng grupo ay doon lang magiging valid ang membership namin.

It was all happening so fast. But I was just a seventeen year old boy by then. I was just about to turn eighteen. The concept of a vigilante group made me curious. It appealed to me. And soon, I was just as excited about it as Mauricio.

Seventeen year old boys are just so naive.

***

NAGING miyembro kami ng Black Inviters pagkatapos ng ilang taong pagtulong sa pag-oorganisa ng Judging. Nasaksihan namin kung paano dumami ang mga miyembro ng Black Inviters sa pagdami ng mga nananalo sa Judging. Tumaas din ang ranggo namin. Kung dati ay parang cadet lang kami o officer, malapit na kaming maging bahagi ng council. Kapag naging bahagi na kami ng council ay sasabihin sa 'min ang ilan sa mga itinatago pang sekreto ng black inviters.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now